The Journey [66]

423 11 0
                                    

Chapter 66

And that was the story of my short life. That afternoon.. I died.

JOKE LANG! HAHAHAHAHAHAHAHA! Nagcollapse lang naman ako dahil sa sobrang pagod, init, gutom, at pressure na dala ng lechugas na The Couple Games na yan. Dinala nila ako sa clinic. Paano ko nalaman? Dahil nung nagising ako.. Nandun na ako. Si Patrick ang unang tao na nakita ko pagmulat ng mga mata ko..

“A-anong nangyari?” Umupo na ako because pakiramdam ko.. Okay na ako. Medyo ngarag lang ng konti.

“Don’t move!” Sigaw ni Patrick pero di ko sya sinunod. Pakiramdam ko ay okay na ako. “Aish!” he recoils. “You passed out..” sabi nya lang sa akin.

Tapos saka ko lang naalala lahat ng nangyari. “The game?! Anong nangyari..”

“You found the key..”

“I did..” Yeah. I remembered finding the damn key.

“Hindi na tinuloy.. Nagpanic ata si Cay dahil pinagsisigawan ko na sila. They had to stop the game.”

“Sina Mara! Teka.. Sila yung unang nakahanap ng key di ba?” Worried ko na tanong. “Sila ba yung nanalo?” OMG! AHHHHHHH! Nakakainis. Gusto ko na ibato yung vase malapit sa kung saan ako nakahiga. Hindi ako papayag! Magrereklamo ako sa University President (U. President agad? LOL) para magkaroon ng rematch! UNFAIR!!

Patpat chuckled, as though nababasa nya kung ano yung iniisip ko.“No, silly girl. They only got a total of 224 points.. And we got 275.”

(O_O)

My eyes were bulging. “So we won?!” Hindi ko makapaniwalang tanong.

“They didn’t announce because Mara and Christian freak didn’t want to accept. But since we got higher points.. I think, yeah. We won the game.” His thin lips curved into a smile.

“We did it. HAHAHAHAHA! Natalo natin sila!” Ang saya saya ko, gusto ko na tumalon. Patpat was just smiling beside me.

Hindi na mawala ang ngiti ko. Imagine.. Tao bang Martian? Hahahahahaha~ Kung di lang kasi ako nahimatay kanina mas maganda sana kung umabot kami sa game 5. Pero.. HAHAHAHA! Okay lang. Jejejejejeje~

“Hey Clara.. “ tawag ni Patrick bigla. Nabalik naman ako sa senses ko.

I turned to him and smiled.

“You should have told me that.. You’re not feeling well. Sana di na natin tinuloy yung game.” He said.

“Bakit naman?” E ikaw nga itong super determined na manalo e! Tss.

“You made me worry.. A lot.” He said seriously.

Then I remembered his worried face before I passed out. “Sorry Patpat..” I told him.

He patted my head.. “It’s okay. Magaling ka na rin naman di ba?”

I nodded.

“Ohh.. Before I forget!” Sabi ni Patrick. He digged something from his jacket. Tapos iniabot yun sa akin.. Dalawang papel. “Prizes natin.. PatLex shippers are crazy. They claimed the prizes when the MarTians left. Tinakot ata nila si Cay.. Yung iba kinuha na ng mga kaibigan mo. Sila na raw ang bahala. Yan lang yung natira e.”

Tinignan ko yung nakasulat.. “Tickets?”

“Uh-uh..”

Yung isang ticket para sa After Party na in-organize ng SC.. Exclusive members ng SC lang at ilang elite groups sa University ang invited sa after school party na yun. Gaganapin daw yun after ng bonfire lighting at fireworks display mamaya sa pagsasara ng festival. So ibig sabihin.. Lahat ng effort namin ito yung kapalit? Gusto kong tumawa! Tatawa ako.. Wait.

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! :>

Napailing na lang ako.. Nahimatay na ako lahat ito na pala yung prize ko. Akala ko, pareho yung tickets na hawak ko pero narealize ko na magkaiba pala. Yung isa kasi.. Ticket para sa..

“MEET AND GREET NG I AM A DEMIGOD BAND?! AHHHHHHHH!” Halos maloka ako habang hawak yung ticket. OMG! OMG! May ticket na ako! AHHH! Hahahahaha!

Feeling ko, bumalik ang lahat ng enerhiya ko sa katawan.

“Patrick! Dito ka lang a? HAHA! Pupunta ako. SANDALI LANG!” Sabi ko sa kanya saka para walang nangyari na kinuha ko yung bag ko tapos tumakbo na ako papunta sa venue ng meet and greet.

Sa auditorium. Pero pagdating ko dun.. CLOSED na po ang auditorium. Kinakabahan.. Akala ko nagkalamali lang ako ng napuntahan, tinignan ko ulit yung ticket. Tama naman yung venue.. School auditorium. Yung mali e yung time.. 5:30 pm ang nakalagay. Nung tinignan ko ang relo ko.. 7:30 pm na. WAAAAAAAAAAH! TT____TT

Tapos na ang meet and greet.

*laslas

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon