MNGS 22

1.2K 45 0
                                    

SINABI ko kay Tristan ang address. Lutang pa rin ako hanggang marating namin ang apartment ko. Buong biyahe ay pasipol-sipol siya habang sinasabayan ang music sa stereo.

The lights were still on inside my apartment. Surely, my mother won't leave the house with all the lights still on. She knew we need to save some money. Saktong nawala ang liwanag sa loob at ang natira na lamang na nakabukas ay ang nasa main outdoor na spotlight.

Lumalabas mula sa pintuan si Julie. Binilisan ko ang pagbaba ng kotse. Hindi ko na hinintay si Tristan na pagbuksan ako.

"Lyna!" Nakita agad ako ni Julie. Bihis na bihis siya sa suot na over-all black jumpsuit. Mapagkakamalang mas bata siya sa tunay na edad niya.

"Huwag kang umalis," awat ko kaagad sa kanya.

"Nag-usap na tayo. Kailangan kong umalis." Napatingin siya sa likuran ko. Lumingon ako at nakita si Tristan na palapit sa amin.

Sh*t! Paano ko ipakikilala sa kanya si Inay? Malalaman niyang si Julie ay kasabwat ni Owen.

Malapad ang naging ngiti ni Julie. "Mabuti naman at natuto ka na rin. Guwapo at mukhang mayaman. Ganyan ang klase ng lalaking masarap gamitin."

Tumaas agad ang lahat ng dugo ko. I wanted to answer her back but Tristan was already by my side. Mabuti na lang at hindi niya narinig ang sinabi ni Julie.

"Mauna na ako sa inyo. Nandiyan na ang sundo ko!" sigaw ni Julie. Nakatingin siya kay Tristan. "Ikaw na ang bahala kay Lyna, mister." Tinahak niya ang daan patungo sa naghihintay na taxi.

"Sandali!" hiyaw ko. Pilit kong sinundan si Julie subalit nagmadali rin siya sa pagsakay. Tumakbo na ang taxi bago ko pa siya naabutan.

Gusto kong magmartsa sa inis. Gusto ko siyang sundan. Bakit napakatigas ng ulo niya?

"Don't stop your sister from her date. I think she's old enough what to do."

Napakunot-noo ako sa narinig ko. Ngunit napamulagat din agad dahil may umakbay sa mga balikat ko.

"You're so stiff. Ano'ng nangyayari sa 'yo?" he asked.

I swallowed hard. Hindi ko siya masagot ng diretso, na nanay ko si Julie at hindi kapatid. But the heat from his body paralysed me.

I cleared my throat. "S-Sir Tristan..." I wanted to tell him to remove his arm from me or I might faint in a moment.

Lumapit ang labi niya sa likod ng tainga ko. "Tristan lang, Lyna. Tayong dalawa na lang."

Napapikit ako. Ang hangin mula sa kanyang hininga ay gumapang sa buo kong katawan. Kailangan kong kumilos bago pa ako makalimot.

Mabilis akong naglakad dahilan upang mabitiwan niya ako. "Uh, kukunin ko lang ang mga gamit ko sa loob," dahilan ko. Tinalikuran ko siya at itinulak ang pintuan ng apartment ko. Hinawakan ko ang dibdib, nagbabakasakaling pakalmahin ito.

Pumikit ako ng ilang segundo. Nawawala ako sa konsentrasyon. Sa kung ano ang mga dapat kong gawin. Hindi ko napigilan si Julie. Hindi ko maamin kay Tristan na si Julie ang nanay ko, an important accessory of Owen Dalmasio.

Binuhay ko ang mga ilaw. Inilang hakbang ko ang papunta sa silid ko. I took my personal laptop. Nahawakan ko ang chat device at napaigtad dahil may nagsalita sa likuran ko.

"This is your room?"

Shiiiit! Bakit siya pumasok? Nasa loob ng silid ko si Tristan Romulo. My goodness!

Tama siya sa sinabi niya kanina. Naninigas ako ngayon na nakatayo sa harapan niya.

Inililibot niya ang mga mata sa loob ng kuwarto. Maayos naman ang mga gamit ko kaya wala akong dapat ikahiya. Iyon nga lang, my stuff were cheap and my room was so small. Mas malaki pa ang banyo niya kaysa sa silid na ito.

"Ano iyang hawak mo?" tanong niya.

Bumaba ang mga mata ko sa hawak na Chat Device. Itinago ko agad iyon sa likod ko. "W-Wala. Wala ito."

"Was that... a chat device?" His eyes narrowed.

Lumunok ako. Hindi naman niya alam ang isa ko pang trabaho kung bakit natataranta ako ng ganito?

"U-Uh, ginagamit ko kapag kailangan naming mag-chat ni... ni..." Ugh! Wala akong ibang ka-chat maliban sa mga manyak na lalaking pinakikinggan ko para magparaos. "Ni Julie. Ni Ate Julie."

"Ate Julie?" Nakatagilid ang ulo niya. Pakiramdam ko ay alam niyang may pinagtatakpan ako.

"Oo, iyong kapatid ko. Palagi kasi siyang wala rito." Isinuksok ko sa isang malaking bag ang device kasama ng iba ko pang gamit. "Kung saan-saan kasi iyon nagpupunta. A-Alam mo na, para makipag-date."

"Makipag-date," aniya.

Bakit ba niya inuulit ang mga sinasabi ko? Lakas-loob akong kumapit sa braso niya at hinila siya palabas ng silid ko. Maraming hiwagang naganap sa kuwarto kong ito at ngayon na naririto siya mismo ay parang sinisilaban ang buo kong katawan.

Nauna na akong bumalik sa kotse niya. Pinanonood niya ang bawat kilos ko. He's observing me like a predator ready to eat up his prey. But I kept my mouth shut. Natatakot akong iba ang lumabas sa bibig ko.

"It's late. I wanted to eat home-cooked food but that can wait." Ipinarada niya ang sasakyan sa harapan ng isang maliit na restaurant. "Wait here. I'll buy us our food," sabi niya pagtanggal ng seat belt.

Umiling ako. Ako dapat ang nagsisilbi sa kanya. Gawain ko dapat iyon.

Mabilis ko ring tinanggal ang seat belt. "Ako na. Ano'ng gusto mong kainin? Kilala ko ang tindahan na iyan. May Filipino at Korean food. May noodles din sila. You can choose between dry and wet..." tuloy-tuloy kong sabi.

"Wet?" Nanliliit ang mga mata niya.

"Uh," Shit! Ano ba ang nasabi ko? "What I mean was dried noodles and... soup? You know, mainit na sabaw sa malamig na gabi?" patanong kong sabi.

Lalong nanliit ang mga mata niya. "Mainit na sabaw sa malamig na gabi," ulit muli niya na nakangisi na.

Uminit ang pisngi ko. Iba ang ibig ipakahulugan ng mga ngisi niya sa pakiwari ko.

"Then let's eat here together and let's taste their hot soup in a cold night like this."

***

My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon