Hallucinate
Cassandrea Kendall
Hinihingal akong bumangon sa kinahihigaan ko. Panaginip, masamang panaginip. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at pinilig ang aking ulo. Pinahid ko ang pawis sa noo ko at do'n lang napansin ang nakaturok sa kamay ko. Nagtataka kong tinitigan ang nasa kamay ko.
"Bakit meron ako nito? What happened?"
Takang tanong ko sa sarili.Napakunot-noo ako at nilibot ang paningin sa paligid. Puro puti, siguradong nasa hospital ako.
Tinignan ko ang suot ko, yeah tama nga nasa hospital ako nila tito Ashton. Pero nasaan sila? Hinanap ko ang phone ko na agad ko naman nakita sa side table.
Tatawagan ko pa lang sana ang isa sa kanila nang sumakit ang leeg ko, nakangiwi kong kinapa ang leeg ko at napansing may bendang nakalagay.
Nanlaki ang mata ko nang maalala ang nangyari kanina, bigla akong nangilabot dahil sa takot. Akala ko masamang panaginip, totoo pala. Nabaling sa pinto ang tingin ko nang makarining ng mga boses.
"She's ok mrs. Cruiz, she just collapsed because of shock. You can take her home once her IV is done."
"What about her wound in her neck Doc?"
"Thankfully, the cut is not deep. Just make sure to cleanse and treat it again so that it will not get infected."
"Ok, thank you doc"
Dali-dali akong humiga nang papasok na si mommy at nagkunwaring natutulog. Wait, bakit ako nagtutulog-tulugan? Takang tanong sa sarili. Uupo na sana ako nang biglang nagsalita si mommy.
"Nasaan na ba ang mga lalaking yun?! Bigla na lang nagsialisan pagkarating namin." Wala sila daddy?
Naririnig kong may kinakalikot si mommy."Hello Addison anak, kamusta na ang apo kong si Kelsey? Kumain na ba siya?" Nag aalalang sambit ni mommy. Sana ok lang sina Kelsey at Kath.
"Buti naman, dyan na muna kayo sa mansion ah. Huwag na muna kayong umuwi lalo na buntis ka Addison, wala rin dyan si Axel. Hintayin niyo na lang kami dyan, uuwi rin kami after maubos ang IV ni Cass. Sige na, ingat kayo dyan ah." 3 months na pa lang buntis si ate Addison sa pangatlong anak nila ni kuya Axel. Isang buwan na siyang buntis noong nasa mansion kami at birthday ko.
"Hello Ryker, where are you ah?!" Dahan-dahan kong minulat ang isang mata ko at sinilip kung nasaan si mommy. Nakatayo siya sa harap ng couch at nakapamewang habang kausap ang kapatid ko.
"You guys even brought Drix there, ano na lang sasabihin ko pag hinanap siya ng ate mo." Napakunot-noo si mommy habang pinapakinggan sa kabilang linya si Ryker.
Kasama rin nila si Drix? Saan sila pumunta? Takang tanong sa sarili. Atsaka bakit lahat silang mga lalaki wala rito?"Just hurry and be here before your sister wakes up" binaba na ni mommy ang tawag.
"Sakit talaga sa ulo ang mga iyon." Napapailing aniya
Hindi ka pa ba sanay mommy ehehe. Muntik na kong tumawa kung hindi ko lang napigilan.Pumikit na ko ulit nang naglakad si mommy palapit sakin.
"My baby Cass" malambing na sambit ni mommy. Napapangiwi naman ako sa isip ko sa narinig, mommy naman eh hindi na ko baby.
BINABASA MO ANG
She's The One [Completed]
Ficción GeneralR18 Age Gap Series #1 An 18 years old Grade 12 student and a 25 years old Cafe owner. What will happen if their path crosses? Is their age gap will remain just a number for them? Or it will be the reason for them to be not able to meet in the middl...