The Journey [28]

676 16 2
                                    

Chapter 28   At The House of The Prince

(Alexxa Clara’s POV)

“Clara!”

“Hmm..”

“Clara!”

“Kuya.. Mamaya na.”

Si Kuya Thomas talaga. Ang aga-aga e.

“KUYA MONG MUKHA MO! Gumising ka na dyan. Pag di ka pa bumangon hahalikan kita.”

Napabalikwas ako sa narinig. Bale, nahulog ako sa sahig. Wa poise. Pero.. Ano daw yon? Sinong hahalik sa akin? SYET!

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!” Malutong na tumawa yung gumigising sa akin kanina pa.

Minulat ko ang mga mata ko pero nasilaw agad ako sa sikat ng araw kaya sinara ko ulit. Kinusot-kusot ko muna at nung medyo maliwanag na ang paningin ko..

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAH!”

Napatigil sya sa pagtawa saka napatakip nang tainga. Nasabi ko na kung sino ang hudas na kasalalukyang nasa proseso ng pagsira ng araw ko? Nasabi ko na ba na si Luis Patrick iyon?

“Kung makasigaw wagas dapat?” Irita nyang tanong sa akin.

“Nasaan ako?” Una kong tanong. WALA AKONG MATANDAAN! Obviously, wala ako sa bahay. Hindi ko ito kwarto. Kasama ko ang walang hiyang si Patrick sa kwarto na ;to. Hindi naman ‘to mukhang hotel o motel o.. whatever. Pero another question popped when I realized that.. I’m with Patrick. I woke up with Patrick in this room. I looked at my clothes.. I’m not wearing the same clothes I had yesterday. WHAT THE HADES IS HAPPENING HERE? Can someone explain to me— Wait. Maybe I should ask this skeleton.

“Anong ginawa mo sa akin?” Naiiyak na ako. Syet/

“Hey wait!” sabi nya. “Bago ka mag assume dyan at bago mo ako akusahan na rapist ako, pinagsamantalahan ko ang kahinaan mo, wala akong puso, bituka, balunbalunan, etc. Isipin mo muna kung ano ang nangyari sa’yo kahapon at kagabi dahil pati ako, naguguluhan.”

I glared at him grudgingly. Antipatiko talaga. Pero kahit na ano pang bwisit ko sa kanya, ginawa ko pa rin ang inuutos nya. Ano nga ba ang nangyari sa akin? Wala na rin kasi akong maalala..

JOKE LANG! Hahahahaha.

Tumambay lang naman ako sa Persephone’s Garden kahapon tapos.. Wala na naman akong maalala! TAKTE. Ang bitter ko. Hahahaha K

Kung nabasa nyo yung previous chapter alam nyo siguro ang rason. Wag na tayo mag flashback utang na loob.. Masakit sa kuko e. Baka di ko kayanin, maiyak pa ako.

Bale, umalis na lang ako na hindi nila nalaman kahapon tapos pumunta ako sa gitna ng soccer field para umemote (ewan ba kung bakit sa lahat ng lugar don ko pa napili, buti na lang at walang naglalaro) kaso pagdating ko sa mismong gitna biglang umulan.. Yung pinakamalapit na maisisilungan e malayo pa. Siguro pag nakarating ako don, super basa na rin ako kaya hinayaan ko na lang na mabasa ako. Manhid na ata ako kahapon. Bale habang umiiyak ako, umuulan. Oha! Ang galing makisama ng panahon =)

Tapos hindi tumigil ang ulan, feeling ko ang OA na ng tayo ko sa gitna ng field. May lumapit na epal na guard saka pinaalis ako. Sinagot ko pa sya na, “FIELD MO? Field mo? Edi sige. Isaksak mo sa lungs mo!” Tapos nakuha ko pang mag-walkout. Sana di ako natandaan ni MG.

From the field, pumunta ako sa booth namin. Medyo madilim na nun, malakas pa rin ang ulan. Pumunta ako sa booth hoping na makita ko pa don sina Thea.. Nandun kasi yung gamit ko sa kanila. Mula kasi paglunch namin ni Christian, di na ako nakabalik sa booth. Cellphone lang nga dala ko e.

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon