MNGS 13

1.6K 45 0
                                    

MASIGLA ang gising ko kinabukasan. Binati ko ang mga kasamahan sa opisina at alam kong nagtaka sila dahil hindi ko naman iyon usual na ginagawa.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. I felt different when I gave in to Blue last night. Well, not directly dahil chat lang naman iyon. But still...

Saktong nakabukas na ang laptop ko nang dumating si Tristan. May dala itong dalawang kape. Inaasahan na naman ba niya si Zahara? Nagulat ako nang ilagay niya sa table ko ang cup of hot coffee. Tumingin ako sa kanya.

"Thank you for the lunch yesterday."

"Uh..." What can I say? Kasama naman iyon sa trabaho ko. Hindi ba?

"Wala ka na pagbalik ko kagabi," sabi niya.

"What, Sir?" Bumalik pala siya kagabi?

"We haven't had a proper discussion about your job description. Masyado akong naging busy kahapon and I'm sorry for that. Kaya ngayon tayo mag-uusap, Lyna. You are now my Personal Aide, not my Secretary." Titig na titig siya sa akin ngayon.

Napatutok tuloy ako sa guwapo niyang mukha. Sa basa at magulo niyang buhok, na tila sinuklay lamang ng kamay. Sa matangos niyang ilong pati na sa maamo ngunit playful niyang kulay tsokolateng mga mata. Matangkad siya kaya halos tingalain ko na siya. Maputi ang kutis niya kaya hindi nagkakalayo ang kulay namin. Pero kahit maglaway pa ako sa kanya ngayon, hindi pa rin ako bagay sa kanya.

"Y-Yes, Sir," wala sa sariling sagot ko.

"Now finish your coffee and then follow me to the Board Room."

"O-Okay."

Dumiretso ng tayo si Tristan. Kinuha niya ang mga blue prints pati na ang ilang mga gamit niya saka muling lumabas patungo sa kabilang silid. Sa Board Room.

Sino-sino ba ang mga naroroon? Mga importanteng tao lamang ang pinapapasok sa loob ng B Room. Kahit si Mr. Horacio ay ipinagbawal sa mga empleyado ang pumasok doon unless ipatawag. Isang beses pa lamang akong pinapasok doon ni Mr. Horacio. Iyon ay upang ihatid sa kanya ang isang napakaimportanteng dokumento.

Now that I'll be Tristan's Personal Aide, I'm starting to wonder what my actual job entails. Kinakabahan tuloy ako.

Pagpasok ko ng B Room ay namataan ko kaagad si Tristan. Siya lamang mag-isa roon at nagtitipa sa harap ng laptop niya. Inayos ko ang salamin sa mata bago siya nilapitan. He was sitting on a director's chair in the middle of a long, rectangular glass table. Wala na ring laman ang cup of coffee niya.

"Sit down, Ms Vergara," he said not looking at me.

I did as he asked and took a seat a few rows away from him.

Nag-angat siya ng tingin. "Bakit malayo ka? I don't want to shout talking to you."

Tumikhim ako, "Okay, Sir." Lumapit ako sa kanya dala ang notepad at ballpen ko.

Inihinto niya ang ginagawa at saka nanghila ng silya sa tabi niya.

Ugh! Pinapaupo ba niya ako sa tabi niya? Iyong maaamoy ko siya? Ng malapitan? Na halos kadikit na ng puwesto niya?

Hindi ako agad nakakilos. Tumatahip ang dibdib ko. Ayoko siyang lapitan dahil baka maipagkanulo ko ang aking sarili. I just fantasized about him last night! Using Blue!

"Lyna, are you scared of me?" he asked directly.

"N-No. Hindi sa ganoon?"

"Then what? You couldn't even look at me straight. Do you have a problem with me, Lyna?" Nakatitig na siya sa akin. Every fibre of my being was reacting to him while he looked at me that way.

My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon