It was six years ago. I was at the school entrance and my forehead furrowed when I didn't see the one I was used to seeing. Nagpalinga-linga ako. Wala talaga. Baka nahuli lang.
Three days passed, wala pa rin. Baka nagkasakit o dahil sa kahihiyan kaya pinalipas muna ang mga araw. Hanggang nagulat na lang ako sa sarili ko nang hanapin ko iyong mga babaeng nanakit sa kanya. Baka tinakot na naman nila si Lyna.
"You already know what's going to happen if I find out that you're lying," I threatened them. Wala raw kasi silang alam kung bakit hindi pumapasok si Lyna.
Nagtatakbo sila palayo. Hindi ko alam na nakasilip ang ilan sa mga tropa ko kaya kinantiyawan nila ako.
"Pare, anong nakain mo?" tanong ni Kier. Isa ring player ng Basketball. "Akala ko ba ayaw mo sa mga mahinhin? Gusto mo rin pala sa mga mahihindu-"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil kinuwelyuhan ko na siya agad. "Try to open your filthy mouth or you'll regret being born in this world."
Muntik na kaming magsuntukan ni Kier pero napigilan lang kami ng mga kasama namin sa Sportsfest. Doon ko nakilala sina Hawk Salazar, River Andrada at Hero Navarro na pawang mahuhusay sa athletics. They were from different Secondary Schools. Kung hindi nila ako pinigilan, baka bugbog-sarado na si Kier.
Mahigit isang linggo na. Damn! Nabubugnot na 'ko at napagbubuntunan ko na ng inis ang mga team mates ko sa Basketball.
Lahat ng lugar na dati-rati ay naroon lang at sumisira ng araw ko, ngayon wala na. Wala nang sumisira sa araw ko. At nabubuwisit ako!
"Lola, nag-drop out ba si Lyna?" Hindi na 'ko nakatiis kaya tinanong ko na si Principal Claudia Milano.
Sumandal si Lola sa kanyang kinauupuan. Ibinaba niya ang hawak na mga papel.
"Tristan, matagal na siyang wala sa eskuwelahan na ito," nagtataka niyang paliwanag.
"Paano nangyari iyon?" Baka ginu-good time lang ako ni Lola. Nagtataka siguro siya dahil ayaw na ayaw ko sa stalker na iyon, 'tapos ngayon ay tinatanong ko sa kanya.
"Namatay ang itay niya. Umuwi sila ng probinsiya."
"Saang probinsiya?" Halos mapagalitan ko si Lola. Wala naman kasi siyang binabanggit.
Nagkibit-balikat si Lola. "Check mo sa records." Binalikan niya ang mga ginagawa.
"Ano ka ba naman, 'La! Ikaw ang nagsabi na siya ang babaeng dapat nililigawan ko. Pero ngayon, balewala naman pala sa 'yo na nawala siya rito!" bugnot na sabi ko.
Tinakbo ko ang opisina ng mga School Records. Bahala na kung pagalitan ako ni Lola Claudia mamaya dahil sa sinabi at biglang pagtalikod ko sa kanya.
Mabuti at apo ako ng principal kaya madali kong nasilip ang records ni Lyna. Doon ko nalaman ang buong pangalan niya. Kinuha ko ang address niya. Numero na puwedeng tawagan. Lahat ng impormasyon. Para akong stalker kahahanap sa kanya. Nag-aabang ako lagi sa mga social media, baka may account siya o kamukha niya. Pero wala. Walang Lyna Mari Vergara.
Hanggang sa nagsawa na 'ko. Tinigilan ko na. Marami namang babae riyan. Maraming libreng mahalikan.
Until I had a dream. F*ck that wet dream. I can still feel her lips. Her soft skin. Her sexy body. Parang totoo.
I finished Architecture and passed the licensure exam. Kinausap ako ni Tito Lucas na ibabalik na niya sa akin ang dating mga negosyo ni Dad na siya muna ang humawak. But I want my own company. So I partnered with Hawk, River and Hero and built the Thrive Corporation. We're called the Sexy Thrive Men. We were featured in one of the leading business magazines in the Philippines and so our Engineering Design for commercial, residential, community building like hotels and offices, including industrial buildings has been the talk of the town. Pero nakiusap pa rin sa akin si Tito Lucas para hawakan ang isa sa mga dating negosyo ni Dad. It was an Architectural Firm na siya rin ang namamalakad. Magreretiro na raw kasi ang Head Architect.
![](https://img.wattpad.com/cover/200519374-288-k614646.jpg)
BINABASA MO ANG
My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)
Ficção Geral𝐑𝟏𝟖 𝙎𝙋𝙂 𝘼𝙇𝙀𝙍𝙏 She's his girl stalker. She watched Tristan Romulo from afar. She dreams of him every night. And a dream isn't real. It will never come true. He kissed her once. He stumbled upon her six years after. Lyna Vergara always pop...