The Journey [45]

515 19 3
                                    

Chapter 45   Trouble

“Luis Patrick?!” I squealed. My irises dilated.

“Missed me babe?” he asked in his sexy tone and he even dared smirked at me.

WTF. I dropped the book.

“YOU B*ST*RD!” I muttered as I hit him in the head.

“Owwww!” napaatras sya sa lakas ng hampas ko sa kanya. “Aish. Para san yon?!” Bulong nya. Baka marinig kami nung mga librarian. Halatang di nya inasahan yung ginawa ko. HAHAHA! Actually, I hit him for two reasons—one was to make sure he’s real, second was gusto ko syang saktan for making me worry na hindi na sya babalik.

“Nabigla lang ako..” sagot ko sa kanya.

“No. You’re not surprised to see me.” Lumapit sya ulit. “Galit ka sa akin kasi akala mo hindi na ako babalik. Akala mo magpapakasal na ako sa magandang Parisian.” Sabi nya.

Tengene. San nya nakuha yon? Paano nya nalaman na yon yun iniisip ko?!

I stood there firm. “Hindi ‘no. Akala ko lang kung sino na. Akala ko ibang tao.”

He wrapped his arm around my waist and pulled me close to him, “Don’t worry. Hindi ko naman sila pinansin e. They got nothing on you. And besides.. You’re here. You’re waiting for me.”

“P-Patrick..”

Nilapit nya pa mukha nya sa akin. Napapikit tuloy ako. Naramdaman ko na nilapit nya yung lips nya sa tainga ko. “Did you miss me?” he whispered.

Lechugas. Nanghihina ako!

“Hindi.” Sagot ko, kunwari walang pakialam.

“You did!” Natatawa nyang sabi. Tapos, niyakap nya ako. “I missed you too Claring..”

Somehow, I felt secured with his arms around me. Hindi na ako nanlaban pa. Totoo naman ata yung sinabi nya e.

Sa Persephone’s Garden.

After ng mahabang pilitan.. Pilitan dahil ayokong umalis sa library kasi ng matutulog ako. Nung sinabi nya naililibre nya ako, sumama na lang ako. After nya akong ibili ng fried ice cream at green tea ay pumunta na kami dito. Nagtataka nga ako kung bakit walang mga tao dito. Kami lang ba pumupunta dito?

Magkaharap kaming dalawa ngayon. Nakafold ang arms nya at naka cross ang legs like a boss. He looked a million dollar man there. Ang gwapu nya. Amfufu~

Kinakain ko yung fried ice cream na libre daw nya sa akin.

“Grabe Clara! Namiss talaga kita.” Lumapit sya sa akin this time. “Yung mga babae kasi don.. Ang papayat. Parang puro buto. Wala silang ganito o!” Tinuro nya ang braso ko saka pinisil yon “Eee!” At gigil na gigil nya akong kinurot.

“ANAK NAMAN NG P)(*&^%$#@!” Sigaw ko. Nahulog yung ice cream at sinamaan ko ng tingin si Patrick.

Umatras sya ng konti, patawa tawa pa rin siya.

“Sorry Claring..”

“Sorry mong mukha mo! Nahulog na ice cream ko!” Kinuha ko yung green tea at yon na lang ang ininom ko. Lechugas na Patrick ‘to. Manlilibre tapos ganito?

“Wag ka na kasing kain ng kain.. Hindi ka ba nako-conscious sa katawan mo?”

My cheeks flushed. Pero.. Pakialam nya ba sa weight ko?

“Paki mo ba!” I snapped.

“Unti-unti ka na kasing lumalaki..”Napatingin ako sa kanya. Sasagutin ko sana sya na.. ‘Ikaw? Hindi ka noko-conscious sa stick mong katawan?’ Pero di na lang kasi muli syang nagsalita..

“Bumibilog.. At nagiging mundo ko.” Sabi nya.

“ANG CORNY MO!” sabi ko naman sa kanya.

Tumawa na naman sya. “Ayan talaga namiss ko sa’yo e. Yung pag-t-talk back mo.” Dumikit na naman sya sa akin. Hinilig ang ulo nya sa balikat ko, kumapit sya sa braso ko. “Ang kyut kyut mo talaga!” At pinisil na naman ang braso ko.

“YAAAAAAAAAAH! Luis Patrick de Guzman! Sumosobra ka na!” Agad syang napalayo sa akin. “Isa pa! Isa pa talaga!” Banta ko sa kanya. Namumula na yung braso ko sa kakapisil nya e. Leche.

“HAHAHAHAHAHAHA!” Tawa nya sa akin. “Ang init naman ng ulo mo! Birthday mo?” Ngumisi sya.

“Birthday?” O.o

He cleared his throat, “Meron ka?”

Binuhos ko na ang buong lakas ko at binatukan ko sya. “SIRA ULO KA TALAGA!”

“ARAAAY! YA! Alexxa Clara! Kanina ka pa nananakit a!” pikon na rin nya na ganti. HAHAHA! Mas gusto ko pa syang ganito kesa nangungulit. Nakakainis sya e. Tsk.

Natahimik na lang akes saka muling ininom ang green tea. Natahimik din si Patrick. Malapit ko na maubos ang green tea nung..

“Claring.. Sino si Ethan?”

I choked.

*cough cough cough*

Lumabas lahat ng laman ng bibig ko. Buti na lang hindi nashower-an si Patrick! HAHAHAHAHA! Kahiya naman.

“Are you okay? Geez!” He tapped my back at kinuha nya ang bottled water at binigay sa akin.

“O-okay lang ako.” Panigurado ko agad sa kanya nung makarecover ako. Nag-thumbs up pa nga ako e. “Ano nga ulit yung tanong mo?”

“Oh.. Si Ethan!” Inosente nya na sabi. “Sino si Ethan? Parang nabanggit mo kasi kanina yung pangalan na yan. Sino sya?”

“HUUH? May nasabi ba akong Ethan? Parang wala naman!” sagot ko sa kanya. Pikon pa naman ‘to lagi. Baka awayin nya si Ethan.

“Meron e.. May kilala ka bang Ethan?” tanong nya ulit sa akin.

“Wala.” Sagot ko agad. OMG! Ba’t ako nagsinungaling?! Tsk.

He looked relieved though.”Hatid na kita?”

Tumango naman ako. Ay krayola! Ba’t pumayag ako nung si Patrick ang nagtanong? Kay Ethan patagal magdecide? Tsk.

Pero may practice naman si Ethan so.. hindi naman nya malalaman. Ajejejeje!

 We were heading towards the parking area to get his car when I heard someone calling my name.

“LEXIEEEEEE!”

What the hades.

Balak ko sanang magtuloy tuloy lang sa lakad nung huminto si Patrick. Lechondeleche naman e. Ba’t sa dami ng pwedeng huminto, si Patrick pa?

Kinakabahan na ako.

Maya maya pa ay huminto na si Ethan sa harap namin. Hingal na hingal sya. Si Patrick naman, hindi mabasa ang expression ng mukha. OGasss!

“Galing ako sa library! Wala ka naman don e. Wala na rin pala kaming practice kasi biglang may emergency si coach.. Tara, ihahatid na kita.” Tuloy tuloy nya sabi saka hinawakan ang wrist ko.

Hihilain na sana nya ako nung hinila di nako ni Patrick.

Magtataka naman si Ethan at lilingunin si Patrick, makikita nya na hawak ni Patrick ang right hand ko.

“I’m sorry.. Pero, hindi mo sya pwedeng ihatid. Dahil ako..” sabi ni Patrick saka hinila na talaga ako palapit sa kanya. Nabitiwan ako ni Ethan at agad akong inakbayan ng kumag na si Luis Patrick as if he owned me. “Ang maghahatid sa kanya.” Calm nya na sabi.

Ethan’s eyes narrowed, “Sino ba ‘tong patpat na ‘to Lexie?” biglang tanong naman niya.

Oh gods. Ethan, that was so wrong!

“You called me what?” pikon na ang tono ni Luis Patrick. “E sino ka bang mestisong bangus ka ha?”

Ethan’s eyes flared this time. Uh-oh. 

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon