The Journey [19]

809 21 2
                                    

Chapter 19 : Friendly Ride

 “Sinusundan mo ba ako?” tanong nya sa akin na bumasag sa katahimikang namagitan sa amin mula nung pinalipat nya ako from the backseat papunta sa harap seat (Ano daw? Hahaha) beside him 

“Hindi ‘no.” sagot ko agad.

“E anong ginagawa mo sa loob ng kotse ko?” tanong nya ulit.

Napaka mausisa pala ng unggoy na ito. Tsk~ Hindi ako sumagot. Kaya nagsalita syang muli..

“Ahh. Alam ko na!” wika nya sabay tingin sa akin, “Stalker kita ano?” then balik ng tingin sa harap nya.

WOW. Ang KAPAL.

“Stalker? Ako? Stalker mo?! 

“Oo. Ikaw stalker ko!”

Tapos ngumiti pa ang demonyo. Lechugas ka.

“Ang kapal neto! Bakit naman kita iistalk? Sino ka ba?”

“Si Luis Patrick. Wooooo. Wag ka na magdeny. Crush mo nga ako!”

“HOOOOOOOOOOOOOOOOY! Luis Patrick de Guzman. Excuse me. Kung ikaw rin lang? Di bale na!

Ang hudas kung makangiti wagas. Syet. Napailing pa oh.

“Nagpapalusot pa talaga. Oh sige. Kung hindi mo ako iniistalk.. Anong ginagawa mo sa loob ng kotse ko?

“Ano.. Ahh..”

“Ano?”

“Ano.. Umh..” Lanya. Ano ba kasing magandang idahilan? Hindi ko naman pwedeng sabihin na lang agad yung plano ko, baka mabigla sya at di nya agad matanggap. “Gusto kita maging kaibigan!”

Hininto nya bigla ang sasakyan at pinark ito sa gilid.

“Bumaba ka nga.” Utos nya sa akin.

Napatingin ako sa kanya, still ang expression ng mukha nya. ”Ha?”

“Sabi ko..” tumingin sya sa akin, “Bumaba ka. Kung hindi mo rin lang sasabihin. Bumaba ka na.”

 Ano bang problema nito? Ba’t ako pinapababa?

“Wag ka namang ganyan Luis.” Sabi ko. Waaaaaa. Ano iteyy? Iiwanan nya ako dito? Sa gitna ng kawalan? No way!

"E bakit ka pa ba mag eeffort na maging magkaibigan tayo? Asawa na kita di ba?" tanong nya sabay tingin sa akin.

Shemai.

"Ang kapal MO!"

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon