MNGS 27

1.4K 47 1
                                    

TRISTAN was unusually very quiet the next morning. Hindi ko na namalayan ang pagdating niya. Madaling araw na marahil siya nakauwi.

"Uhm, nagluto ako ng breakfast," bungad ko. Hindi ako makatingin sa kanya dahil wala siyang pang-itaas at ang may kanipisan ang suot niyang boxers. I could smell the mix of wine and whiskey when he went out of his room.

Hindi sumagot si Tristan. Bumaling siya sa mga pagkain na nasa mesa.

"C-Cheesy bacon and potato salad. Sana magustuhan mo..." sabi ko agad. Ayoko nang maghain ng pagkain na may dobleng kahulugan at baka kung ano na naman ang isipin niya.

"Pakikuha 'yong mga bote sa kuwarto ko," kunot-noo niyang utos. Saka siya tumalikod at pumasok ng banyo.

Bahagya akong natigilan. Mukhang hindi maganda ang gising niya. Wala man lang siyang sinabi tungkol sa pagkain na inihanda ko para sa kanya.

I walked towards his room and found two empty bottles of whiskey. Nakakalat din sa ibabaw ng kanyang kama ang isinuot niya kagabi. Some tissues were scattered on the floor.

Nagdalawang-isip ako kung aayusin ko rin ba at ililigpit ang mga kalat niya. An old woman came by here yesterday to do his laundry and clean his condo. Hindi naman siguro siya magagalit kung magliligpit ako.

Kinuha ko ang marurumi niyang damit para ilagay sa laundry basket. Inayos ko na rin ang magulong kama at bago ako lumabas ay isa-isa ko munang pinulot ang mga nagkalat na tissue sa sahig.

Paglabas ko ng kanyang silid dala ang mga bote ay nakabihis na si Tristan. I couldn't help but bite my lower lip when I inhaled his after shower scent.

"U-Uh... saan ko ilalagay ang mga boteng ito?" hindi makatingin na tanong ko sa kanya.

"Throw them," he simply said. Hinilot niya ang kanyang kanang sentido.

"M-Masakit ang ulo mo?"

"Yeah. The effect of what I drank last night."

"Hangover," bulong ko. I can see dark circles beneath his eyes. Kaya ngayon ay kunot ang noo niya dahil siguro sa puyat —and I think— because of hangover.

"What?" he asked, frowning.

"Nothing. Itatapon ko lang ang mga ito." Tinalikuran ko siya at saka inilagay sa recycle bin ang mga bote. Pagtayo ko ay hinawakan ko ang aking dibdib. What is causing my heart to beat so fast? I exhaled roughly before going back to the kitchen. Nakita kong hindi pa rin kumakain si Tristan. Nakapamaywang siya na nakatingin lamang sa mga inihanda ko.

Hindi kaya niya nagustuhan? Ayaw ba niya ang niluto ko?

"I'm not hungry," Tristan suddenly said.

"Oh. Okay," malungkot na sabi ko. Napalunok na lang ako nang bigla siyang tumalikod.

"Let's go. I don't want to be late."

***

"Lyna, tama ba ang nakita ko?" tanong ni Andrea. Lumapit siya sa akin nang nauna nang nakapasok si Tristan sa silid niya. "Sabay yata kayo ni Sir Tristan na lumabas ng elevator. At sabi sa 'kin ng guard, bumaba ka rin mula sa kotse ni Sir Tristan?"

"What? Gosh, Lyna! Is that true?" usyoso rin ni Kelly. Napalakas ang boses niya kaya nilingon na kami ng iba pa naming kasamahan. "Don't tell me na sinundo ka pa ni Sir sa apartment mo?"

"Huh? Uhm... Ano kasi..." Nataranta ako at hindi ko malaman kung ano ang sasabihin sa kanila.

"Teka lang. You're not denying it?" Napanganga si Kelly. "Sinundo ka ni Sir at nagsabay pa kayo papunta rito?"

"Baka may gusto si Architect kay Lyna! OMG!" singit ni Vivian. Bumuka pa ng malaki ang bibig niya.

"You think magkakagusto si Architect Tristan kay Lyna?" Kelly laughed. "That's impossible."

Napatiim-bagang ako sa naging reaksyon ni Kelly. Pero yumuko ako para itago iyon sa kanila.

"May gusto ba sa 'yo si Sir Tristan?" biglang tanong ni Kai. Napaatras ako. Hindi ko namalayan na nakalapit na rin siya at biglang nahawakan ang likod ko.

"O-Of course not!" nabigla kong sagot.

"Don't deny it, Lyna. Iba ang mga tinginan n'yo ni Sir Tristan." Nanlalaki ang mga mata ni Meg.

"Come on, Lyna! Tell us the truth. This is just a game about Tristan." Siniko ako ni Kelly.

"W-Wala akong aaminin sa inyo."

"Ano'ng wala? Deny to death? Huwag masyadong malakas ang bilib mo sa sarili, hindi ka rin naman masyadong maganda, eh!" Umikot ang mga mata ni Kelly habang nagtatawanan sina Andrea, Vivian at Meg.

"Bakit ba ayaw mo pang umamin? May gusto ka kay Sir Tristan Romulo. Crush mo siya, 'di ba? Para ka kasing asong sunod nang sunod sa kanya." Hinarangan ako ni Kelly. "Baka naubos na ang pasensiya ni Architect kaya napilitan na lang siya." Nang-uuyam ang mga tawa niya.

"Puwede bang paraanin n'yo na ako?"

"Hindi ka makaaalis dito Lyna. Umamin ka muna." Hinila ni Andrea ang braso ko.

Umalingawngaw ang mga tinig na iyon sa utak ko. Bumabalik ang alaala noong high-school pa 'ko. Hiyang-hiya akong nagtatakbo dahil pinagtawanan ako ng mga babaeng iyon pagkatapos akong halikan ni Tristan.

"Ano'ng akala mo sa sarili mo? Kahit hinalikan ka ni Tristan, hinding-hindi siya magkakagusto sa 'yo. You're ugly, inexperienced and a self-denial queen."

Lumuluha ako hanggang sa pagtakbo ko noon palayo. Kitang-kita ko ang mapanghusgang mga tingin ng mga nakasaksi. Sana hindi na lang ako hinalikan ni Tristan. Sana hindi niya ako ipinahiya ng ganoon. When I got home that day, I found out that my father was killed.

"No!" mariin na sabi ko. "Mali ang nakita n'yo. Hindi ko kasabay si Sir Tristan. Hindi niya ako sinundo. Walang namamagitan sa amin. Tristan Romulo will never like a woman like me. At hindi rin ako magkakagusto sa kanya!"

"Lyna!"

Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita. Tristan was there standing in front of his opened door.

My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon