The Journey [50]

487 10 0
                                    

Chapter 50

(Clara’s POV)

Hindi talaga ako maka-get over mula sa huling pag uusap namin ni Ethan. Ako ba yung tinutukoy nya? Feeling ko talaga ako e. HAHAHA! E.. Ano naman ngayon kung ako? Does it matter?

AHHH! Ewan. Ilang araw na akong tulaley. Tuliro. Natatandaan ko na kakatransfer lang ni Ethan sa school ko months after mamatay si Tita Beatriz. Hindi pa kami magkakilala non. Nakilala ko lang sya nung niligtas nya ako after akong itulak sa pool ni Regina, yung bully kong kaklase. Omgggg~ What is this feeling?

Gusto kong tanungin si Ethan pero.. Duh. Nakakahiya kaya. Mamaya isipin nya pa feeling ko. Tsk. Saka hindi rin sya nagparamdam sa akin the whole weekend. Siguro super practice ang peg nila. Mabuti na rin siguro yon. Di muna sya magpakita sa akin dahil nadadagdagan ang stress ko when he’s around.

The following week.. Monday Morning.

Ngarag na ngarag pa rin ako habang naglalakad pabalik sa college building namin. Kagagaling ko lang sa library. Oyy. Hindi ako natulog. Nagpahangin lang ako! HAHA!

Pumasok naman si Ethan kanina. As usual.. Super kulit pa rin nya. Parang nawala tuloy ang mga agam-agam at pagdududa ko the past days. HAHA! Ano ang mga pag-aagam agam at pagdududa ko? SECRET NA YOWN! Puahahahaha!

Naglalakad pa rin ako pabalik sa room ko nung napansin ko na medyo maraming tao sa college namin today.  Oh well. Daanan kasi ‘to ng ibang mga students. Ewan ba. Never nagkaroon ng kapayapaan at katahimikan sa College of Arts. Bad. Paano gagana ang creative brains namin kung ganito sila? Tsk.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad nung may humarang sa akin.

“Where have you been? I’ve been looking for you everywhere..”

I raised my gaze and saw Luis Patrick. Waitt.. Si Luis Patrick nga ba ito?! I blinked hard. He had panda eyes. LOL. Tipong di natulog the past three night.. Pero.. Teka nga. Pinatay ko na si Luis sa isip ko.. Ni hindi na nga nya ako ginulo mula nung araw na iniwan nya ako sa kawalan yun ay dahil.. PINATAY KO NA SI LUIS! There’s no way he’d go back to life!

Ohmg. Nakidnap na naman ba si Thanatos? (Thanatos is Death. His abduction by the army of Gaea in Son of Neptune caused a serious problem. People who died kept coming back to life. Thanks to Jackson and friends.. They saved the day. LOL)

 I shook my head, “Nooo.. My eyes are playing tricks on me again.” I asid loudly.

“Alexxa..” He called again. “Look, I’m sorry about the other day. I acted a bit too harsh by leaving you all  by yourself..”

So he came back to life just to say sorry? Who needed his damn sorry?! DUH.

“Are you done? May klase pa kasi ako.”

“Clara.. Kagagaling ko lang sa room nyo. I learned na wala na kayong class.. Talk to me please.”

“I’m busy. Can’t you understand?” I walked past by him when he yelled.

“Stop acting like you didn’t care!”

The nerve of this guy. “HAH!” I exclaimed as I turned around. “I really don’t care!”

Napansin ko na napatigil na pala ang lahat ng students sa lobby ng building namin. Center of attraction na naman kami ni Luis >___<

Kitang kita ko sa mukha ng audience ang ‘Guys, let’s stop! They got a good show again’. Kinabahan naman ako bigla nung nakita ko ang tahimik na crowd na nakapalibot sa amin. Baka gamitin na naman ni Luis ang popularity nya to win this case. Hindi ko sya hahayaang gawin yon. Tsk.

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon