The Journey [31]

650 18 1
                                    

No comment. Di ko na naiintindihan ang sinulat ko e, parang nawala na sa circulation. Oh well. Sabi ko nga ito ang kwento na walang PLOT. Wala tayong dapat sundan. HAHAHAHA! Enjoy reading.

Chapter 31    Breaking Up is Hard to Do

Booth namin. 10 o’clock. Morning.

“Sabi ko sa’yo tawagan mo ako di ba? Bakit mag-isa kang pumunta sa school?!” Sigaw ni Patrick sa akin. Galit na galit sya.

“Sabi naman sa’yo okay na ako. Medyo masakit lang pero kaya ko na. Bakit ba galit na galit ka dyan?” Sigaw ko rin sa kanya.

Maya-maya e tumunog ang cellphone nya.

“Hello? Ngayon na talaga? Oh sige.. Papunta na ako.” *Ends call* “hoy ikaw Alexxa Clara! Di pa ako tapos sa’yo a.” Banta nya.

“Payn!”

Tapos umalis na sya.

Pag-alis nya lumabas naman sina Thea, Erin at Keli na kanina pa nagtatago sa likod ng booth.

“Ikaw!” sabay turo ni Thea sa akin. “Anong meron sa inyo ni Luis?”

“Ewan dun!” Inis ko na sabi sabay salampak sa upuan.

“Aha!” Erin snapped her fingers. “Siguro may connection yan sa hindi mo pagpunta dito sa school kahapon ‘no?”

Feeling ko namutla ako sa sinabi ni Erin. Alam ba nila? Uwaaaaaaaaaaa. I’m so dead. So dead sa pang-aasar nila. Hindi nila ako titigilan pag nagkataon.

Ngumiti ng malapad si Erin. “Siguro nga mer—“

Binatukan sya ni Keli. “Sira! Nandito kaya si Luis sa school kahapon. Maghapon sya nandito.”

“TAMA! Maghapon si Luis dito.” Pag-agree ko naman. E ang bobo ko lang talaga, nagtaka tuloy ang tatlo sa sinabi ko.

Sabay-sabay nila akong tinignan. “Pano mo naman nalaman na maghapon si Luis dito kahapon? Wala ka nga dito di ba?” tanong ni Thea.

Napalunok ako. Patay.

“Kahapon kino-contact ka namin.. Hindi nagriring ang phone mo.”- Erin

“Di ka man lang nagpasabi na hindi ka pupunta.”- Keli

“Mula nung naglunch kayo ni Christian nakaraang araw hindi ka na namin nakita.”- Thea

“San ka nga ba nagpunta kahapon?”- Erin

“Sa bahay..” Yes. Sa bahay ako kahapon. Sa bahay nina Patrick? Ajujujujuju TT___TT

Kinakabahan na talaga ako. Buti na lang may humawi sa kurtina na nagsisilbing door ng booth namin. Nakahinga ako ng maluwag. Haaaay! THANK YOU!

“Good morning!” Bati ko. Pagtingin ko sa unang customer ng booth namin, nagulat ako. “C-Christian..”

“Clara, let’s talk.”

Lumabas kami sa booth at napadpad sa taas ng Admin. Building ng Southville. Sa rooftop.

“Ano ba ang dapat nating pag-usapan at kailangan pang mapunta tayo dito?”

“I’m sorry..”

“Ha?”

“Sorry Clara.”

Oh yes. Di nga pala nya alam na alam ko na magkasama sila ni Mara kahapon.

“It’s okay.. Nakakain naman ako ng maayos kahapon.” Yun naman yung tinutukoy nya e. Yung bigla nyang pag-alis sa lunch date namin.

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon