The Journey [12]

811 23 1
                                    

Chapter 12 : I’m Captured!

Imagine how happy I was when I learned that he’s single. Damn. Single si Christian. Pwede pa! May chance pa! Waaaaaaa :>

 Kinikilig ako. Sobra. Maghapon lang naman kami na magkasama sa office nila. Nagkwentuhan at kumain. Alam ko hindi sya nakapasulat ng balita pero ayos lang yan. Nakakwentuhan naman nya ako. Swerte pa rin sya! Hohohoho~

 Ayan. Sumasang ayon na rin ang langit sa akin. Sa wakas! Hahahahaha~

 Christian. Christian. You’ll be mine sooooooon. VERY SOON :>

6:30 PM

The Tintinnabulation Office

 Tumingin si Christian sa relo nya, “6:30 na pala..” wika nya.

 Wow. Umabot na kami ng 6:30! Napasarap ang kwentuhan. Hehehehe.

 “Oo nga no!” sagot ko naman. “Uuwi ka na?” tanong ko sa kanya.

 “Oo.” Sagot nya sabay ligpit ng mga gamit. “Sabay tayo gusto mo?”

 ANOOOOOOOOOOOOOOO?

 S-sabay daw kami?

 Totoo ba ‘to?

 Tinatanong nya kung pwede na sabay kaming umuwi?!

 Tinola.

 Anong isasagot ko?

 Sabi ni Thea, sa ganitong mga pagkakataon.. Wag daw akong padadala. Magpakipot daw ako.

 “Uhh..” sagot ko na kunwari nag iisip talaga. Hohoho. “P-paano ako uuwi? Yung Luis Patrick. Baka hinahanap pa ako..”

 “Wag kang mag-alala. Hindi ka na rin naman siguro hahanapin pa nung si Luis. Maraming ginagawa ang SC ngayon. Baka nawala ka na rin sa isip nya..” sagot ni Christian.

 Hoho. Ako? Mawawala sa isip nya ng ganun ganun na lang? In my dreams~ Ang dami kong kasalanan T_____T

 “Saka.. Nandito naman ako. Kakausapin ko na lang sya.”

  “S-sige..” sagot ko sa kanya.

 WAAAAAAAAAAAAAAAAAAA. Thingy knee. Kinikilig ako. Kinikilig talaga ako. Pakinsyet :>

 Ewan kung pinaglalaruan lang ako ng paningin ko pero nakita ko na ngumiti si Christian.

 Natapos sya sa pag aayos tapos.. Naglakad na kami. Yun oh. Damang-dama ko ang eksena~

 Bumaba kami sa hagdan. Walang nagsasalita. Ang awkward -_______-“

Nakarating na kami sa groundfloor. Dahil pagabi na.. Mangilan ngilan na lang ang tao sa College of Communications.

At dahil pagabi na nga.. Time to make my death defying moves~~

 Ako na ang didiskarte kay Christian.

 Naglalakad kaming dalawa. Nagsalita ako.

 “Christian..”

 Tumigil sya sa paglalakad. Parang may naalala.

 “M-may problema?” tanong ko.

 Napakamot sya sa ulo. Inosenteng- inosente. Hoho. Ang kyoot nya. “Uh. Clara. Naiwan ko ata yung flash drive ko sa taas.”

 “Ha?” tanong ko. Hanooobayen. Hindi pa nga ako nakakadamoves mukhang magkakaproblema pa.

 Nilapag nya ang gamit nya sa terrace. “Nandun kasi nakasave yung ibang files para sa paper! Teka. Babalikan ko muna! Dito ka lang ha? Hintayin mo ako!” bilin nya sa akin sabay takbo pabalik sa office.

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon