The Journey [30]

625 15 1
                                    

Chapter 30   Patrick Walks Me Home

Si Tita Lyzel na siguro ang perfect definition ng kasabihang “Looks can be deceiving.” Hindi mo aakalain na sa sophisticated at refined nyang outer appearance e may pagkajologs pala sya inside. Maghapon kaming nagkwentuhan at nanood ng movies. Maliban sa mga hotel nila e may wine business din sila. Kaya pala parang palaging lango sa alak si Patrick.

Nagtataka nga ako e sabi ni Manang Henia bihira daw umuwi ang mama ni Patrick e mukhang hindi naman busy si Tita Lyzel.

It was almost 8 o’clock in the evening when Patrick got home.

“Mom?” Gulat na sabi ni Patrick nung makita nya kami ng mama nya na nakaupo sa floor ng bahay nila.

“Patrick, son!” Tuwang tuwa na tawag ni Tita Lyzel sa anak. Tipong ang tagal nila mula nung huling nagkita.

Lumapit agad si Patrick sa mama nya tapos nagmano sabay hinalikan ang magkabilang pisngi nito.

“You’ve grown a lot my boy! So handsome. Like mother, like son..”

Patrick rolled his eyes. “Mom!” Bahagyang tumaas ang boses nya. “I know, right?”Nakangiti nyang sabi saka niyakap ulit ang ina.

Bwisit. Mag-ina nga sila. Hindi nagsisinungaling ang ebidensya. Hahahahaha!

Halatang tuwang tuwa si Patrick. Hanggang sa makita nya ako. Lumapit sya sa akin which I found really awkward kasi nung lumapit sya ngumiti na naman si Tita Lyzel.

“Are you okay? Di ka tumawag sa akin..” sabi nya. His face and voice sounded so concerned.

“Eer. I’m fine. No need to call you.. Alam ko naman busy ka sa school.”

Hinawakan nya yung paa ko.

“Aww!” iyak ko. Hindi pa yun magaling masyado e.

“Sorry..” Binitiwan nya naman agad.

“Medyo masakit pa yan..”

Tinignan ulit ako ni Patrick sa mga mata. Ang awkward nya talaga. Feeling nya siguro kami lang ang tao sa bahay nila. Syet. Nadidistract ako kay Tita Lyzel e. Nakikita ko sya sa peripheral vision ko. Panay ang ngiti nya. Parang nanonood sya ng nakakakilig na Korean drama. Feeling ko nag-init yung cheeks ko. Hohoho TT_____TT

“Are you sure you’re okay? Parang namumula ka pa a?”

“Ha?” Shoot. Hindi lang pala yun feeling. “Hindi ‘no!”

Tita Lyzel giggled. Lumingon naman kami ni Patrick sa kanya. “You two look so cute! Bagay talaga kayo. Sana kayo na lang!” Kinikilig nya na sabi. Sht. Pano nya ‘to nasasabi? I can’t even.. Oh gods.

“Maaaaa!”

Nagkatinginan naman kami ni Patrick sabay look away agad. At dahil sobrang hindi ko na alam ang gagawin ko, “Ano.. Uuwi na siguro ako. 24 hours na kasi akong wala sa bahay namin e.”

“Uuwi ka na Clara? Nakooo. Magdinner ka muna dito. Mamaya ka na umuwi. Pleaseeeeeee!” – Tita Lyzel

“Alam mo.. Tingin ko tama ka. Ma, siguro dapat umuwi na sya.” Pag-agree ni Patrick. Haaaaay. Salamat.

“Nakakalungkot naman.” Parang maiiyak na si Tita Lyzel. “Kanina lang tayo nagkakilala tapos ngayon uuwi ka na. Kung pupunta ka ulit dito tatawagan mo ako a? Para makauwi ako..”

“Ay Tita hindi na po. Baka maabala pa po kayo. Alam ko naman po na busy kayo.”

“No! Tawagan mo na lang ako and we’ll meet somewhere.. Hehehe.”

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon