The Journey [63]

419 17 1
                                    

Chapter 63

Sa loob ng College of Hospitality Management..

Panay ang pagpupumiglas namin ni Luis Patrick nung dinala nila kami sa isang long table kung saan may registration ng contestants para sa The Couple Games na pakana lang naman ng SC. Todo react si Patpat na hindi nya inapprove ang stupid game na ‘to pero may pinakita si Cay na papers na pirmado ni Patrick. Patrick claimed that he didn’t sign it. Pero.. ayaw ding patalo ni Cay. Siguro dahil sa sobrang stress.. Hindi na napansin ni Patrick yung mga pinipirmahan nya. Kawawa naman..

Activity ito ng SC at nilagay lang nila sa College of Hospitality Management kasi medyo malapad ang building ng college na ‘to at maraming pwedeng matakbuhan.

 “Magregister na kayo. Malapit na magsimula.. Nandito na ang ibang couple.”

“HINDI KAMI SASALI CAY!” firm na sabi ni Patrick. “Ang corny corny nito e! ”

“Tama! Isa pa.. Umm.. Hindi naman kami couple!” dagdag ko. I felt Patrick’s shooting glares at me pero deadmabells lang ako. Hindi naman talaga e. =__=

“You can’t do this to me Cay. I am the President.” Ulit ni Patrick.

“Day off mo kaya!” Cay smiled warmly at Patrick.

“Fck..” Patrick whispers.

“Cay.. Hindi kami qualified para sa event na ‘to. Let us go.” Pakiusap ko calmly.

“E nasa list na po kasi namin kayo..”

“WHAT?” I asked. Kinuha ko yung papel ng list ng participants.. Wtf.

Sa dulo ng listahan ang mga pangalang:

Luis Patrick de Guzman

Alexxa Clara del Valle

Naka-highlight pa talaga ang mga pangalan namin ‘no? I couldn’t believe. Sino naman ang maglilista nito? Hindi ‘to si Patrick. Sure ako. Looking at his face right now, I know pissed na pissed na sya.

“Magregister na po kayo para makumpleto na ang number of participants namin!” Yaya ni Cay.

Nakakainis naman. Hindi kami makatakas kasi sinara nila yung building para sa lecheng The Couple Games nila na ‘to. Napansin ko naman na medyo maraming tao sa lobby ng CHM.. Mga expectators ata ng event. Grupo grupo sila at may mga dala-dalang banner. Hindi ko naman sana balak alamin kung sino ang mga taong ‘to pero hindi talaga ako mapanatag.

Hanggang sa dumapo ang paningin ko sa left namin. Doon, tingin ko nandoon ang pinakamalaking grupo na magkakasama.. Mapapansin mo talaga sila dahil sobrang ingay nila. Hindi sila magpatalo dun sa katabi nilang grupo. Yung grupo na tinutukoy ko, marami silang dalang mga balloons at placards.. Ang weird ng mga nakasulat sa cardboards nila.

‘God himself could not sink this ship.’

‘I go down with this ship.’

At kung anu-ano pa >.<

Para silang mga aktibista na nagrarally sa EDSA. Tapos, pansin ko na sa harap nila.. May tatlong babae..

Mapapako naman ang atensyon ko sa banner na hawak nung dalawa. Yung banner kasi, may picture namin ni Patpat.. Tapos nakasulat don ang malalaking letra na:

WE SUPPORT PATLEX!

May all the gods and odds be ever in your favor.

Fighting!

Do I need to state the obvious? I mean.. about who those girls were?

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon