The Journey [15]

934 29 8
                                    

Chapter 15 : Let Me Explain

 Okay. Bago tayo magproceed sa susunod na pangyayari sa buhay ng bruhang si Alexxa. Magkwentuhan muna tayo sandali.

 San na nga natapos yung huling chapter?

~FLASHBACK~

(Alexxa’s Point of View)

 “Kiss stealer!” sigaw ko sabay sampal sa kanya. Natigil ang ingay ng crowd sa labas.

 Napaatras si Patrick. Hinawakan nya yung pisngi nyang namumula.

 “I-ikaw yun!” hindi ko makapaniwalang sabi.

 An evil smile appeared to his angelic face.

 “Finally..” sabi nya.

 ~END OF FLASHBACK~

 Ah. Yun pala ang nangyari. Salamat sa pagpapaalala!

Okay. Malamang nagtataka kayo kung bakit ganun ang nangyari. Ako rin nga nagtataka. Haha.

So ang big reveal si Patrick at yung kiss stealer ay iisa! OM. Paano nangyari? Ganito kasi yan~

(LUIS PATRICK’s Point of View)

“First Meeting”

August 28, 2011

11: 06 PM

Kagagaling lang namin ni Mara sa first dinner date namin. Wooho~

 Sinagot ako ni Mara kahapon. Oo. As in kahapon lang! Yun oh. Ang swerte ko naman talaga~ Dahil ako ang pinili nya sa tatlumpong manliligaw nya! Proving that I am really the best choice~ Well. I can’t blame her. I’m way better than any of her suitors.

 I have guilt feelings for Christian, but I can’t blame Mara if she likes me better than my friend, right?

 Poor Christian.

Nakatayo kami sa gilid ng kalsada habang hinihintay na mag go ang walking signal.

Hawak ko ang kamay ni Mara. I can’t believe. She’s mine now. 

“Mara..” I whispered.

“Hmm?” she looked at me with the innocent expression on her face. I smiled back and cupped her face. She closed her eyes and I kissed her on the lips.

Hindi ko pa sya ganun kakilala at hindi pa kami matagal pero alam ko mahal ko na sya..

 We both withdrew from the kiss.

 “I love you..” I told her sweetly. I kissed her again in the forehead.

 Nung mag sisimula na ulit kaming maglakad para tumawid.. nagulat ako kasi may babaeng nakatayo sa harap ko. Kalat na sa mukha nya yung eyeliner nya. Parang kagagaling lang nya sa iyak. No. She’s still crying. I could still see the tears forming in her eyes. She looked wasted but I must admit.. She looked very beautiful.

 Maganda sya. Kahit medyo madilim sa kung nasaan kami at kahit nagmukha syang sabog masasabi ko pa ring maganda sya.

 Never pang nagfail ang instinct ko pag dating sa magaganda ‘no. Proven na ‘to.

 Pero ano ba ang ginagawa ng babaeng ‘to dito?

 Hindi kaya isa ‘to sa mga fan girls ko?!

 Tsk. Maganda sya pero kailangan ko syang tanggihan.. Mas mahal ko naman ‘tong girlfriend ko ‘no. Wahahahaha xD

 Napatingin ako sa mata nya, nangungusap ang mga ito. Batid ko ang lungkot na nararamdaman nya. Walang galit. Purong kalungkutan. Ano kayang pinagdaraanan nya? O.o

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon