Chapter 8

1.8K 28 5
                                    

A/N: medyo nalate magupdate ehehe anyway enjoy reading...

Avoiding

Cassandrea Kendall
Nakatulala lang ako sa harap ng salamin sa loob ng kwarto ko, nakikita ko ang babaeng walang tulog. Ang laki laki ng eyebags mo girl huhu.

Nang napatingin sa labi ko naalala ko na naman ang nangyari kahapon, 'di ko mapigilan hindi sabunutan ang sarili ko.

"Aaaahhhh!!!" Sigaw ko. Naiistress ako bakit ba ako tumugon sa halik niya. Wala ba ko sa sarili ko kahapon? May hangover ba ko?Tanong ko sa sarili ko, hindi eh, konti lang nainom ko nung sabado eh.

"You are crazy Cass, agad agad mong kinain yung sinabi mo kay Tayler nung sabado. Marupok lang teeeh?!" Myggooosshhh anong gagawin kooo???

"Ohh wait hindi ko naman sinabing gusto ko siya o boyfriend ko siya kaya 'di ko pa kinain ang sinabi ko kay Tayler." Bawing saad ko sabay tawa na parang baliw.

"Pero hinayaan mong halikan ka niya, hindi lang simpleng halik Cass." Sermon ko sa sarili ko. Kaya hindi ko na naman napigilan hindi sumigaw at sabunutan sarili ko, kung may kasama lang siguro ako dito sa bahay baka akalain nababaliw na ko.

*ring ring

"Hello?" Sagot ko nang hindi tinignan kung sinong caller. Dahil namumublema pa rin ako sa nangyari kahapon. Siya lang pala makakakuha ng first kiss ko tas sa ganung kadaling paraan lang niya nakuha, with participation ko pa ahh ni hindi ko man lang nagawa yung mga sinabi ko noon kung may magtangkang manghalik sa akin. Nabubuang na ata ako kasi wala ako lagi sa sarili ko pag kaharap ko siya. This is bad Cass, wala akong kaalam alam sa mga ganito huhu. Kausap ko pa rin sa sarili ko.

"Cassandrea kailan ka bibisita dito sa bahay?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"Ahh? Nasa bahay naman ako." Lutang kong sagot. Huhu parang hindi ko siya kayang makaharap ulit dahil sa nangyari kahapon. Baliw ka na talaga Cass sabi ko sa sarili ko sabay sabunot. 

"CASSANDREA KENDALL!!!" Sigaw ng nasa kabilang linya na nagpagising sa lutang kong diwa.

"AAAIII BALIW KA!!!" Gulat kong sigaw
"H-hello?a-ahmm sorry po, hmm sino po sila?" Tanong ko.

"Ano bang nangyayari sayo Cassandrea ahhh. Si kuya Axel mo 'to, kailan ka ba bibisita dito sa bahay? Hinahanap ka na din nila mama bakit hindi ka man lang bumisita sa mansion ahh" mahabang sabi ni kuya.

" ohhh Hi kuya kong pinaglihi sa yelo ehehe." biro ko.

"Tigilan mo ko Cassandrea ah." Malamig niyang sabi.

"Oppss ehehe, anyway baka this week po punta ako dyan pati kanila mama. Hindi naman kasi sila nagtetext kaya hindi ako pumupunta eh baka kasi tampo pa sila" mahinang bulong ko sa dulo.
Nagtampo sila kasi maaga akong umalis sa mansion para maging independent, masyado kasi kaming baby ng mga magulang namin kaya ayaw nilang nahihiwalay sa amin. Yung mga ibang kapatid ko nga doon pa rin nakatira eh kami pa lang ni kuya Axel yung umalis, ang alam ko may condo na yung isa ko pang kuya atsaka si ate eh. Pero madalang lang sila sa mga condo nila mas gusto pa rin daw nila sa mansion ng mga magulang namin lalo na may nagaasikaso sa kanila do'n lagi, sobrang busy rin kasi nung mga yun kaya napapabayaan mga sarili nila. Kahit medyo malayo ang work nila mula sa mansion ok lang daw kasi may nagaalaga naman sa kanila pagkagaling sa work. Ako kasi madali akong mapagod pag ganun gusto ko malapit lang sa bahay yung work ko kaya malapit yung Dreamchaser sa bahay ko eh.

"Narinig kita Cassandrea, hindi porque hindi ka na nila tinetext hindi ka na rin pupunta do'n. Lalo silang nagtampo kasi hindi ka na bumibisita, naging independent ka lang wala ka ng balak umuwi dun." Mahabang sermon ni kuya.

She's The One [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon