The Journey [24]

695 14 4
                                    

Chapter 24   When Patrick Strikes Again

(CLARA's POV)

And so we ate lunch together. It was the happiest lunch I ever had probably since I started eating lunch. Ang tanging tanong na lamang sa utak ko: Ano ang nagawa kong kabutihan at pinagpapapala ako ng ganito? WAAAAAAAAAAA :D

“Kain ka lang.. Ako na bahala.” Sabi ni Christian.

Utang na loob. Ayokong tumanggi.. Kaso ayoko namang lubusin ang kabutihan nya baka sabihin nya abusado ako. Isa pa, baka mauubos ang laman ng canteen sa lakas kong kumain. Kaya in moderation na lang ang drama ko.

Ang daldal ni Christian. Kwento sya ng kwento. Parang di sya si Christian pero I think I have to get used with this.. I’m just beginning to know this guy :))

Nasa kasarapan pa kami ng kain at kwentuhan nung tumunog ang cellphone ko na hindi ko ngapala napansin na tumutunog na pala.. Kung di pa narinig ni Christian-bave na kumakanta si Luigi Yotoko ng The Way love Goes, di ko pa malalaman na may tumatawag sa akin.

“That’s the way love gooooooooes.. It’s a truth that everyone knows.”

Mapapatingin si Christian sa tabi ko, “Hey Clara! You phone’s ringing..”

Epal nga naman na cellphone o. Asar ko yong kinuha dahil wala akong balak sagutin kaso nung nakita ko ang unregistered number sa cellphone ko sinagot ko na lang baka importante e. “Excuse me Christian..” Sabi ko saka tumayo palayo from our table para sagutin ang makulit na caller.

“Hello?”

“Having fun?” Boses ng lalake ang nagsalita.

“Excuse me? Do I know you?”

“How could you not recognize your husband, my lovely cheating wife?”

WTF. Si Luis Patrick! Tinola. San nya nakuha # ko?

“Cheating wife your face!” Sigaw ko sa kanya. Kainis. Tumawag tawag lang para mang-asar.

Tumawa sya. Tapos, nakita ko sya sa bintana, nakatayo sya sa tabi ng vendo machine. Tawa sya ng tawa.

“Oh ba’t galit ka? I’m just kidding my FRIEND.”

“Ang epal mo talaga. Can’t you see I’m on..”

“A lunch date? Yeah. I know. I can see.”

“Whatever Patrick. What do you want?”

“You..”

“Leche kang palaka ka umayos ka kung ayaw mong labasin kita dyan at sipain.” Nakakapng init talaga ng ulo ang isang ‘to! Grr

“Jeez. Chill Clara. I’m just joking..”

“I’ve had enough of your pranks JOKER!” Insi ko na sabi sa kanya sabay tingin naman kay Christian this time. Wawa naman Christian ko. Wala ng kausap.

“Okay.. Seryoso na. Labas ka muna sandali."

“Bakit?”

“Basta..”

“Bakit nga?”

“Lumabas ka nga muna.. Sige na. I’ll be waiting.” Sabay end ng call ng hudas.

Siraulo talaga ‘tong si Patrick. Pero mukhang mas malala ata ang sira ng ulo ko.. Hindi kasi ako bumalik agad sa table namin ni Christian. Bale nauto ako ni Luis. Dumaan ako sa back door saka pumunta sa kung nasaan sya. Sa back door ako dumaan para di ako makita ni Christian. Di ako nagchecheat a! Di naman kami ni Christian e. Hahahahaha. Ang landi ko. Syet.

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon