The Journey [20]

763 27 3
                                    

Chapter 20   Count on Me

“Manong para!” Sigaw ko.

Napalakas ata kasi nagulat si Manong, bigla na lang nya naapakan ang brake. Naumpog na naman tuloy ako sa likod ng upuan >___<

 “Araaay naman Manong!”

 “Pasensya na hija. Nabigla e.” Pakamot-kamot pa sa ulo si manong feeling nya ata may buhok pa sya. Kalbo kaya sya. Teka. Ang mean ko naman ata? >.<

 “Tsk..” Kinuha ko ang wallet ko saka nag-abot ng 500 kay manong. Wala akong barya e. “Keep the change manong.. I’m in a hurry!”

 “Wow. Thank you Young Miss. God Bless You~” Masayang sabi ni manong.

Naks. Umeenglish? Hahahahaha. Bumaba agad ako sa taxi ni manong.

Pagbaba ko..

Nakatingin ang lahat sa akin. Ito na naman tayo. Lechugas talaga.

E kasi naman si manong sa mismong gate pala ako binaba~ Hooooooo. Trending topic pa naman kami ni Luis mula kagabi. Kainis nemen oh~

Syempre kunwari deadma! May nadaanan akong grupo ng mga Nursing students. Puro gurlaloo sila at lahat sila nakatingin sa akin.. Nakatingin na parang nakapatay ako.

Hindi ko sila pinansin.. Nagmamdali ako. Kailangan kong mahanap si Luis. Lanya. Naisahan ako ng mokong e. In short, dinaanan ko lang sila. Pero dahil may attitude ako, hindi lang basta daan.. May pa-toss2x pa ako ng hair na nalalaman. Hahahaha xD TARAAAAY!

Naglalakad pa ako ng bigla na lang may humarang na tatlong underwater creature ang humarang sa daan ko.

 “Wooow. Look who’s here? Grabe! Nakuha pa talaga nya na bumalik ditto matapos nyang sampalin si Luis kagabi? Ang kapal nya..” Sabi nung mukhang pusit.

 “Hay nakooo. Paano ba nakapasok ang babaeng yan sa school natin? Wala man lang breeding..” say naman ni Hipon.

Nagtawanan sila.

 “Sinabi mo pa..” Sagot nung mukhang pogita.

Woooooooooow. Feeling kontrabida ang mga bruha? Sorry girls pero wala ako sa mood para makipagjumbagan sa mga tulad nyong laman dagat!

Sinubukan kong dumaan pero tinulak nila ako pabalik sa kung san ako nakatayo.

LECHE!

 “Ano bang problema nyo?!” Sigaw ko sa tatlo.

Sabay-sabay silang paatras. “P-problema namin? Tinatanong mo kung anong problema namin?” Tapang tapangan na tanong ni Pusit with matching hakbang forward.

 “AY HINDi. Sige. Problema ko na lang..” Sarkastiko kong tanong.

“Aba! Sumasagot ka pa a!”

“Pwede ba? Wala akong panahon para sa inyo? Busy ako. Marami akong ginagawa sa buhay ko.” Inis ko na sabi sa kanilang tatlo.

“Oh.. I see. Marami ka ngang ginagawa. Naisingit mo pa na landiin si Luis! Ahasin sya mula sa girlfriend nya at ipahiya sya sa harap ng maraming tao!”

Wow. Die-hard fan girls ba ‘to ni Luis? Parang si Luis lang a! NAKAKAIRITA.

Nagsalita yung hipon. “Well ganyan talaga.. Wala tayong magagawa. Mukhang nature nya yan e. Yung pagiging malandi.” Pagkasabi nun e nagsitawanan ang tatlong feeling kontrabida.

“HOW DARE YOU CALL ME A FLIRT? Excuse me Shrimp. Pero kung maglalandi man ako ng lalake, sisiguraduhin ko na deserving sa kalandian ko. Hindi gaya nyang pinapantasya nyong si de Guzman!”

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon