The Journey [60]

433 11 4
                                    

Chapter 60

The same night inside my room.

I stared at my room’s ceiling while contemplating..

When Ethan kissed me kanina, I didn’t feel anything. May naramdaman naman ako.. Naramdaman ko na tama sya. We’re better off as FRIENDS. I like Ethan as a friend.. Period.

Napaupo ako mula sa pagkakahiga, “E paano naman si Luis Patrick?” tanong ko bigla sa sarili ko.

Napakamot ako sa ulo ko..

Si Luis Patrick.. Sino ba sya?

Hindi ba sya yung napagkamalan kong si Christian noon? Sobrang akala ko, sya si Christian nilapitan ko pa sya at sinampal sa national highway dahil magkasama sila ni Mara.

Tapos sya rin yung manyak na hinalikan ako bilang ganti sa pananampal ko sa kanya. He stole my precious first kiss. >.<

Sya yung gwapong weirdo sa library na tinawag nya akong bitch.

Kahit ubod sila ng yaman, hinihingian nya pa rin ako ng 25 pesos para sa coke nya. Bully din sya at mapagsamantala sa kapwa.

Nang aabanduna din sya sa ere at lagi syang nakicarried away. Nakakatakot sya macarried away.. Kung hindi sya nangnanakaw ng halik? Nanununtok sya. (OUCH!)

Sya yung gwapo.. (Unahin ba ang GWAPO? HAHAHAHA!) Mahangin, conceited, vain, ill-tempered, player, prankster, flirt, kiss freak, foul mouth, makulit, suplado, minsan isip bata at higit sa lahat.. Yung saksakan ang yabang na Student Council president at sobrang hambog na student regent ng Southville University.

Luis Patrick is a devil. He is a monster.

Luis Patrick de Guzman is your rare kind of pain in the *ss.

Pero..

Hindi ba si Luis Patrick din yung taong laging nandyan para sa akin kung kailangan ko sya? Hindi ko sya kailangang hanapin.. Dahil buhay na buhay sa kanya ang spirit of volunteerism.

Nung nahimatay ako dati, nag effort sya na dalhin ako sa clinic kahit na hindi naman nya ako kilala.. Idamay na natin yung fact na in-announce ko sa student body ng Southville na sinasagot ko na sya. /err

Nawalan sya ng girlfriend dahil sa akin. Mara broke up with him. /lol

Nung araw na nakita ko sa Persephone’s Garden na magkasama sina Christian at Mara.. Tapos umiyak na ako maghapon. Basang basa ako sa ulan, wala na akong mapuntahan dahil naiwan yung bag ko sa booth. Sino ba ang rumescue at tumulong sa akin? Si Luis Patrick yun.

Nung araw mismo na nalaman kong nililigawan na ni Christian si Mara.. Kanino ako umiyak? Kay Luis Patrick hindi ba?

Si Luis Patrick.. Dun ko lang sya nakita na sobrang galit. Galit na galit sya kay Christian..  Sinugod nya ito at nakipag-away pa sya. Pero hindi naman sya nagalit kay Christian for hitting on his ex, Mara. Nagalit sya dahil pinaiyak ako ni Christian. /so true

Pero kahit nagalit ako sa kanya at inaway ko rin sya dahil sa ginawa niya kay Christian.. Pinatawad nya pa rin ako.

Nung kailangan nyang umalis for Paris.. Bakasyon sana nila yun ng Mom nya na hindi nya madalas makita at makasama. Ano yung ginawa nya? Dinelay nya yun ng one week to be with me. Mas importante pa ako sa nanay nya. Remember the breakfast? And the song? /kiligmuch

Tapos yung recent.. Yung sa gym. Yung muntik na akong gulpihin ng mga fangirls nyang underwater creatures. Dumating sya para iligtas ako.. Kahit nung time na yun e galit ako sa kanya, he didn’t hesitate to help me.

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon