The Journey [36]

610 10 2
                                    

Chapter 36   Ethan Valdez

SH-T! Si Ethan nga! Si Ethan Valdez. Okay.. Brief introductions.

Guys. Meet Ethan Valdez. Siguro nasabi ko na ‘to nung previous chaps when his name was mentioned.. Pero uulitin ko na lang for the sake ng mga nakalimot na.

Kalaro ko si Ethan nung bata pa ako. Kinakapatid ko sya, bale ninang nya ang mommy ko. Magkakilala ang pamilya namin kaya naman naging magkaibigan kami. Kalaro ko sya noon. Tandang tanda ko pa ang first meeting namin. Naglalaro ako nun sa playground, may hawak akong lollipop nang lumapit si Samantha (yung bully na kapitbahay namin noon) kasama ang mga alipores nya.

“Hoooy Alexxa!” turo nya sa akin.

Narinig ko pa lang ang boses nya, natakot na ako. Lalo na siguro nung nakita ko pa ang mukha nya. Eeeep! >.<

Pano ba naman kasi? Ang laking damulag ni Samantha. Basta. Kung ano ang ganda ng pangalan nya sya namin juanget ng kanyang feslak at ugali. Nakakatakot sya. Kahit mga lalake natatakot sa kanya e. Ewan ba kung pano sya natatagalan ng mga alipores nyang si Jane at Jana.

So ayon na nga. Lumapit silang tatlo sa akin.

Wala sana akong balak pansinin sila kaso ang epal ni Samantha.

“Masarap ba yang kinakain mo?” Tanong nya.

“Oo. Gusto mo? Kaso nalawayan ko na. Bili ka na lang..” Sabi ko sa kanya.

Walang mali sa sinabi ko pero nagalit sya. Sya ang alamat ng bipolar. Pramis.

“Aba! Sumasagot ka na a!” Nanlilisik ang mga mata na sigaw nya sa akin.

Hello? Nagtanong kaya sya. Kung di ko sya sinagot magagalit sya, nung sinagot ko galit pa din? Wow? Sya na lang may karapatan?

Para di na lumaki ang gulo, di na ako sumagot. Mabuti pang manahimik.

“Mukhang lalaban na Sam!” Sulsol ni Jane.

Hindi nagustuhan ni Samantha ang narinig kaya naman inagaw nya sa akin yung lollipop ko.

“UWAAAAAAAAAAAAAAAAA! Y-yung lollipop koooo..” TT___TT

Lumapad pa ang ngiti ng bully na si Samantha nung umiyak na ako. Nagtawanan sila tapos tinapon nya sa putik yung lollipop ko. Grabe. Senora Santibanez ang peg! Kung inaakala nya na kukunin ko pa yun sa putikan gamit ang bibig ko gaya ng ginawa ni Marimar.. Manigas sya! Iiiyak ko na lang ‘to tapos bibili ako mamaya ng bago.

“Oh ano ka ngayon Alexxa?! HAHAHAHAHA!”

Natrigger ata ako sa pang asar na tawa ni Samantha kaya napilitan akong lumapit sa kanya tapos itulak sya. E di ko naman intensyon na tumambling sya sa putikan kasama ng lollipop ko e. Nung moment na yun, nakaramdam ako ng tuwa.. Kakaibang feeling. Ang sarap pala mambully. HAHAHAHHA. Deh joke lang po. Nakonsensya nga ako nung gumulong sya sa putik e. Pero mas maganda kung sa pool na lang.. Ee. Nasabi ko ba na  malapit kami sa pool area?! :>

“SAAAAAAM!” Iyak ng dalawa nyang alipores na agad namin tumakbo sa tabi nya para tulungan syang tumayo.

Nung nakarecover na si Samantha.. “How dare you! You little..” Pagkasabi nya nun ay tinulak nya ako sa pool.

Sure it was good to be in the water in a sunny day like that day. Bad thing was.. I didn’t know how to swim. I literarly gasped for air. I didn’t know how to swim. I yelled for help pero pinagtawanan lang ako nina Sam.

And then the strangest thing happened.. Someone jumped into the water and dragged me out of it. Nung nasa land na ako minulat ko ang mga mata ko, may isang batang lalake na ang nakatingin sa akin.. Malaki lang sya sa akin ng kaunti (pero mas malaki pa rin si Sam), matangkad, fair ang skin nya tapos mabango. Wahahahahaha! Mamamatay na ako yan pa rin iniisip ko ‘no? LOL~

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon