Chapter 24

1.4K 21 0
                                    

Surprise Visit

Cassandrea Kendall
Mabilis na lumipas ang mga araw at malapit na naman madagdagan ang edad ko. Apat na araw na lang bago ang birthday ko at ang paghaharap namin ni kuya Axel.

Pagkatapos kong makita yung comment niya sa picture namin ni Drix last month, makalipas lang ng ilang minuto tumawag siya sakin. Hindi ko agad sinagot dahil sa taranta pero kailangan kong harapan si kuya Axel. Lalo na nilihim ko sakanila ang relasyon namin ni Drix, hindi ko naman ginusto yun dahil parehas kaming busy ni Drix sa kanya-kanyang ginagawa. Lalo na next week na ang exam nila kaya sobrang busy nila pati nga sila Kelsey.

No'ng tumawag ulit siya agad ko ng sinagot baka tadtaran ako ng text.
Pagkasagot ko sa tawag niya, bungad niya agad sakin.

Flashback
"Bring that young man at your birthday celebration next month Cassandrea. You think I wouldn't know?"

Wala man lang 'hello'?
Yun talaga bungad niya sakin.

"I know you will find out one of these days kuya, you're still keeping tabs on me, right?" Nakasimangot kong tugon. Hindi pa rin talaga niya tinitigil ginagawa niyang pagpapabantay samin.
"But why just now kuya? Didn't your men told you that I'm always with him these past months?" Takang tanong dahil imposibleng ngayon lang nalaman ni kuya atsaka dahil sa pinost pa ni Drix.

"Just waiting for you to tell us Cassandrea. But I saw those photos where Kelsey tagged you, you shouldn't bothered to cover your face lil sis. I'm still gonna recognize you anyway" seryosong tugon niya
"Introduce that young man to us Cassandrea, ok? I didn't know you prefer younger men lil sis" Dagdag niya hindi ko alam kung tinutukso ba niya ako o ano dahil seryoso pa rin ang boses niya.

"Opo kuya, I'm coming with him next month. And I'm sorry if I'm keeping this from you and the fam." Tugon ko at hindi pinansin ang tukso niya kung tukso ba talaga yun. Napatingin ako kay Drix na nasa tabi ko habang tinitignan akong kausapin si kuya. Hawak niya ang isang kamay ko at nilalaro ang mga daliri ko habang hawak pa rin ako sa bewang.

"Explain next month to mom lil sis, you know her especially how eager she is when it comes to you to have a boyfriend already. I know she's pushing you to have one, I heard everything since you visited us Cassandrea. Let's talk this out next month." Mahabang sambit niya. Wala talagang nakakaligtas sa matalas na pandinig ni kuya. Or maybe he bugged his own house and the mansion? Naaahh hindi naman siguro, exagg naman pag ginawa niya yun. Pero paano kung pati paguusap namin ni Kelsey sa sala nila narinig niya though nasa kusina siya gumagawa ng kababalaghan kasama si ate Addison. Pinilig ko ang ulo nang maalala na naman ang narinig ko sakanila.

"Oh by the way, don't do something nasty in that suite of yours lil sis." Sambit niya na nagpalaki sa mga mata ko. Pati ba naman dito nagpasunod siya ng mga tauhan niya.

"Mygoooshh kuya pati ba naman dito, I'm just doing a photoshoot for Auntie Franceska's magazine. Hindi mo na dapat pinasunod mga tauhan mo dito." Nakakunot-noong sambit ko
"And I will not do something nasty here for your information kuya." Namumulang dagdag ko na mahinang kinatawa ni Drix sa tabi ko kaya sinenyasan ko siyang 'wag gumawa ng ingay muna, na kinanguso niya kaya hindi ko napigilan hindi kurutin ang pisngi niya. Lantod Cass ahh kausap mo niyan kuya mo sa kabilang linya. Ang cute ehh hindi ko napigilan.

"Say hi to your boyfriend for me Cassandrea. I know he's there beside you and chuckling with what you said. Tell him we're gonna talk to him in the mansion." Sambit niya na kinasinghap ko dahil anong klaseng pandinig meron si kuya pati yung sobrang hinang tawa ni Drix narinig niya, wala na ngang katunog-tunog eh.

She's The One [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon