The Journey [25]

706 10 1
                                    

Chapter 25 Nobody says No to Patrick

 

>Luis Patrick’s POV<

Anak nga naman ni Hades o.

E parang hindi naman kumakain si Clara, panay ngiti lang sya kay Christian. Di nga lumalayo ang tingin nya kay Christian. Minamanyak nya na yung tao. Ito namin lalake, ang manhid! Painosente masyado. Ang sarap nilang pag untugin e.

Kinuha ko ang cellphone ko saka tinawagan ang number ni Clara. Nakuha ko nga pala yung number nya sa kaibigan nyang si.. Sino na nga yon? Basta. Kaibigan nya yon.

Oh. Baka dahil may number ako ni Clara iniisip nyo may gusto na ako sa kanya a. Syempre kailangan ko yon para contact sya, pano ko sya mabubully kung wala naman kaming permanenteng communication. (Syet. Ang defensive ko. Hahahahahaha)

*ring*

*ring*

*ring*

Putakte. Ang tagal sumagot! Panay kasi ang pagpapacute kay Christian. Pweh!

*ring*

Mabulunan ka sana.

*ring*

After 123456789 years saka nya pa ata narinig ang cellphone nyang kanina pa tumutunog. Tumayo  sya saka pumunta malayokay Christian tapos saka pa nya sinagot.

“Hello?”

“Having fun?” Nakuha ko pang magtanong  e obvious na nga e. Hahaha!

“Excuse me? Do I know you?”

“How could you not recognize your husband, my lovely cheating wife?”


Kita ko agad ang pag iiba ng aura nya. From cheerful to.. nevermind.

 “Cheating wife your face!” Sigaw nya sa akin. Aray! Nailayo ko tuloy yung cellphone a tainga ko.

Nagagalit na naman sya. Nakakatuwa talaga syang tignan pag galit. Hahahaha!

“Oh ba’t galit ka? I’m just kidding my FRIEND.” Sabi ko sa kanya.

“Ang epal mo talaga. Can’t you see I’m on..”

“A lunch date? Yeah. I know. I can see.”

“Whatever Patrick. What do you want?” Iritable nyang tanong.

“You..”

“Leche kang palaka ka umayos ka kung ayaw mong labasin kita dyan at sipain.”

He called me a frog. This hard headed witch just called me a frog?! O.o

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon