Chapter 31

1.3K 23 0
                                    

Enjoy reading~

Justice

Cassandrea Kendall
Sunday ngayon kaya uuwi na kami, ang daming nangyari kagabi.
May pabarbeque si mommy 'tapos naginuman ang mga lalaki at inabot sila ng madaling araw. Lahat sila plakda ahaha.
Kaming mga babae nagkwentuhan lang 'tapos no'ng masyado nang late, nagyayaan ng matulog. Pinabayaan na namin mga lalaking uminom sa office ni daddy.

Nakita pa ni mommy na siyang unang nagising samin na plakda raw sila sa office ni daddy. Iba-iba posisyon nila sa sobrang kalasingan.

Kaya ngayon grabe ang hangover nila lalo na sina kuya Francis at kuya Brooke, mga ginagawang tubig yung alak.

Lahat silang lalaki nakahawak sa sentido habang nasa mesa kami at kumakain ng tanghalian.

"Inom pa more ahaha" tukso ni ate Brooklyn na kinatawa namin mga babae.

"Shut up Brooklyn, lalong sumasakit ulo ko sayo." Nakakunot-noong sambit ni kuya Brooke.

"Ako pa sinisi ahaha" mahinang sambit ni ate

"Uggh" naiiritang ungol ng katabi ko kaya napabaling sakanya ang tingin ko.

"Naparami ata inom niyo kagabi ah" sambit ko kay Drix at tinitigan ang mukha niyang lukot dahil sa sakit ng ulo.

"Yeah, I lost count how many bottles we drank last night." Tugon niya habang hinihilot ang sentido.

"Ako na lang magdadrive mamaya ahh, you need to take a rest." Marahan sabi ko.

"No, it's okay baby. Ako na magdadrive." Pilit niya

"Huwag makulit Drix ah" mariin sambit ko. Masakit na nga ang ulo, gusto pang magdrive kaloka 'tong batang 'to.

"Manang Susan pahanda naman ng lemon water para sa mga may hangover. Ginawa niyo na naman tubig yung alak kagabi, dinamay niyo pa si Drix" nakapamewang na sabi ni mommy habang nakatayo sa tabi ni daddy.
"Buti na lang hindi nagmana sainyo si Isaac" dagdag niya
Wala kasing hilig si Isaac sa alak, gusto lang niya magbasa nang magbasa. Goodboy ng pamilya Cruiz ehehe.

"At ikaw Ryker ahh" puna ni mommy
"Sabi ko huwag kang uminom ehh, pinayagan ka na ng daddy mo? O baka siya pa nagyaya sayo?" Nakasalubong na ang kilay ni mommy, nananahimik lang kami nila ate.

"Mom please lang, maya mo na kami sermunan. Ang sakit na ng ulo ko ehh" ungot ni Ryker na nakayuko na sa upuan niya.

"Aba't..." pupuntahan sana niya si Ryker kaso hinawakan siya ni daddy.

"My tama na yan" mahinang sambit ni daddy

"Hala sige, tapusin niyo na mga pagkain niyo. Magsisipagbyahe pa kayo. Magbaon na rin kayo ng lemon water ah." Tumango ang mga lalaking magbabyahe mamaya.
"At kung pwede lang palitan sila sa pagdadrive ahh, baka may mangyari pa sainyo." Bilin na aniya

-

Nagaayos na ko ng gamit namin ni Drix,
Si Drix ayun K.O sa kama ko. Iinom-inom kasi 'di naman pala kaya. Napapailing tuloy ako sakanila.

Sinasara ko na ang zipper ng isang bag na dala namin. Pinagsama ko na lang gamit namin no'ng nagayos ako bago pumunta rito.
Konti lang naman, halos kay Drix kasi may mga damit pa naman ako dito sa mansion.

"B-baby" paos niyang tawag sakin.

"Hmm?"
Tumayo na ko sa pagkakaupo sa lapag at tinabi sa gilid ng kama ang backpack ni Drix. Umupo ako sa kama pagkatapos maitabi.
"Bakit? What's my baby want hmm?" Lambing na tanong ko sakanya. Hinawi ko ang kalat na buhok sa mukha niya at nilagay sa likod ng tenga niya. Haba na talaga ng buhok niya.

She's The One [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon