The Journey [4]

899 26 1
                                    

Chapter 4: LIB Action

“Clara..” si Christian yan.

 Okay. Si Christian lang ang kaisa-isang tao na tumatawag sa akin na Clara. Lahat sila Alexxa ang tawag sa akin e. 

“Hindi totoo na girlfriend ko si Mara! Alam mo naman na ikaw ang gusto ko mula pa nung una.” Pagpapaliwanag ni Christian sa akin.

“Alam mo.. Wala na ‘tong saysay pa e. Christian.. Kung kayo ni Mara. Kayo talaga! Wag mo na akong idamay.. Isa pa. wala na rin naman akong gusto sa’yo. Kaya kung pwede lang.. Layuan mo na ako!” bitter na sigaw ko kay Chrstian.

Waaaah. Ayoko ng ganito~ Kahit naman papaano nagstalk di nako sa kanya. Ang sakit lang e.

Tapos biglang..

“Miss..”

Nagpatuloy ako sa paglalakad.

“Miss…”

Ano ba? I’m having a moment!!

“Mi—“

Letsugas naman oh. I woke with a start.

 “ANO BANG PROBLEMA MO?!” sigaw ko saka asar na bumangon mula sa pagkakahiga kasama ng mga aklat sa sahig. Ayan. Nagising na talaga ako.

 “Hindi ba bawal matulog dito?” tanong sa akin nung halimaw na agaw eksena.

 “Oo. Tapos hindi ka pa nahiya.. Ginising-gising mo pa ako dito. Syet lang.”

“Sorry kung naistorbo kita. Bakit ka ba kasi natutulog dito?!”

“Kasi gusto ko..”

“Hindi mo ba alam na pwede kang ipatawag sa – “

Pinutol ko agad sya, “Oo.” Tapos ay inangat ko ang ulo ko saka buong gulat na nakita ang isang napakagwapong nilalang na nakatayo at nakatingin sa akin. Tumayo agad ako. Pero syempre.. Hindi ako nagpasindak sa kagwapuhan nya. Waaaaaah. Weakness ko kailangan kong labanan. Tokneneng.

“Oo. Ipapatawag sa Office of Students Affairs? Alam ko na yan. Pero hindi naman ako mapupunta dun kung hindi mo ako isusumbong.. Kaya kuya. Makisama ka na lang ha?” galit ko pa na sabi.

Hindi naman ata natakot si Kuya Pogi sa akin. Gad. Nakakakalurka naman ‘to.

“Makikisama? Tingin mo ba lahat madadaan sa pakikisama?” tanong nya sa akin in a serious tone.

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon