The Journey [65]

395 11 0
                                    

Chapter 65

After nung break e nagsimula na ulit ang game. For the third game.. Tinanggal panandalian yung handcuff namin dahil basketball game naman yun. Paramihan lang ng points na msushoot na ball in two minutes. 6 pairs na lang ang natitira. Nakakaluka na. Sabay kaming magsh-shoot ng bola, magkaibang rings lang.

Nasa isang room lang kami pero sa labas, ang dami paring tao na sumisilip sa bintana. Gaano ka importante sa kanila na mapanood kami ng live? >____<

Kung sa right side ng room, ang daming tao sa bintana. Sa left naman, wala. Sa part kasi na yon may super lalim na canal na. Dun ako pumwesto sa left side kasi nga nakakadistract ang mga tao sa right side. Kahit nakasara ang bintana at hindi namin sila gaanong marinig.. nakakadistract pa rin ang movements nila.

Nagwa-warm up pa ako nung..

“KYAAAAAAAAAAAAAAH! San si Tony Parker? San si Tony Parker?! OMG! Tony baby! I’m here! I’m here! I’m Tony’s wife! KYAAAAA!” sigaw ng isang babae sa labas ng bintana.

Wait.. Canal na yung part na yon a. Anong ginagawa nya dito?!

I eyed the girl. She had freckles in her cheeks and panda eyes like hindi na sya natulog since her last birthday. Kapansin pansin din na heart-shaped ang feslak nya. Nakasuot sya ng San Antonio Spurs jersey na number 9. Jersey ni Tony Parker -____-^

Kilala nyo ba ang baliw na ‘to?

Ako kasi.. Oo.

“Nacha, anong gingawa mo dito?!” Tanong ko sa kanya.

“KYAAAAAH! May basketball game daw e. Ilabas nyo si Tony Parker! AAAAAH!” sigaw nya sabay tili.

Aray. Napatakip ako ng tainga. Ang sokit T_T

May dala pa syang black at silver balloons.

“Nacha, wala kaming Tony Parker dito. Luis Patrick meron..” sabi ko na lang sa kanya.

Her expression dropped. “Sabi may basketball game.. Bakit walang Tony Parker?”

“Ano bang tingin mo dito? NBA? Walang Tony Parker dito, Tony’s wife. If I were you umuwi ka na lang!” suggestion ko sa kanya.

Her energy dropped to zero. She looked at me like she lost hope for the mankind. Without a word, hopeless sya na naglakad palayo.

Kawawang Nacha.

Moments later, nagsimula na ang game. Paano ba yan? Malupet pala sa basketball ‘tong kumag na si Patrick. Nanalo na naman kami. Puahahaha! Leading na kami by 50 points. 125 points na kami! Kekekeke~

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon