The Journey [23]

678 22 7
                                    

Chapter 23   Coke in Can

“Baka kasi mawala ka..”

Napatingin ako sa kanya. T-tama ba ang narinig ko?

“Anong sabi mo?” Tanong ko ulit to Clara-fy este clarify.

Kaso parang iba na ata ang sagot nya, “Sabi ko tanghali na.. Nagugutom na ako. Tara na?” Yaya nya sabay nakangiting tumalikod sa akin.

Lord. Bingi na po ba talaga ako?

(Luis Patrick’s POV)

Kumusta wattpad readers? Ang tagal ko nawala. Namiss nyo ‘ko no? Di ko kayo masisisi.. Ang gwapo ko kasi e!

Salamat kay Nacha. Kala ko di na nya ako pagbibigyan pa.. Akala ko kakaklimutan na lang nya ang kwento na ‘to. Buti naman at may mabuting hangin ang pumasok sa brain lobes nya kaya naisipin nya mag update. Salamat Nacha. *wink*

Sa mga nakalimot na.. Recap muna tayo. Kaso tinatamad ako e.. Bale ganito na lang. Nanalo ako sa student regency. Yun lang. Hahaha! Pero kapalit naman nun e ang break up namin ni Mara. Opo, nakipagbreak si Mara the other day. Masyado na daw syang nasasaktan sa mga ginagawa ko. Ano ba ang ginagawa ko? Tsk.

Kung gaano kabilis akong na-fall sa kanya.. Ganun din ata kabilis na naglaho lahat. Ibig sabihin ba.. Hindi talaga ako na in love? O.o Kung  ganun nga.. Ibig sabihin, hindi love na matatawag ang foundation ng past relationships ko? Aish. Ang flirt ko kasi e~

Sa SC Booth.

“Lulu boy~ Kumusta naman ang pagiging student regent?” Bungad agad ni Kuya Jobim di pa man sya nakakapasok sa loob ng booth.

“Ay nako. Di pa yan nagpapakain!” Pang aasar naman ni Senator Jadine.

“Wala pa raw pondo..” sagot ni Kay.

“Wala pa? Itong si munting heredero walang pondo? Sino nagsabi?”

“Oo nga Kuya..” Sagot ko na lang.

“Totoo nga sigurona hindi lahat ng bagay nakukuha ng isang tao.. An-anhin mo nga naman ang pera kung may love life ka namang sing ganda ni Alexxa.” – Oreo.

Grabe. Nalink lang ako kay Alexxa Clara nakalimutan na nila si Mara? Oh well. Break na rin kami, what for na ibalik nila yon? T.T

“Speaking of.. Bakit parang di ko nakikita yong girl friend mo..” Sabi naman ni Cay.

Oo nga. Di ko pa nakikita yung witch mula kahapon. Ano kayang nangyari don?

“Di ko girlfriend yon.” Bitter ko na sagot. Bakit pala! HAha

“Babaeng kaibigan? Hindi?” Nang iinis pa na enemphasize ni Cay.

Naisip ko lang, kung magtatagal pa ako kasama ng mga ‘to malamang matatagalan pa ako sa hot seat. “Haynakoo. Magtrabaho na nga kayo..” Tumayo na ako para lumayas. Hahahaha. Iwas issue.

“San ka pupunta?” tanong naman ng chismosang si Cay.

“Sa happiness ko :/” nakangiti kong sagot sa kanila.

“Kay Mara?” tanong ni Hana na supporter ni Mara.

“Hindi.” Iling-iling ko.

“Kay Alexxa?”

“Hindi. Bibili ako ng coke.” Sabay alis ko sa booth.

Pag sinabi ko bang happiness ba babae agad?

Pumunta ako sa canteen. On my way..

“Hi Pres!” Kaway ng isang Tourism student. Di ko sya kilala. Nasabi kong Tourism kasi OA ang taas ng heels nya. Wala lang. hahahahahaha

“Hello!” sagot ko naman. Pogi ako e.

“Congrats po!” bigla naman sabi ng nasalubong ko sa tabi ko.

“Salamat!”

“Sana magampanan nyo ng maayos ang bago nyong posisiyon.”

“Asahan nyo po.”

Ang taas naman ata ng expectations ng Southville University sa akin. Pheew! Sobrang taas ayoko na pumasok sa canteen! Oo. Alam ko walang connect. Nasabi ko lang yan kasi pagsilip ko sa bintana nakita ko ang haba ng pili. Dun na lang ako bumili ng coke sa vendo machine sa labas ng canteen.

Naghulog ako ng coin at maya-maya.. *Pooof*

Kinuha ko na si coke. Binuksan at.. “AHHHH!”

Pwede na bang pang-commercial ng coke? Haha. Okay pa sana ang mood ko kaso bigla akong napatingin sa bintana, sa loob ng canteen makikita ko si Alexxa Clara. Naglulunch ata.. May kasama nga lang.  Si Christian.

Tanghaling tapat. Leche. Panira ng araw! Ewan kung bakit ang pangit ng reaksyon ko sa nakita ko.. Basta ayoko ng nakita ko. Sobrang ayoko napiga ko tuloy yung can ng coke sa kamay ko. Nabuhos ang coke ko. Pagbabayaran ni Alexxa Clara ang nabuhos kong Coke.

HAHAHAHAHAHAHAHAHA :D

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon