Chapter 25

1.4K 23 0
                                    

Birthday Gift

Cassandrea Kendall
Tahimik kaming nakaupo sa dining table at hinihintay si Drix na naghahanda ng coffee sa kusina para samin.

Nakasandal at nakahalukipkip at mariing nakatingin si kuya Xander sakin, si ate Avery na nasa harap ko naman ay kanina pang nanunuksong nakatingin sakin. Ako eto parang batang papagalitan ng magulang.

Natatawang hinampas sa dibdib ni ate Avery si kuya Xander na napakunot-noo lang.
"Stop that kuya, pwede ba ahaha" nakangiting sambit ni ate kay kuya bago bumaling sakin
"So who's that handsome man lil sis, hmm?" Tanong niya at umabante pa. Bakit parang may nag-iba kay ate. Hindi ko lang masabi kung ano eh.

"A-aaheem" nahihiyang bwelo ko
Naaaliw na nakangiti sakin si ate habang si kuya ay nakataas ang kilay at hinihintay ang isasagot ko.
"Boyfriend ko ate." Mahinang tugon ko bago nahihiyang yumuko. Hindi sa kinakahiya ko si Drix sadyang nahihiya lang akong nakita nila kaming gano'n. Buti na lang hindi nadala ni kuya yung duplicate key niya kundi baka pati yung ginawa namin ni Drix kanina sa kusina naabutan nila. Naramdaman kong namula ang mga pisngi ko.

"What's that baby sis?" Tanong ni kuya
Nakita kong lumabas na si Drix sa kusina at may dala-dalang tray. Tatayo na sana ako para tulungan siya.

"It's ok baby, I can handle this." Malambing niyang sambit na kinahagikhik ni ate.
Kaya pinanuod ko na lang siyang ilapag ang mga tasa bago maupo sa tabi ko at binigyan ako ng ngiti na kinangiti ko rin.

"Thank you" sambit ni ate na kinatango at binigyan ng maliit na ngiti ni Drix.

"Ahhem" tikhim ni kuya kaya bumaling kami sakanya
"Ano na baby sis" sabi niya. Oo nga pala

"Aahhmm ate kuya si Drix po, boyfriend ko po." Nahihiyang sabi ko kaya natatawa na naman sakin si ate.
"Baby ahhmm Drix" namula ako ng matawag si Drix ng baby na mahinang kinatawa ni ate at ni Drix.

"Bakit mo pa pinalitan lil sis ahaha" tuksong sambit ni ate kaya lalo akong namula.

"Aahhm Drix si ate Avery at si kuya Xander, mga nakakatandang kapatid ko." Pakilala ko sakanila. Naglahad ng kamay si ate kay Drix na tumingin muna sakin bago inabot no'ng nakitang tumango ako at ngumiti.

"Nice to meet you Drix" sambit niya
"You take care of our lil sis, hhmm" nakangiting bilin niya

"Of course po, I'll always take care of her po." Marahan sambit ni Drix at hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng mesa.

"Huwag ka ng mag po sakin Drix"
"Ok p-, ok" nakangiting tugon ni Drix at nahihiyang napakamot sa batok.

Tumingin ako kay kuya na hanggang ngayon nakahalukipkip pa rin. Siniko siya ni ate.
"Huwag mong gayahin si kuya Axel" bulong niya na narinig ko naman. Bumuntong hininga muna siya bago ngumiti at naglahad ng kamay kay Drix.

"Nice to meet you bro." Agad naman tinanggap ni Drix

"Nice to mee you too po." Ako lang ba o talagang medyo kinakabahan ang tunog ng boses ni Drix. Tinignan ko siya at nangiti ng makitang may isang butil ng pawis ang tumulo sa gilid ng ulo niya. Akalain mo yun, si Drix na laging seryoso sa ibang tao ngayon kinakabahan sa harap ni kuya. Paano pa mamaya niyan ayy.

"Don't hurt my baby sis, you understand?!I'll hunt you down if you did." Seryosong babala ni kuya na nakatanggap ng hampas galing kay ate.

"Ano ba kuya, huwag mo ngang takutin. Pasensya ka na Drix ahh" hinging paumanhin ni ate.

"Ok lang p- ahem" tikhim ni Drix ng muntik masabi ang po.

"By the way, do you have a job? What line of work are you in? How'd you two met?" Sunod-sunod na tanong ni kuya
Hindi rin ba nila halata na mas matanda ako kay Drix? Tanong ko sa sarili.

She's The One [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon