Chapter 43

1.1K 27 2
                                    

Enjoy reading~<3

Wife

Cassandrea Kendall
Andito ako ngayon sa kusina at nag presintang maghugas ng ibang pinggan na ginamit naman namin para sa dessert. Nahugasan na yung iba kanina nina Justice. Ayaw pa nga nila akong hayaan pero napilit ko sila hehe. Wala kasing mga katulong si Justice sa bahay niya kaya nagboluntaryo na lang akong maghugas.

"Congrats Cass" nakangiting bumaling ako sa taong pumasok sa kusina. Lalong lumaki ang ngiti sa labi ko nang makita ang bestfriend ko.

"Thanks Tayler" sambit ko bago nagpunas ng kamay at nilapitan siya. Sinalubong niya ako ng yakap na ginantihan ko naman.

"Hindi ko aakalaing mauuna kang ikasal satin." Lumayo na siya at hinawakan ako sa balikat.
"Hindi ka na talaga pinakawalan ni Drix haha. Sabi sayo eh sobrang patay na patay sayo nung batang iyon." Nakangising sabi niya. Nangingiting hinampas ko naman siya sa tyan na ikinatawa niya.

"Parang kailan lang noong binalak kitang ligawan, hindi mo pa siya kilala noon 'di ba?" Tumango ako sakanya. After a month doon ko pa lang nakilala si Drix, simula nun hindi na niya ako nilubayan.
"Ano nga ulit yung sinabi mo noon?" Lumayo siya sakin at sumandal sa island counter bago naghalukipkip. Nakangising tumingin siya sakin na ikinasalubong ng mga kilay ko.

"Sinabi ko?" Takang tanong ko

"Na hindi ka magboboyfriend ng mas bata sayo." Pabirong inirapan ko siya na ikinatawa lang niya. Hindi talaga niya makalimutan iyon, ang tagal na noong una kong sinabi sakanya iyon ah. Nasa highschool ata kami noon, minsan siyang tumawag sakin 'tapos nakipagkwentuhan. Hindi ko nga alam kung paano napunta doon yung usapan namin eh.

"Take note hindi lang boyfriend kundi asawa mo na ngayon ang mas bata sayo. Sobra mo nang kinain iyong sinabi mo Cass haha" biro niya kaya hinampas ko siya sa braso niya na ikinadaing niya nang peke. Pinalobo ko ang pisngi ko at sinamaan siya ng tingin.

"Tigilan mo ko Tayler ahh" sambit ko
"Doon ka na nga. Atsaka maghanap ka na rin ng girlfriend mo para naman may magsaway sayo sa pambubully mo sakin."  Tinulak-tulak ko pa siya palabas ng kusina kaso ang bigat-bigat ng katawan kaya sumuko na lang ako, para lang akong nagtulak ng pader 'tapos nagpapabigat pa siya kaya sa inis ko kinurot ko siya sa tagiliran.

"Aray naman Cass, ang brutal mo na ahhh" aniya habang hinihimas yung kinurot ko. Binelatan ko lang siya bago kumuha ng tubig sa baso at uminom.
"Nag asawa ka lang mapanakit ka na" nakabusangot niyang sabi
Natatawang tinignan ko naman siya at napailing na lang.
"Atsaka sinong nagsabing binubully kita? Hindi kita binubully, ganito lang ako magmahal-"

"Baby" hindi na natapos ni Tayler ang sinasabi nang pumasok si Drix sa kusina at dumiretso sa pwesto ko. Nakangiti ko naman siyang tinignan. Seryoso naman niyang tinignan si Tayler na ganoon pa rin ang pwesto at nanunuksong nakatingin sakin.

"Nakaalis na sina Attorney?" Marahang tanong ko na ikinatango lang niya habang na kay Tayler pa rin ang tingin.

"Don't look at me like that Drix, hindi ko aagawin si Cass sayo." Baling niya kay Drix "Binalak ko man siyang ligawan noon, hindi ibig sabihin nun may plano akong agawin siya. Mahal ko si Cass pero hanggang bestfriend na lang dahil narealize kong malaki ang mawawala sakin pag pinilit ko ang pagmamahal ko sakanya noon na higit pa sa pagkakaibigan. Kaya huwag kang mag-alala Drix." Sincere na sabi ni Tayler kay Drix at marahang ngumiti samin.
"Buti na nga lang hindi ako pinayagan manligaw at sinagot baka naging battered boyfriend ako 'di oras ni Cass. Mapanakit iyang asawa mo Drix, ang sakit mangurot 'tapos nanghahampas pa." Masama ko naman siyang tinignan na ikinahalakhak niya. Naramdaman ko naman ang braso ni Drix sa bewang ko at bahagya pang pinisil.

She's The One [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon