Chapter 6

2K 33 0
                                    

A/N: Good Morning
happy reading...

Drunk

2 weeks later

Nicholas Cedrix Limwell
Papunta na kami ngayon sa birthday party na sinasabi ni Kuya Tayler 2weeks ago.

Naalala ko na naman tuloy ang araw na yun, kung saan nakalapit na ko kay Kendall. Natatawa't napapailing na lang ako pag naaalala ko kung paano siya mataranta sa paglapit ko sa kanya.

'Flashback'
Ipinatong ko ang magkabilang braso ko sa mesa't sandalan ng kinauupuan niya. Na siyang dahilan kung bakit hindi siya makaalis sa paglapit ko sa kanya lalo.

"Yiieee" mahinang tili ng mga tao sa paligid namin.

"D-drix bakit ka ba l-lapit nang lapit sa akin nang ganito?" Nanginginig niyang tanong sabay patong ng mga kamay sa dibdib ko para itulak ako nang bahagya palayo sa kaniya.

Ang ganda talaga niya lalo na pag ganito kalapit.

"D-rix ano b-ba!" Medyo malakas niyang sabi na nagpabalik sa katinuan ko.

"Sorry ang ganda mo kasi kaya nadistract ako." Saad ko sabay ngiti na nagpamula sa pisngi niyang mamula-mula na kanina pa. Hindi ko tuloy napigilan kurutin ng bahagya ang pisngi niya, na kinagulat niya. Cute

"Can I get your number Kendall?" I asked her again for the third time.

"N-number?K-ko? Number ko?!" Nagtatakang tanong niya "b-bakit naman?" Tuloy niya.

"Hindi ba pwede? May magagalit ba?" Nakakunot noo kong tanong.

"H-hindi naman sa gano'n, pero kasi...."
saad niya na hindi na tinuloy sabay buntong hininga na parang sumuko na sa kakulitan ko.. ehehe sorry baby kung makulit ako.

Tinignan muna niya ako bago nilahad ang kanang kamay, kaya napatingin ako do'n sabay balik din ng tingin ko sakaniya na nagtatanong.

"P-phone mo." Saad niya

"Ohh, right, my phone wait ahaha" natatawang sabi ko sabay pailing-iling
You're so dumb Drix ahaha.

Binigay ko din agad sa kaniya pagkatapos makuha sa bulsa, pinagmamasdan ko lang siya habang nilalagay niya ang number niya, inabot din sa akin pabalik pagkatapos na pagkatapos.

"O-ok na Drix" nahihiyang saad niya.

Kaya tinignan ko ang phone ko at nakitang ando'n na nga ang kaso 'Ate Cass' ang pangalan na nakalagay, na nagpataas ng kilay ko. Pero 'di ko na sinabi sa kanya dahil papalitan ko din mamaya yun.

"Sige thanks Kendall, See you when I see you. Bye baby ehehe" paalam ko sabay tawa ng mahina't naglakad na ko palabas nang hindi na siya nilingon ulit.

'End of flashback'

"Haayyy" buntong hininga ko

"Lalim ahh" puna ni Von sa likod ko.
"May problema ba Drix?"tanong niya pa.

"Wala Von" tipid kong sagot

'Wala daw sus namimiss lang niyan si ate Cass eh' pabulong na sabi ni Rogue sa likod.

"Gago ka talaga Rogue" puna ni Von sa kaibigan.

"Totoo naman diba Drix." kulit ni Rogue.
Kahit kailan talaga ang kulit nito, kung hindi ko lang kaibigan 'to binugbog ko na kanina pa sa kadaldalan. Simula ata makasakay kami nagdadaldal na.

She's The One [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon