The Journey [14]

841 23 12
                                    

Chapter 14 : The Wedding Part 2

(POV ni Alexxa Clara. Again.)

“Tuloy ang kasal..”

Laking gulat ko nung marinig ko na sinabi nya yan.

Pare-pareho kami ng reaction ng mga kasama nya.

Magpapakasal sya sa akin?

SIGURADO?

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH.

Nababaliw na ba sya?

May girlfriend kaya sya!

Malaki na rin siguro ang sira ng ulo nya.

Langye. Langye talaga oh.

“Ayoko.” Sagot ko sa kanila. “Hindi. Ayoko. Hindi ako magpapakasal sa’yo!” sigaw ko. “Hindi pa ako nababaliw! Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko gusto! Kahit hindi ‘to totoong kasalan. Kasalan pa rin ‘to! Kaya AYOKO.” Sigaw ko ulit.

“Hala. Kumalma ka Miss. Wag mong sirain ang sarili mong kasal!” sabi nung pinakamatangkad sa mga tao sa harap ko.

“Shut your mouth at sumunod ka na lang para matapos na ‘to.”- Patrick

Wow. Ang kapal. Ako pa talaga ang inutusan na tumahimik? Iba rin tologo.

“Wow. Grabe. Ako pang inutusan mo.”

“Ang ingay mo e.” sabi nya sa akin. “Cay. Simulan nyo na.”

Halaaaaaaaaaa~ Kailangan kong makatakas. Hindi ako papayag na ganito lang!

 “Hindi. Hindi ako magpapakasal sa’yo. ASA kaaaaaaa!” sigaw ko sabay agad akong tumakbo.

 “Yung bride! Habulin nyooooooo!” rinig ko na sigaw ng isa sa mga tao sa loob.

  Paglabas ko, nakita ako ng mga tao sa labas na nakabelo. Agad silang naghiyawan na parang nakakita ng artista. Naks. Artista na ako? Hahahaha

 Sinamantala ko yun para makatakas kaso nga lang yung 2 RO pala dun lang sa labas. Kaya ang pagtakas ko ay nonsense lang.  Dahil naglabasan na rin ang mga Senator saka sinigawan sila na hulihin ako.

 “Sir Fred! Sir George! Yung bride tatakas!”

 E saktong nakatayo lang ako sa harap nilang dalawa. Ayan. Ang ending binalik nila ako sa loob ng booth. At para wala na talagang takas? Pinosasan kaming dalawa.

 WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH.

T_______T

 Ito pa. Hindi pa sila nakuntento. Binuksan pa nila ang booth sa public. Edi mapapanood ng madla ang kasalan-kasalan namin.

Tingini. Si Christian! Baka umiiyak na yun. Waaaaaaaah.

Ayoko. Ayokong ikasal.

 “Oh. Hawakan mo na ang bulaklak mo..” utos ni Vice.

 Kinuha ko naman. Hindi ko ‘to gusto.

 Lumapit sa akin yung secretary para ayusin yung belo ko. “Wag ka na magpumiglas pa. Ang gwapo kaya ng groom mo.”

 Gwapo. Gwapo. Ang sama naman ng ugali. Letsugas talaga oh.

 “Okay. Simulan na nating ang kasalang itey!” sabi ni Vice. “Oh. Exchange na agad ng vows.. Simulan mo Luis.” Utos nya.

 Humarap sya sa akin. Nagtilian ang mga tao sa labas.

 “Alexxa. Take this ring.. ”

 Blah. Blah. Balh.

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon