The Journey [1]

1.5K 31 2
                                    

Chapter 1: Pedestrian Lane

Pearl Burgundy Hotel

11:06 PM

“What?! You mean after all this time wala ka pa ring BOYFRIEND?!” gulat na tanong ni Lyan sa akin nung tinanong nya ako kung kumusta ang love life ko at sinagot ko sya na si Luke Castellan pa rin. Si Luke Castellan naman talaga mula pa nung una e! Waha.

 Ngumiti na lang ako sa kanya. Napaka mausisa talaga ng babaeng ‘to. Ayan na. Nagsisi tuloy ako na umattend pa ako sa lintek na birthday party na ‘to ng kaklase ko nung high school.

Dapat di na ako pumunta e! I should have foreseen this.. That these b*tches would be so intrigued about how did The Great Clara Alexxa Del Valle get her boyfriend in college.

 Damn.

 Tapos wala akong mapresenta di ba?

 But then.. I wondered. Dapat bang ganun? Issue talaga sa kanila na wala pa rin akong boyfriend til now? Ano bang mali sa pagiging single? Nakakamatay ba kung matanda ka na at single ka pa rin? Hindi naman di ba? 17 years old na ako..  Buhay pa din naman ako.

Syet lang talaga.

Napaka-pakialamera lang po kasi ng mga ex kaklase ko. Sana talaga di na ako pumunta sa party na ‘to. Pero wala ng panahon para magsisi.. Nandito na ako e! Mag-iisip na lang ako ng paraan para makalayas na dito.

“Balita ko may gusto ka pa rin kay Christian? Totoo ba yun?!” tanong naman ni Desiree. Ang isa ko pang bruhang kaklase. Waaaaaaah. Bakit puro yung mga witches ang invited sa party ni Lyka? Kainis naman oh. Hindi naman namin ‘to FRIENDS. Nakoooo~ Wala kasi sina Keli at Erin dito e. Ayan tuloy..

Mabalik tayo sa tanong ni Desiree bitch. Si Christian daw? Waaaaaaaaaaaaaaaah. Tinatanong nya kung crush ko pa rin si Christian?

“OO naman.. Bakit? Masama ba?!” proud ko pang pag iinform at tanong sa kanila. Walang masama dahil single pa rin naman si Christian until now~ Wahahahahaha. Si Christian nga pala ang nag-iisa kong crush mula high school hanggang ngayong third year college na ako. Kahit mukha yung tungaw crush na crush ko yun.. Hekasi naman ang galing –galing nya sa lahat ng bagay! Mapadrawing, pagsusulat, pagsasalita, math, science, research at maging sa pagpapa-ibig sa akin! Mahusay talaga sya! :)

 Tumawa ng malakas si Lyan. Wow. Ngayon ko lang napansin.. sabay pala akong ininterview nitong dalawang bitch ng buhay ko.. Si Desiree at Lyan. Ang goleng naman sa timing. Ngayon pa na nag-iisa ako. Hindi ata ‘to kakayanin ng powers ko.

 “Hahahahahaha~ You’re so funny pa rin Alexx! Imagine. Until now? You’re still holding on to that dream of yours that someday.. Christian would like you too? Sooo persistent of you girl.” Maarte nyang sabi.

 Wow. Kung maki- Alexx o. Close tayo 'te?

 “Err..” I remarked silently.

 “You’re so loyal to him.” Dagdag pa ni Desiree. “But.. Have you heard of the latest rumor about him?”

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon