The Journey [21]

682 14 0
                                    

Chapter 21   Thea Comes Home

 “Comrade Alexxa Clara Del Valle. Congratulations!” Naglahad ng kamay si Keli sa akin.

“Congratulations mong mukha mo!” Bitter na sabi ko saka umupo. Sa booth kami ngayon.

Keli rolled her eyes and joined Erin na nakahiga lang naman.. sa table. Mga adik talaga.

“FRIENDs na kayo ng hubby mo Alex! Di ka pa rin masaya? Aish~” Napailing pa si Erin. “Kung ako ikaw? Magpapaparty na ako. Omzzzz. Si Luis kaya yun! Mwahahaha xD”

“Ang kaso! HINDI ikaw ako. At wala akong balak magpaparty dahl friends na raw kami ng impaktong yun!” Inis ko na sabi.

Fourth day na ng intramurals~ Okaaays. Malapit na matapos ang week-long celebration na ‘to. Next week regular classes na ulit. Balik sa normal -____- Balik sa normal na pero hindi pa rin kami nagkakamoment ni Christian.

“Ano ba kasing kinagagalit mo?” tanong ni Keli.

“Si Christian e. Hindi pa nagpapakita mula nung nakaraang gabi..” malungkot na kwento ko.

“Ay sowwwwwwwwwwws. Kaya naman pala. O e ba’t di mo puntahan sa office nila? Malamang dun lang yun. Hindi naman yung gala tulad natin e!” Suggestion ni Erin.

Umiling ako. “Ayoko nga! Lagi na lang ako? Sa ganda kong ‘to dapat lagi na lang ako yung nag eeffort? Mahiya naman sya.” Protesta ko pa talaga.

“Duh! As if naman pag eeffortan ka nung kumag na si Christian? E lagi kaya yung busy..”

Kung sa bagay >_____<

Sino ba naman ako kay Christian? Haaaay. E kung kalimutan ko na lang kaya sya? Kung tanggapin ko na lang kaya yung lintek na katotohanan na minsan e hindi sya magiging akin? Nakakainis na yung ganito e. Lagi na lang.

Napansin ata ni Keli yung pananahimik ko, “O? Wag mong sabihin na iniisip mo ng sumuko? Alexxa naman. Where’s the spirit?”

Wow. Ayos din ‘tong si Keli e. Mind reader na ata. Hahahaha

“Naisip ko lang.. Kahit naman nag confess ako walang nangyari. Tingin ko.. Tingin ko it’s time to—“ hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil..

Bumukas yung curtain na nagsisilbing harang sa booth namin. Nga pala! Nag aastang gypsy ladies itong si Erin at Keli dahil yung booth namin Divination booth. Nanghuhula ang mga bruha. Tamang trip lang ‘to. 25 per hula. Mga luka-loka. Hahaha

“Hello! Nandito ba si Clara?” Tanong ng pamilyar na boses na parang harana sa pandinig ko. Tengene. San ko nakuha yun? Hahahaha

OMZ. Si Christian!

Nagkatinginan muna si Erin at Keli bago tumingin sa akin, sabay balik ang tingin kay Christian tapos tumango. Lanya. Ayos. Halatang mga weirdo.

“Christian..” Napatayo ako. “Pasok ka!”

Tapos parang saka pa narealize nina Keli at Erin ang awkward nilang posisyon sa mesa tapos bago pa sila dali-daling bumaba sa mesa at inayos ang mga sarili.

“Hello Christian!” Sabay na wika ng dalawa.

Ngumiti si Christian sa kanila. “Hello!”

“O.. Ano nga palang ginagawa mo dito? Napadaan ka a! Hehehehe!” Sabi ko.

“A.. Magtatanong lang ako kung nakapaglunch ka na ba kasi yayaain sana—“ Tanong sana ni Christian pero hindi na natapos yung question kasi nga nagsalita na sila Erin at Keli.

“Ay nakooo! Hindi pa. Hindi pa yan kumakain. Gusto mo sabay na kayo?” Tanong ni Erin.

“Okay lang sa amin. Kahit di na kami kasama. Sige. Kain na kayoo. Tanghali na o! Hehehe!”

Yung totoo? Nakakahiya silang dalawa ngayon! Ee. ‘tong dalawa talaga o -______-

Buti na lang di natatakot si bibi Christian. Friendly smile lang ang sagot nya sa dalawa >______>

“Okay lang ba talaga sa inyo?” Tanong ni Christian.

OMz. Whut es da meaning ob des?

Tumango ang dalawa.

“Owo naman! Hahahahaha xD Sige alis na kayo. Enjoy your meal!”

Lanya. Hindi naman nila ako binubugaw nyan ‘no? Napailing na lang ako. Napangiti naman si Christian.

“Then Clara? Shall we—“ Hindi na naman nya natapos ang sasabihin nya dahil mula sa likod, biglang may pumasok na haciendera. Naka bonggang summer dress si ate. Nakashades at summer hat pa.

“Aalis ka na? Ba’t hindi ka na muna..” Tinanggal ni Haciendera ang shades nya. “Magpahula?”

Si Thea >___<

Isa pang weirdo.

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon