Chapter 11

1.5K 26 2
                                    

Call

Cassandrea Kendall
Pagkatapos namin magusap ni Kelsey nung nakalipas na araw, mas lalo akong naguluhan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Hirap talaga pag first time maexperience 'tong ganito eh.

Andito ako ngayon sa kwarto ko sa mansion, nakatulala lang sa kisame hindi alam kung anong gagawin pagkabalik ko sa city. Bukas na pala yun, ngayon pa lang kinakabahan na akong makita si Drix.

"...you deserve some punishment.."
"...you deserve some punishment.."
"...you deserve some punishment.."
Parang sirang plaka na paulit ulit yung sinabi niya sa akin sa phone.

"Ano nang gagawin kooo?" Hopeless kong tanong sa sarili.

"Hindi naman pwedeng forever ko siyang iiwasan huhu ako lang mahihirap ehh. Bakit ako pa kasi nakita niya eeehhhh" pagulong gulong na ako sa higaan ko.

*tok tok tok

"Ate Cass, kakain na tayo baba ka na dyan." Si Ryker

"Sige wait lang." tugon ko

"Bahala na, bukas ko na lang poproblemahin pag andyan na huhu." Sukong sambit ko.

Paglabas ko ng kwarto andito pa rin si Ryker. Ang tangkad na niya dati patpatin lang 'to ngayon may kaonting muscle na, tambay din siguro sa gym katulad nila kuya. Magulo ang clean cut na buhok niya na parang kagigising lang. makapal ang kilay din niya katulad nila kuya, actually halos kami makapal mga kilay nagmana kay daddy. Mapanga rin siya na siguradong kinakabaliwan ng mga babae sa school niya, parang sila kuya lang noon eh. Halos lahat kaming magkakapatid may pagkalight brown ang mga mata na kay mommy namin namana na may dugong kastila, si daddy pure pinoy naman.

"Ang gwapo naman ng bunso namin" lambing kong sambit at niyakap siya.

"Ate naman ehh." Ungot niya

"Bakit ayaw mo ng nilalambing ka ni ate? Aba no'ng bata ka lagi kang nakadikit sa akin ngayon ayaw mo na ahaha bakit may girlfriend ka na ba?" Tuloy tuloy kong sabi habang nakayakap pa rin sa bewang niya.

"Hindi naman sa ganun ate, pero matanda na ako para ganituhin mo pa." Katwiran niya na nakasimangot.

"Minsan na nga lang tayo magkita ehh hindi mo pa ako pagbibigyan?" Kunwaring tampo ko.

"Ate naman ehh.." pasukong sambit niya kaya tumuloy na kami pababa sa dining area.

"Ohh naglalambing na naman ang ate mo Ryker ahaha." Marahan sambit ni daddy
Nang makarating na kami sa mesa.

"Ewan ko kay ate." Simangot na tugon niya

"Hayaan mo na ate mo Ryker, minsan lang yan bumisita dito pagbigyan mo na." Nakangiting saad ni mommy.

"Baka may girlfriend na kaya ayaw na magpalambing sa akin ahaha." Tukso ko habang nakayakap pa rin sa kaniya.
Na kinatawa ng mga nasa mesa.

"Meron na ba Ryker?" Nakangising tanong ni kuya Xander.

"W-wala noh." Namumulang iwas niya ng tingin.

"Aysus nahiya pa bunso namin ohh." Marahan tukso ni ate Avery.
Kaya napuno na naman ng tawanan sa lamesa.

"Sige na, tama na 'yan. Kumain na tayo." Sambit ni mommy pagkatapos nagsilapitan ang mga katulong para mailapag ang mga pagkain.

Ang mga lalaki busy naguusap tungkol sa business except lang kay Ryker na maganang kumakain sa tabi ko. Si mommy kausap si ate Avery about sa work niya, si ate Addison busy sa pagpapakain kay Bryson at si Kelsey naman tahimik lang kumakain. Iniisip na naman siguro nito yung crush niya ehehe natatawang sabi ng isip ko.

She's The One [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon