The Journey [16]

751 22 2
                                    

Chapter 16 : First Comfort

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah >_<

Sya ba? Sya nga ba talaga?

Tinolang palaka naman oh.

Hindi ako nakapagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya. Gas. Bakit ang sama-sama ng ugali nya? Bakit?

Nakatingin lang sya sa akin. Nakangiti pa. Masaya pa ba sya sa ginawa nya?

Behind his angelic face lies a devil. I despise him. I hate him. I loathe him. I’ll kill him.

Anak sya ng nanay nya. Nyemas talaga.

Tinanggal ko ang belo ko saka tinapon ang bulaklak. Naiiyak na ako. Ayokong gawin yun dito. Kaya naman tumakbo ako palabas.

Paglabas ako, sinalubong ako ni Erin at Keli.

“Alex, anong nangyari?” tanong agad nila.

Hindi ako sumagot. Tumakbo lang ako.

Hindi ko na pinansin pa ang mga sinabi ng mga tao sa likod ko. Gusto ko lang lumayo sa kanila. Gusto kong umiyak. Ang dami na talagang masamang tao sa mundo. Panguna ka na hayop na Luis Patrick.

Tumakbo ako papunta sa College of Communications. Wala ng tao dun. Umupo ako sa hagdan. Dun, nagwala ako.

 Shittings naman e. Bakit ba pinagkakaisahan ako ng mundo? Sobrang sama na nga ba ng ugali ko at deserve ko na ang lokohin ng mga tao?

Okay. Sabihin nyo ng OA ang reaction ko sa nalaman ko. Pero.. Hindi e. Hindi ‘to tama.

Ang sama ng ugali mo Luis Patrick. Bakit di ka na lang mamatay? Waaaaaaaaaaaaaaaaah T_T

Ngawa pa ako ng ngawa ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Tinignan ko sya at.. 

“Christian..” 

Inabutan nya ako ng panyo, syempre.. Kinuha ko! Galing kay Christian yun e! Minsan lang ‘to. Wahahahahaha xD 

“Salamat..” I murmured. 

He bit his ower lip, “Sabi naman sa’yo hintayin mo ako e.” 

“Sorry.” 

“Wag ka ng umiyak.. Tama na yan.” 

Humarap sya sa akin saka ngumiti. At bigla na lang.. As in bigla na lang. Niyakap nya ako. 

“Tahan na Clara. Sa susunod wag kang mag-alala.. Hindi na kita iiwan para hindi ka na mainip sa paghihintay..”

In his chest, I cried.

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon