The Journey [41]

549 17 5
                                    

Chapter 41   Ghost from the Past

First day of the term.

Halatang may hangover pa yung mga taga-Southville sa sembreak. Lalo na siguro sina Erin, Keli at Thea dahil na rin sa late na sila na natulog kagabi sa panonood ng King 2 Hearts.

Pagpasok ko sa room tulaley pa sina Erin at Keli. Wala pa si Thea, obviously.

“Hello girls!” masigla kong bati sa kanila.

Tinignan lang nila ako. The two of them had puffy eyes.

“Why so down?”

Erin yawned. “Alex, ikaw kaya ang manood hanggang episode 20, walang tulog tulog.. Buhay ka pa?”

 “Kawawa naman kayo.. Teka, nasan si Thea?” tanong ko kay Keli.

“Ayun, baka tulog pa.. After kasi ng episode 20 umiyak iyak pa sya.” Sagot ni Keli.

Maya maya pa ng kaunti, pumasok na si Professor Evangelista.

“Good morning class!”

Pagbati naman, sumagot ang mga kaklase ko and just then, may biglang umupo sa bakanteng silya sa tabi ko.

Sino ‘tong Poncio Pilatong ito? Ang aga-aga e ang angas-angas.

“I am Professor Evangelista nad I will be your lit crit teacher for this term! I hope you did enjoy your break! But we need to have our class today so please.. Straighten your backs because we are about to start!” Enthusiastic na sabi ng Amerikana namin guro sa major subject namin.

Naglibot-libot si Ma’am para kumustahin kami isa-isa. Hanggang sa matapat sya sa amin. Este sa katabi ko. “Good morning young gentleman!” Bati nya sa stranger sa tabi ko.

“Good morning ma’am!” Bati nito saka tumayo.

“Wonderful! I see.. Everyone, attention please! With us today is your new classmate.. A transferee from University of North Carolina. Mr. Ethan Valdez!”

Tinanggal nya ang sunglasses nya saka confident na ngumiti sa lahat at bumati, “Good morning!”

I heard some squealing from the girls. Erin and Keli were still knocked out.

Tapos ngumiti ulit si Ma’am saka bumalik na sa harap ng room.

Pag-upo na pag-upo nya inurong nya ang upuan nya papalapit sa akin. “Good morning Lexie!”

Sht. “Anong ginagawa mo dito?”

“Nagbibigay ng inspirasyon para sa iyo..” He winked.

Naramdaman kong nag init yung cheeks ko. Syet. Ang gwapo nya pa rin pero nag momove on ako, di kailangan ng kalandian.“Kadiri ka talaga Ethan. Umayos ka nga..”

“Ito naman di na mabiro!” Nangumiti na naman sya. Mais nga naman oh. Bakit kahit ang tagal tagal na mula nung huli kaming nagkita e ang gwapo nya pa rin? Syeeeeet :>

Natapos ang klase namin ng maaga. Pinagbigyan na kami ni Prof kasi first day naman daw. Wala kaming second period kaya tumambay muna kami sa free park.

Magkakasama kami nina Erin at Keli sa park. Pansin ko lang, kaunti lang ang mga estudyante ngayon. Nakahiga si Erin sa bench habang si Keli naman e nakaupo sa paanan nito banda. Sa table nakalagay ang mga gamit namin. Ako naman nakaupo sa bench across theirs. Tulog na tulog si Erin, humihilik pa nga e.

“Dapat pinauwi na lang natin si Erin!”

“Haynakooo. Ayaw nyan umuwi. Hahanapin nyan yung nakasayaw nyang Mario Maurer look-a-like nya..”

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon