Chapter 38

1.2K 20 0
                                    

A/N: enjoy reading~<3

Jealous

Cassandrea Kendall

"Hey baby wake up" gising ko kay Drix
Enrollment nila ngayon kaya dapat maaga siyang pumunta sa school. Baka naghihintay na rin sina Rogue doon.

"Hhhmm" kumunot ang noo niya at hinila ako pasubsob sakanya.

"Yaahhh" sita ko
"Muntik na kong masapak sa dibdib mo" salubong ang kilay na sambit ko at tinignan siya. Namumungay ang matang nakatingin sakin.

"I'm soryy baby" paos niyang sabi at niyakap ako.

"Sige na, get up na baka malate kayo sa enrollment niyo" sambit ko bago lumayo sakanya.

Tinatamad siyang tumayo sa kama at dumiretso sa banyo. Napailing ako bago inayos ang kama at lumabas ng kwarto para maghanda ng almusal. Simpleng egg, bacon and fried rice lang naman niluto ko. Naglalagay na ako ng mga pinggan sa mesa nang marinig ko siyang pababa sa hagdan, andito kami ngayon sa bahay ko.

Nilingon ko siya at sumandal sa mesa habang hinihintay siyang makalapit. Pinasadaan ko ang ayos niya at hindi maiwasan mamula sa kakisigan niya sa suot. Nakasuot siya nang fitted army green sweatshirt, litaw na litaw tuloy mga muscle na pinagpaguran niya sa gym noong nakaraan bakasyon.

Ewan ko ba sakanilang lima, nagbabad sila sa gym noong bakasyon kung hindi pa pupuntahan hindi pa uuwi eh. Para tuloy akong nagsusundo ng limang anak noon pero mas matatangkad lang sila. Kada punta ko doon, ang sasama ng tingin ng mga babaeng naggigym din. Actually isa lang naman sinusundo ko doon, si Drix lang pero kada susunduin ko na siya uuwi na rin yung apat. Follow the leader lang ang peg nila haha.

Bumalik ako sa kasalukuyan nang huminto sa harapan ko si Drix. Tinignan ko ulit ang ayos niya, nakamaong pants siya at all time fave niya, white sneakers. Tumingin ako sa mukha niya nang tumikhim siya. Napaangat ang kilay ko nang napansin ang hikaw sa right ear niya. Ngayon ko lang siya nakitang naghikaw ahh. Kailan siya nagpalagay?

"Didn't know you wear earrings baby?" I tilted my head and stare at him. Ang gwapo gooshh hehe

"Just had it yesterday baby" yumakap siya sa bewang ko at pinasadaan ang ayos ko.
"Beautiful" aniya
Nakasuot ako ng formal dress para sa meeting mamaya, nakapagdecide na ako na magpatayo ng pangalawang branch ng Dreamchaser. Sa kabilang bayan lang naman siya kaya hindi pahirapan pag kailangan puntahan yung site.

"Bola haha" sambit ko
"Siya siya kain na tayo" yaya ko at hinila na siya paupo.






"Will call you when I'm done, ok baby." Aniya
Hinalikan muna niya ako bago bumaba sa kotse ko.

"See you later baby" nakangiting sabi ko

"Drive safely baby hhmm" mariin bilin niya na ikinatango ko, ngumiti siya bago sinara ang pinto. Hinintay ko muna siyang makapasok sa gate bago lumarga papuntang Dreamchaser.

Pagkarating ko sa Dreamchaser, dumiretso agad ako sa opisina ko at naabutan si Chloe na busy sa mga papeles na kailangan namin para sa meeting mamaya.

"Everything's ok there Chloe?" Tanong ko sakanya na bahagya pang nagulat sakin.

"Myggooss Miss Cake naman ehh" natatawang napailing ako sakanya at tumuloy na sa mesa ko. Sumunod naman siya agad dala ang mga folder.

"Kumpleto na lahat miss Cake, yung contract para sa construction company pati yung sa design team. Lahat ok na miss Cake, kailangan na lang ng pirma at go signal galing sainyo kung kailan sisimulan." Actually eto yung pangalawang meeting namin ng construction company na gagawa ng 2nd branch ko pero secretary lang niya yung dumating noong una dahil nasa overseas conference raw yung boss niya. Ngayon, siya mismo yung pupunta kaya ngayon pa lang yung contract signing namin, approved naman ni daddy 'tong company na 'to kaya walang problema.

She's The One [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon