MNGS 18

1.3K 47 0
                                    

"WHAT are you doing here, Lyna?"

"T-Tristan... I mean, Sir Tristan... May hinahanap kasi akong tao..." I stammered. Si Tristan ba ang boss ni Atty. Arellano? This must be a big joke, right?

Naglaan siya ng espasyo para makapasok ako. Tama bang pumasok ako? Naka-boxers lang siya for pete's sake!

"Come inside, Lyna," mariin niyang sabi.

Hindi ko alam kung saan ako titingin. Baka nagkamali lamang ako ng pinuntahan. I could pretend I'm here for my job as his Personal Aide.

Pumasok ako sa loob ng condo niya na parang pinitpit na bawang. Nanliliit ako sa laki ng lugar niya. Panlalaki ang kulay ng buong sala. Black and mix of white and chocolate brown. Kakulay ng kanyang mga mata.

"Now I'll ask you again. What are you doing here? Nagbago na ba ang isip mo at binabawi na ang pinirmahan mo?"

"Uhm..." Tumitig ako sa walang laman na bote ng whiskey na nakapatong sa center table. Ayokong humarap sa kanya. "I... I need to talk to you."

"You want a drink?" tanong niya. Napansin niya agad na nakatingin ako sa whiskey at hindi sa kanya. Umiling ako ng ilang beses.

"Then sit and calm down, Lyna. Pag-usapan natin ang ipinarito mo."

Binilisan ko ang pag-upo. Doon sa nag-iisang couch na halos katabi ng pintuan para makalabas agad ako kung sakali.

Pinagsalikop ko ang aking mga kamay habang nakatungo. Naglakad siya at kumuha ng isang bote ng something at walang lamang kopita malapit sa lounge area. Nagsalin siya at mabilis na uminom. Nagsalin siyang muli at saka ako nilapitan. Iniabot niya ang baso sa akin.

"H-Hindi ako umiinom," sabi ko.

Ngumisi siya at saka muling uminom. Ipinatong niya sa mesa ang mga hawak saka naupo malapit sa puwesto ko. Nakapatong ang mga siko niya sa kanyang mamasel na mga hita.

"Pinapunta ka ba rito ni Arellano?"

May bumagsak yata na bato sa ulo ko. Pakiramdam ko ay dinudugo pati ang utak ko. So hindi ako nagkamali. He's the man I was looking for.

"U-Uh..." Hindi ko malaman kung saan magsisimula.

"Kaano-ano mo si Owen Dalmasio? Don't tell me he's your boyfriend?" mariing tanong niya.

"N-No! I mean..." Paano ko ba sasabihin sa kanya ang totoo? Ang totoo na si Inay at Owen ang may malaking utang sa kanya?

Gusto kong humalakhak. Gusto ko ring umiyak. Hanggang kailaliman na pala ng lupa ang pagkakautang ko kay Tristan. Ano'ng klaseng kapalaran ba 'to? And why him? Of all people!

"You mean, what? That he's just your friend? And you're helping him kahit alam mong illegal ang mga ginagawa niya," may halong galit ang tinig niya.

Illegal? Ano ba kasing negosyo ang itinatayo nila ni Inay? Gulong-gulo na ang utak ko.

"He owes me a lot of money. When I find out about his illegal transactions, I decided to fire him from my club..."

Kay Tristan din ang club na iyon? Pati na ang condo na ito. Parte rin siya ng kumpanyang pinaglilingkuran ko. Ano pa ba? Ano pa ang hindi ko alam tungkol sa kanya?

"You're helping and tolerating a small-time drug pusher, Lyna."

"W-What?"

Gusto kong magmura. Ibig sabihin ay kasabwat si Julie sa kasamaan ng Owen na iyon? At ako! Sh*t! Bakit ko tinutulungan ang isang drug pusher na kagaya ni Owen?

Nauto na naman ako ni Julie. Iyon iyon! Ganoon ako katanga.

Bigla akong nanghina at ang nais ko na lang ay muling tumakbo at magtago. Tumunog na naman ang cellphone ko. Siyempre, nagpa-follow up na naman si Julie.

Sino ba ang dapat kong panigan? Kanino ba ako maniniwala?

"M-Magkano ang utang namin sa 'yo?" may diin na tanong ko.

Tristan scoffed and shook his head. "You're unbelievable," he stated.

"Magkano nga!" tumaas na ang tono ng boses ko. Alam kong sa loob niya ay iniinsulto na niya ako. He knows I couldn't afford to pay. Idagdag pa ang kontratang pinirmahan ko.

"Hindi mo kayang bayaran, Lyna," he emphasized.

Kinagat ko ang labi ko at napayuko. "Magbabayad ako. Huhulug-hulugan ko..."

Sumandal siya sa kinauupuan at saka humalukipkip Ang hirap na hindi tingnan ang nakalitaw na mga muscle niya!

"Do you hear yourself right now? You are being ridiculous," aniya.

Kahit mahirap kami, may pride pa rin naman ako. Utang iyon. Ayoko ring makulong si Julie kahit alam kong nagkamali siya.

"Sir Tristan, magbabayad ako. I can do anything..."

Natigilan siya. Matagal na hindi niya inalis ang tingin sa akin na halos hindi na kumukurap ang mga mata niya.

Alam ko, katulad ng iba ay gusto na niya akong insultuhin. Hindi ko dapat panigan si Owen Dalmasio at ang masamang gawain niya. Ngunit ayoko namang ipagkanulo ang sarili kong ina.

"A-Ano'ng gusto mo para pumayag kang bayaran ko ang utang ni Owen? Para huwag mo na syang guluhin?" lakas-loob kong tanong.

He stood up and rested his hands on his waist. Hindi maitatago ang pagkainis sa mukha niya.

Bumaba ang tingin ko sa nakabukol sa kanyang harapan. Pumikit agad ako. Nagmulat lang ako nang marinig ko ang pagtawa niya.

"Are you offering your body to me, Ms. Secretary?"

"W-What?" That was an insult, I know. Yet I felt a tingling sensation inside of me.

"Hindi ako pumapatol sa old fashion, conservative and naive na kagaya mo."

Napatiim-bagang ako. Tumagos sa puso ko ang sinabi niya. Alam ko naman iyon noon pa. Lahat ng mga babae ay pinapansin at nginingitian niya, samantalang ako ay nanatili lamang na anino at parang aso na sunod nang sunod sa kanya. Hindi siya kailanman magkakagusto sa isang kagaya ko.

"W-Wala rin akong panahon na makipagrelasyon kahit kanino," saad ko.

Mas lalo siyang tumawa. Habang ako ay pulang-pula ang mukha at gusto nang umiyak.

"Lalong ayokong makipagrelasyon sa pumapatol sa isang drug pusher—"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya. Pagtayo ko kasi ay bigla na lang lumatay sa guwapo niyang pisngi ang palad ko.

Napaawang ang labi ko nang hawakan niya ang braso ko. His eyes were dark and burning.

He suddenly grabbed the back of my head and locked his lips to mine. Nahawakan ko ang hubad at matigas niyang dibdib. I felt the heat pool in my belly. My nippl*s hardened in an instant. The kiss that I've been dreaming all my life. His sweet kiss.

Mapangahas ang dila niya na agad nakapasok sa loob ng bibig ko. He's punishing me. And that punishment was a delightful pleasure I couldn't deny.

But this is wrong. He kissed me to make a point. Hindi siya papatol sa isang kagaya ko, 'di ba? Uulit-ulitin ko iyon sa utak ko. Katulad ko si Julie na tangang nagpapauto at umiibig sa hindi dapat ibigin.

"Lyna," he murmured.

Nagtaasan ang mga balahibo ko. Gumapang ang kakaibang kilabot. A surge of desire encapsulated in me. Pakiramdam ko may nabuhay sa bawat himaymay ng aking katawan.

Sinagot ko ang halik ni Tristan. Nilasahan ko ang dila niya. Dinig na dinig ko ang kanyang pag-ungol. Nanlaki ang mga mata ko nang pigain niya ang kaliwang dibdib ko.

I pushed him and immediately landed my hand on his face once again.

Tumalikod ako at mabilis na tumakbo, palayo sa magarbong gusaling iyon.

My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon