The Journey [33]

604 14 1
                                    

Chapter 33   The Other Side

(Clara’s POV)

Kung makawalk-out si Patrick wagas lang e. Kung akala nya susunod ako sa kanya para tigilan ko na ang page emote ko, tumigil sya dahil di ako mag aaksaya ng panahon para gawin yon. Mas feel ko umemote dito kesa makita ako ng madla. Isa pa, ayoko ring makita ang anino ng mga taksil na dahilan ng aking pagluha. Charot.

Habang nakaupo ako sa ilalim ng talisay katabi ang humahalimuyak na bulaklak ng kantutay.. Napaisip ako bigla. Ano nga ba ang dahilan sa galit-galitan effect ni Patrick? Takte.Nacurious tuloy ako. Leshe nemen e.

Ramdam na ramdam ko ang emotions nya kanina mga kapatid. Sooooper. Yung galit sa mata nya kitang kita, yung ilong nya umuusok pa. Ganun na ba kami ka-close para magalit sya sa pag-iyak ko? Haynakoooo. Pero ang weird lamang. Kasi nung niyakap nya ako, may iba akong naramdaman. Uyy isip mo a. HAHAHA! Biglang nag accelerate ang tibok ng aking puso. Takte talaga o. Nasabi ko bas a inyo na kayak o sya naitulak kasi natakot ako na maramdaman nya yung puso kong bomo-boom ba doom boom boom?

Waaaaaaaaaaaa. I’m so confused. I’m supposed to be mourning over Christian’s death in my heart pero bakit si Patrick ang iniisip ko? This is so wrong.

Tuloy pa rin ako sa pag iisip ng..

*GOOD BYE MY ALMOST LOVER*

Nagring ang phone ko. Si Thea.. Tumatawag.

“Hello?”

“Alexx! Wherefore art thou?” tanong nya agad sa akin.

Sa tono ng boses ng Thea, parang ayoko ng alamin ang susunod nyang sasabihin. Oh sh-t. Hindi kaya sinabi na ni Patrick sa kanila na broken hearted ako at itong si Thea naghanda na ng army na susugod kay Christian para ipaghiganti ako? OHMYYYYY.

“Nasa botanical garden..” sagot ko naman.

“Ohgods. Pumunta ka sa booth. Ngayon na! You need to see something.”

“Bakit anong nangyari?”

“Basta.. Magsasayang lang tayo ng panahon kung ikukwento ko pa sa’yo sa phone. Come here. Quick!”

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Inend ko na ang call at saka tumakbo papunta ng booth.

Pagdating sa booth..

Nagkukumpulan sina Thea, Keli at Erin sa table. May mangilan-ngilang members din kami kagaya ni Jinky at Manny na nakatambay naman sa labas ng booth.

“Anyare Thea?”

“Look at this Alex!” Utos ni Keli saka pinakita ang video na nakunan sa camera nya.

Sa video na yun may nag-aaway. Di ko napansin agad kasi nga medyo Malabo ang paningin ko. Pero nandun si Patrick. Yun yung suot nyang damit kanina. Nasa student lounge sya ng College of Music. Kaharap nya ang dalawa pang estudyante- isang babae, isang lalake. At saka ko lang narealize, sina Christian at Mara yon.

Hindi ko na marinig pa ang sinasabi nila Patrick sa video pero kitang kita sa mukha nya ang galit/ Kopyang kopya yung mukha nya kanina sa botanical garden. Tapos bigla-bigla na lang sinuntok nya si Christian. At natapos na ang video.

Paksyet. Sinuntok ni Patrick si Christian? SINUNTOK NYA? Arghhhh! Bago pa ako intrigahin ng tatlong ‘to, tumakbo na ako palabas para hanapin ang lechugas na si Luis Patrick De Guzman.

Saktong paglabas ko sa booth e nasalubong ko agad si Luis Patrick na naglalakad. Tumigil sya sa paglalakad nung nagkasalubong na kami.

He was taken aback. Obviously. Nagulat sya na nakita ako don. Parang nakalimutan nya na nag-aaral pa rin ako sa Southville.

I took one step close to him.

“Clara..” he muttered.

I slapped him as a response.

I heard gasps from the expectators around. Even the girls clapped their mouths with their hands. Luis Patrick had a look of disbelief painted all over his face. Napahawak sya sa pisngi nyang mukhang nabudburan ng blush on ni Thea.

“What was that for?” he yelled.

“For being a meddlesome asshole.” Sigaw ko rin sa kanya. Walang nakapalag sa sinabi ko and I found that to be the perfect moment to walk out.  Pero naalala ko yung cellphone nya. Bumalik muna ako sandali para iabot sa kanya yun. Speechless pa rin ang lahat kaya perfect pa din ang walkout moment ko. HAHA!

I wanted to go home. I needed to be alone. I needed to forget how this day had been terrible for me. And lastly, I hated Luis Patrick De Guzman more than ever.

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon