MNGS 2

2.1K 53 1
                                    

My Naive Girl Stalker ©
by Mar Mojica ®
***

"MY GOODNESS, Lyna! Parang ayaw ko nang mag-resign!"

Napalingon ako kay Daria, ang tanging kaibigan ko sa opisina na huling araw na rito. She was a Junior Architect. Pero nag-apply siya at mas pinili na maging Designer —mas mababa sa posisyon niya ngayon— sa Dubai. Natanggap na rin niya ang hinihintay na Work Visa. Dapat nga sana ay sabay kaming mangingibang-bansa. Kaso ay nagdadalawang-isip pa ako kung iiwan ko ba si Julie.

It's been six years. Ang akala ko ay nahulog na ang puso ko kanina. Mahigpit ang hawak ko sa aking dibdib nang talikuran kami ng bagong Head Architect.

Tama naman pala ang mga naririnig kong termino na magilas talaga ang bago naming boss. Hindi ko naman kasi iyon pinapansin. Hindi ko rin inalam man lang ang pangalan ng papalit kay Mr. Horacio. Sa mga email niya kasi, puro initials lang.

TDR.

Tristan Drake Romulo.

"Sobrang guwapo ni Sir Tristan. Parang mas guwapo siya kaysa kay Dave mo." Tumawa siya ng mahina. "Pero ang suwerte mo ha, dahil ikaw ang sekretarya niya," anas niya.

Papalayo na ang grupo ng mga matataas ang posisyon sa kumpanya. Kasama roon ang nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

Tristan will be the new Head Architect! My new boss in replacement of the kind and retired Mr. Horacio.

Napansin ko ang mga kinikilig na mga kasamahan namin na babae habang nakatalikod na si Sir. Namumungay ang kanilang mga mata na katulad ni Daria. The familiar high school feeling returned. Ganyan ang epekto ng isang Tristan Romulo. Iyong mapapanganga ako. Tutulo ang laway habang nakatanga.

But unlike other girls, I could never do that again even though I knew myself that it isn't true. Because the all-powerful ruler, dashing and to the highest level hot boss, Tristan Romulo na kaisa-isang lalaking kinabaliwan ko noong kabataan ko ay hindi ko na maaaring abutin.

Kailangan kong gumising sa katotohanan, ngayon pa lang. Kailangan ko ng trabaho at wala akong panahon na muling maging stalker ni Tristan. Oo nga at may extra job naman ako sa gabi at kumikita na rin ng tama. Ngunit hindi sapat iyon upang ihanay sa mga katulad ni Tristan na ang estado sa buhay ay singtaas ng mga ulap.

Mabuti na lang at mukhang hindi niya ako natatandaan. When Tristan met my eyes and shook my hand, hindi na niya ako ulit tinapunan ng tingin. Nakalimutan na niya kung sino ako. His stalker, when we were in High School.

Napaupo ako sa aking silya. Tila nanghina ang mga tuhod ko. I couldn't believe I was that desperate for him. Stalking him. Outside his classroom, his house, while he's jogging in the morning, during breaks... Lahat na yata ng pinuntahan ni Tristan noon ay sinundan ko siya. Nahuli ako ng teacher namin noon na nakasilip sa loob ng classroom niya. Nakita rin ako ng principal nang inaabangan ko siya sa labas ng boy's locker room. Nagawa ko pa nga na maghubad sa harapan niya noon. Sobra akong nabaliw sa kanya. I denounced myself when I think about that moment he kissed me. Nagsisisi ako na nangyari iyon. I was so ashamed of myself.

Kaya wala akong karapatan na makigaya sa mga kababaihan sa opisina namin na sa mga oras na ito ay hugis puso na ang mga mata. Hindi ako nararapat humanga sa boss ko o kahit kanino pang lalaki. Men like him calls for danger in my solitary life. I've been there! Besides, there's so much to think about in my one scratch, one peck life than my super hunky boss.

Kahit pa masarap tingnan ang pormal niyang suot sa kabila nang magulo niyang buhok. Kahit pa biglang kumabog ang dibdib ko sa kaba gaya kanina nang mapalapit ako sa kanya.

"Uy Lyna! Ano'ng nangyari sa 'yo?" Tinapik ako ni Daria. Hawak na niya ang mga kahon na dadalhin pauwi. Sumaglit lamang ang kaibigan kong ito upang kunin ang mga natitira pang gamit at makita na rin ang papalit kay Mr. Horacio.

"H-Huh? Wala." Ipinilig ko ang ulo.

"Parang namumutla ka."

Tinapik-tapik ko ang mga pisngi. "Wala ito," pangungumbinsi ko.

"Gutom lang iyan. Napakasipag mo kasi sa trabaho. I'm sure mapapansin ka kaagad ni Sir Tristan dahil sa husay mo sa trabaho."

Hindi ako kumibo. Dahil hindi ko nanaisin na mapansin pa ni Tristan o maalala man lamang. Sigurado ako na pagtatawanan lamang niya ang kagagahan ko noon.

But I couldn't forget his lips. Kahit bata pa ako noon, alam kong matamis ang halik niya. Paano ko iyon malilimutan kung araw-araw ko na siyang makakasama?

Hindi ko na narinig na nagpaalam si Daria dahil lumabas mula sa kanyang opisina si Tristan at saktong napatingin sa puwesto ko.

Hindi ko na narinig na nagpaalam si Daria dahil lumabas mula sa kanyang opisina si Tristan at saktong napatingin sa puwesto ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon