MNGS 31

1.2K 49 1
                                    

KUMALAS ako kay Tristan para hawakan ang magkabila niyang pisngi. Tumingkayad pa ako para abutin siya. "Ang guwapo mo talaga, Sir," nakangiti kong sabi.

Gumalaw ang kamay niya para tanggalin ang mga kamay ko sa mukha niya. "Lasing ka, Lyna."

Humaba ang labi ko. "Hindi kaya. Kaunti lang." Pinaliit ko ang mga mata ko saka pinagdikit ang hinlalaki sa hintuturo.

Hinigpitan niya ang hawak sa braso ko at saka inalalayan ang likod ko.

"Why so gentleman, Tristan Romulo?" Tumawa ako. Pero siya, seryoso.

Nag-time travel yata ako kasi pagmulat ng mga mata ko ay nasa loob na ako ng condo ni Tristan. Pumalakpak ako. "Yehey! Nandito na tayo! Ang bilis."

Feeling ko ay kinarga niya ako pero hindi ako sure. Bakit naman ako kakargahin ni Tristan, 'di ba? May sarili naman akong mga paa.

"Bakit hindi ka nagpaalam na sasama ka kay Fuentes?"

Kinagat ko ang labi ko nang tumapat ang mga mata ko sa harapan niya. Both of his hands resting on his hips.

"Ang pogi mo talaga," wala sa loob na sabi ko. Pinababa ko pa ang tingin ko. Doon ako tumutok sa gitna ng mga hita niya. "Ohhh... I feel like being a sex goddess tonight..."

"W-What?" Dumikit ang magkabilang kilay niya.

"Wala. Ang sabi ko, patingin ako." Itinuro ko ang nasa loob ng pantalon niya. I want to know how big and long it is.

"Lyna, you're out of your mind!" He let out an exasperated sigh.

"You're blushing, Tristan." Ginaya ko ang sinabi niya sa akin. Naalala ko iyon. "Come on. Show me." Tumayo ako para hilahin ang belt niya pero mabilis siyang umatras.

"Damn it, Lyna! You're drunk!"

Napahagikhik ako nang buhatin niya ako.

"Doon ka sa kuwarto mo!" galit niyang sabi.

Inamoy ko ang leeg niya. "You smell so good, Tristan," I whispered.

"F*ck! Stop that."

Hinalikan ko na rin ang leeg niya. Hindi ko alam kung bakit mahirap kontrolin ang sarili ko ngayon. Malulutong na parang crackers naman ang naging pagmumura niya.

"I like it when you say bad words. I like bad boys..." Kiniliti ko ang tagiliran niya. Panay naman ang iwas niya. "Ay, that's wrong. I only like one bad boy." Isiniksik ko pa ang sarili sa kanya.

Malikot ang mga galaw ko habang buhat niya. Siguro ay dadalhin niya ako sa kuwarto ko kagaya ng sinabi niya.

"Sorry na." Yumakap ako sa kanyang katawan. Ayaw ko pang bumitiw. "Hindi ko kasi sinabi sa 'yong nanay ko si Julie. Ayaw din naman niya, eh. Sabi niya kasi, dalaga pa siya. Wala naman daw kasi siyang asawa..."

Naramdaman ko ang malalim niyang pagbuntonghininga.

"Ang galing 'no. Hindi niya iniisip na may anak pa siya. Kaya nga marami na 'ng lalaki ang sinamahan niya. Kung sino-sino na. Mas bata pa nga iyong iba kaysa sa iyo. Dinadala pa niya sa apartment ko. Hindi na siya nahiya sa 'kin..."

"Shh, pag-usapan natin iyan bukas," usal niya.

"No! Ngayon na. Baka makalimutan ko. Kapag nakikita kita ay nagiging malilimutin ako. Nakakalimot ako sa sarili ko kapag nandiyan ka..." I'm so pathetic, kaya tumawa ako.

I heard him chuckled, too. Or maybe I was only dreaming.

"Buti na lang tumira na ulit siya sa apartment ko. Hindi na sana ako mag-aalala sa kanya, pero..." Mayroon pa akong sinabi ngunit nakalimutan ko kaagad kung ano iyon.

Then I asked, "Patawarin mo na lang kaya si Owen. Mahal siya..." Mahal siya ni Julie. Iyon ang gusto kong sabihin pero naramdaman ko ang malambot na kama at agad kong nahagip ang unan. Yumakap na lang ako roon habang tumatawa.

Bakit ba masaya ako ngayon? Nakita kong nag-good night si Kai sa akin. "Thank you, Kai. I will see you tomorrow." Sumaludo pa ako.

Ngumiti ako kay Kai pero parang nagiging kamukha na niya si Tristan. "Ang guwapo mo, Kai," sabi ko.

Pagpikit ko ay napangiti ako. I wish Tristan was here.

***

My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon