Chapter 15

1.6K 30 0
                                    

A/N: starting today I'll be updating every monday, wednesday and friday. Have a good day. Enjoy reading...

Game

Cassandrea Kendall

Dumating ang araw ng friendly game nila Drix, sabi ko sakaniya 'wag niya na ako sunduin dahil kasabay ko naman si Kelsey pupunta sa school nila. Kaso makulit pa sa makulit yun kaya no choice kundi hintayin namin siya ni Kelsey sa bahay.

Dahil sa court ng Del Montez University(school nila Drix) gaganapin ang friendly game nila, panigurado dadayo rin ang taga kabilang school na Fabio Academy. Ngayon ko lang nalaman na sila Kyle pala ang may-ari ng Del Montez, madalang lang kasi namin makita yung may-ari ng Del Montez University noon. Unang kita ko lang sakaniya is noong first year highschool ako nang nagpawelcome program siya, may kasakasama pa siyang cute na batang lalaki noon na si Kyle pala ehehe.

Paniguradong maraming tao mamaya, kaya magiging strikto sila sa gate, lagi naman ganun ehh. Need mong mang-iwan ng id bago ka pumasok, studyante lang ng dalawang school ang pwedeng pumasok. Alumni id ko na lang iiwan ko mamaya do'n. Sabi ko naman kay Drix ok lang kung hindi ako manuod kaso pinilit ako ng tatlo, join forces sila nila Kelsey at Kath. Isa lang ako tatlo sila soo talo ako ahaha, gusto ko naman talagang manuod eh kaso nahihiya ako baka magtaka o anong sabihin ng mga tao do'n kung kasakasama ako ni Drix grabe pa naman clingy nun kahit saan.

Paano pag nalaman nilang si Kendall ako, iba man itsura ko no'ng nagmodel ako kay Auntie kita pa rin sa ibang angulo na ako yun. Baka anong sabihin nila tungkol kay Drix, na kesyo pumatol siya sa mas matanda sakanya o pumatol ako sa mas bata sakin. Ayoko lang naman magkaroon si Drix ng problema dahil dito sa kung anong meron kami. Ano nga ba kami? Nanliligaw siya pero parang may relasyon na kami sa ginagawa namin eh. Kailangan ko ba siyang tanungin tungkol dito? Kausap ko sa sarili. Pinilig ko na lang ang ulo ko para mawala muna mga iniisip ko sa ngayon.

"Tita Andi nasa Del Montez na raw si Kath, may sumundo daw sakaniya sa entrance ng gym na nakajersey." Sambit ni Kelsey na pababa ng hagdan. Ako nakaupo na sa sala tapos na rin akong maghanda ng mga sandwich na kakainin namin mamaya at ibibigay sa ibang kateam nila Drix, marami-marami rin kaya sobrang aga ko nagising kanina tuloy ngayon antok na antok ako namumungay na sigurado mga mata ko. Napatingala ako sakaniya ng tumayo siya sa gilid ng sofa.

"Bakit daw?" Tamad kong tanong habang pipikit-pikit ang mga mata.

"Dinala raw siya sa bench sa likod mismo ng bench ng mga players tita." Tugon niya habang nakatingin pa rin sa phone niya. Pakana na naman ba ni Drix yun? Tanong ko sa isip ko.

"Utos daw ni Kuya Drix tita" natatawang sambit niya sabay tingin sakin. Sabi na ehh at mariin pumikit.

"Baliw na baliw si kuya Drix sayo tita Andi ahh 'yaw malayo sayo, bakod na bakod lang ahaha." Tukso niya at naupo sa kaharap kong upuan.

"Kayo na ba tita?" Tanong niya pagkalipas ng ilang minutong katahimikan kaya napatingin ako sakanya habang nakasandal sa upuan.

Nagkibit balikat muna ako
"Nanliligaw" tugon ko na nagpatili sakaniya.
"Pero sakaniya na raw ako eh" I mumbled
Na lalong nagpatili sakaniya kaya napailing na lang ako sakaniya. Mapang angkin pero hindi naman ako gusto, wala siyang sinabing gusto niya ko, kaagad na lang akong sakanya. Haayy pati tuloy ako naguguluhan.

"Myyygoosshh ahahah." Kinikilig na tili niya kaya binato ko siya ng unan.
"Hindi na ko magugulat kung nagkiss na kayo tita ahaha." Nakangising sambit niya
Nagiwas ako ng tingin dahil naramdaman kong namula bigla pisngi ko. Mariin napapikit ako papahamak pa ko ng pamumula ng pisngi ko.

"O.M.G" tili niya
"Di nga tita?" Kinikilig niyang tanong sabay yakap sa unan na hawak.

"Tigilan mo ko Kelsey ahh." Namumula kong sita sakaniya. Sabay taas ng kamay na parang sumusuko.

She's The One [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon