Chapter 47

1.1K 13 0
                                    

Enjoy reading~

Revelation

Cassandrea Kendall

Sabay-sabay kaming napalingon nang tumunog ang telepono rito sa kwarto. At dahil nasa study table iyon, si Isaac ang sumagot.

"Ok po kuya." Tugon niya bago binaba ang telepono at tumayo dala ang libro niya.
"Baba na raw tayo sabi ni kuya Axel." Marahang sambit niya
Nagsipagtayuhan na rin kami at lumabas ng kwarto. Nahuhuli ako dahil sumagi na naman sa isip ko ang nangyari kanina.

"Hindi naman siguro sila gumagawa ng illegal 'di ba?" Bulong ko sa sarili ko

"Ano iyon tita?" Bahagya akong napatalon sa gulat nang magsalita si Kelsey sa tabi ko habang hirap na hirap sa pagbuhat kay Bryson. Umiling ako sakanya bago kinuha si Bryson at ako na ang nagbuhat.

Tahimik naman kaming naglakad pababa at bumungad samin ang punong-puno sala. Nilibot ko ang mga mata at nakita si Drix na kausap si kuya Axel. Sabay-sabay silang lumingon samin nang marinig nila kaming papalapit.

Agad naman tumayo si Drix at naglakad palapit sakin kasunod si kuya Axel.
Marahang kinuha ni kuya si Bryson sa bisig ko na naalimpungatan saglit pero agad din yumakap sa leeg ng daddy niya.

"We're gonna talk after lunch." Matipid akong tumango sakanya at bumaling kay Drix na nasa tabi ko. Mataman siyang nakatingin sakin at parang tinatansya ako, nang bigyan ko siya nang tipid na ngiti ay bumuntong hininga siya at hinapit ako palapit bago halikan ang ulo ko.

"I'm sorry if I made you worried and scared awhile ago baby. I'll explain it to you, hmmm?" Masuyong sambit niya
Tumango ako bago siya niyakap sa bewang. Inakay niya ako at dinala sa isa pang sala pero mas maliit eto kumpara sa main living room. Umupo kami sa 2 seater couch na parang pang-isang tao lang pagkaupo niya, his body built became massive than before after going to gym continuously with the gang. Addict na ata sila sa kakagym eh.

"Baby, stop staring at my body" nakangising aniya na nagpainit sa pisngi ko. Hindi ko napansing napatitig na pala ako sa katawan niya. Nahampas ko siya sa tyan nang tinawanan niya ako.
"Ouch haha" daing niyang tumatawa, inirapan ko nga at umiwas ng tingin.

Naramdaman kong pumaikot sa bewang ko ang braso niya at hinapit ako palapit sa katawan niya. He tucked my loose hair behind my ear and put all my hair on my other shoulder. Hindi pa rin ako nakatingin sakanya kaya hindi napansin ang binabalak niya.

I gasped when he softly bit my neck and pulled me closer to him.

Napahawak ako sa braso niyang nakapulupot sa bewang ko.

"Drix b-baby" pigil ko sakanya nang dinilaan niya ang kinagat niya sa leeg ko.
"S-someone might see us" nauutal kong sambit at pilit lumalayo sakanya.

Bahagya siyang lumayo sakin at naramdaman ko na lang na pinatong niya ang noo sa balikat ko. Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong hininga bago hinaplos ang ulo niya.

"You won't leave me, right? If you'll hear our explanation." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at pinilit na humarap sakanya na hinayaan naman niya ako.

"What do you mean?" Naguguluhan kong tanong.
May masama ba silang ginawa o ginagawa kaya naisip niya na baka iwan ko siya kung marinig ko yung explanation nila at kung bakit may mga baril sila at doon sa nangyari kanina?
He looked at me and saw something in his eyes before he sighed and look away.

"Can I ask why you have guns in your car Drix?" Tanong ko habang mariin siyang tinignan. I really wanted to know why there are guns inside his car and he actually know how to use one, with how he held the gun and removed the magazine awhile ago. He's like an expert in using guns.
"And how did you know how to use one? Especially that high caliber rifle."

She's The One [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon