The Journey [22]

692 17 4
                                    

Chapter 22   Divination

Hindi ko alam na may pagkaweirdo pala itong si Christian. Imagine? Sakyan ba ang kabaliwan nitong mga baliw kong kaibigan?!

Inosente at mukhang paniwalang-paniwala na umupo si Christian sa upuan katapat ni Thea na feel na feel naman ang act nya. What do I mean by saying act? Nakapikit sya ngayon na akala mo nagdarasal na ewan tapos parang timang na binabalasa ang baraha. Sina Erin at Keli naman pinapaypayan sya. Feeling reyna ang bruha. Taray.

Muli syang nagmulat matapos balasahin ang baraha.

“I-cut mo sa dalawa..” Utos nya kay Christian. Nung hahawakan na ni Christian ang baraha para i-cut pinigil naman sya ni Thea. “Ay mali! Tatlo pala. I-cut mo sa tatlo.”

Gagibells talaga. Mag uutos na lang parang di pa sigurado? Haha

Tumango naman si Christian saka ginawa ang inuutos ni Thea.

“Thank you..” Nakangiting sabi ni Thea. “Ngayon naman, pumili ka ng isang card mula sa tatlong set.”

Ginawa yon ni Christian. Hiniwalay naman ni Thea ang tatlong baraha na pinili ni Christian. Tumingin si Christian sa akin saka ngumiti nung titignan na ni Thea yung result ng cards na napili ni Christian.

Biglang magkakaroon ng light at sound effects ang paligid habang parang inaatake naman ng epilepsy si Thea sa kinauupuan nya. Yung tipong napopossess sya? Parang si Professor Trelawney sa Divination Class ni Harry? Ganun na ganun!

Pigil hininga naman kaming naghintay sa prophecy nya.

“Rararararararara! BOO!” Sigaw nya sabay patay naman ng effects nya. Hanep a. Di sila prepared. Hahahahaha! “Maganda.. Maganda ang nakasulat sa baraha na napili mo.”

“Ano daw sabi?” tanong ko naman. Pasensya na. Kahit na parang joke lang ang ginagawa ni Thea nakakadala e. Haha

“Mananalo ka sa lotto bukas..”

“Talaga?”

Interesado sya? LOL

“Kung tataya ka.”

Nangiti na lang si Christian. Tinolang Thea talaga. Hahahaha

Kaso biglang seryoso nang aura ni Thea. “Isa pa.. Yung pinakamahalagang bagay sa buhay mo. Ingatan mo..”

Tinignan ko yung expression ng mukha ni Christian. Nawala yung ngiti nya, parang sumeryoso sya. Parang naniniwala na sya kay Thea.

“Bakit?”

“Kasi maaari itong mawala.”

Tapos natahamik na kaming lahat. Ang awkward nga kasi basta..

Nalift na lang yung bigat ng eksena nung humirit na naman si Thea.  “Palala lamang.. Ang mga bituin ito ay mga gabay lamang ..Mayroon tayong free will gamitin natin ito.”

ZENAIDA SEVA pala ang PEG? Hahahahahahaha

“Kalokohan mo talaga Thea! Halika na nga Christian. Mamaya mahawa ka pa sa kabaliwan ng mga babaeng ‘to..” Natatawa ko na lang na sabi.

Ngumiti na naman si Christian ko. Hehehehe! “Sige girls. Mauna na kami ni Clara.. See you later.”

Lumabas na kami ni Christian nung sumagot ang tatlong baliw, “BYE CHRISTIAN! See you later Claraaaaaaaaa!”

Kung makasigaw lang parang bingi e.

“Pasensya ka na sa kanila a?” Nasabi ko na lang. Since wala na silang panahon para gawin ‘to, ako na ang gagawa.. Ako na lang ang mahihiya sa ngalan nilang tatlo. “May pagkabaliw lang talaga ang mga yon kung minsan..” Nagsinungaling ako. Hindi lang sila baliw minsan.. Most of the time.

“Okay lang.. Basta Clara.. Wag kang lalayo a?” Biglang sabi naman ni Christian out of the blue.

Nagtaka ako kaya nagtanong di nako, “Bakit?”

Banat pala? Hahahahaha

“Baka kasi mawala ka..”

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon