Girl's Talk
Cassandrea Kendall
Naalimpungatan ako nang may maramdamang humahaplos sa buhok ko. Inaantok kong minulat ang mga mata at pilit inaaninag kung sino ang nakaupo sa kama ko."Hey baby, did I wake you up?" Marahang tanong niya habang tuloy pa rin sa paghaplos sa buhok ko.
"Hhmm" nakangiting niyakap ko ang bewang niya at sinubsob sa tyan niya ang ulo ko.
"Kararating niyo lang?" paos kong tanong
At bahagyang lumayo sakanya para tumingin sa wall clock. Past 2am hhmm"Yes baby." Tugon niya at tinitigan ako sa mata
"What did they do to you?" Napakunot-noo ako nang makaamoy ako ng alak.
"Uminom kayo?" Dahan-dahan akong umupo at sumandal sa headboard ng kama ko."Yes, I'm sorry baby" tugon niya
"No it's okay, huwag lang lagi ah baby." Sambit ko at sinandal sa balikat niya ang ulo ko.
"So, ano pang ginawa niyo?" Curious kong tanong"Just men's talk baby, can't tell the details." Seryosong tugon niya kaya napaangat ang tingin ko sakanya. Tinignan ko ang buong mukha niya at ang leeg niya. Namumula siya dahil nakainom at hindi pinagpapawisan. So, hindi siya pinahirapan nila kuya? Tanong sa sarili
I feel relieved 'bout that. Dahil ibang iba itsura no'ng sa ibang naging boyfriend nila ate. Atsaka tumagal din sila sa fun part nila dahil dati hanggang midnight lang sila ngayon umabot ng madaling araw. Ang haba naman ata ng pinagusapan nila, umalis sila mga past 10pm.Tumango ako sakanya at niyaya na siyang matulog dito, pero tumanggi siya at sa guest room daw siya matutulog dahil ayaw niyang tumabi sakin na nakainom siya at lalo na nandito raw kami sa mansion nila mommy. Hinalikan lang niya ko sa labi at noo bago lumabas ng kwarto ko. Wala na kong nagawa kundi humiga at matulog ulit.
-
Pababa na ako ng hagdan at papuntang dining area. 8 am na ko nagising, nakaligo at nakapag ayos na ako. Nakasuot ako ng baby pink maxi dress spaghetti strap, white sandals at nakalugay ang hanggang bewang na buhok. Lip and cheek lang nilagay ko sa mukha ko at powder, nagspray din ako ng konting pabango. Fresh na fresh ang peg natin Cass ah sabi sa isip.
Naririnig ko na sina ate Avery sa dining area, pagkapasok ko nangunot ang noo ko ng napansing wala ang mga lalaki. Sila mommy at sila ate lang andito atsaka pala si Isaac na busy na naman sa libro niya.
Lumapit ako kanila mommy at bumeso.
"Goodmorning mommy, saan sila daddy?" Nagtatakang tanong ko pagkatapos bumeso sakanilang lahat."Baka nasa office ng daddy mo anak." Tugon niya at nagpakuha ng pinggan para sakin.
"Thank you" sambit ko sa katulong na naglagay ng pinggan ko.
"Kasama si Drix mommy?" Tanong ko ulit"Oo lil sis" si ate Avery ang sumagot dahil kausap ni mommy ang isang katulong, may pinapabili ata sa bayan dahil may hawak na papel si ate Lisa.
"Bakit daw ate?" Sambit ko habang kumukuha ng almusal. Fried rice, egg, bacon and bread ang mga nakahanda sa mesa. Meron pang gatas sa isang babasagin na pitchel at kape.
"Don't know lil sis, nakita na lang namin na papunta sila sa office ni daddy eh." Tugon niya bago kumagat sa tinapay na hawak.
Tumango na lang ako sakanya at nagsimula ng kumain.Nilibot ko ang tingin sa mesa at nakitang tahimik na kumakain si ate Brooklyn sa tabi ni ate Avery.
"Ate Brooklyn, are you ok?" Nag aalalang tanong ko.
Umangat ang tingin niya sakin at binigyan ako ng ngiti."Yes Cass, I'm fine. I think" tugon niya na may binulong sa dulo. Hindi na ko nagtanong ulit sakanya at hinayaan na siyang kumain. Nakakapanibago na tahimik siya at dahil iyon sa nangyari kagabi.
BINABASA MO ANG
She's The One [Completed]
Ficción GeneralR18 Age Gap Series #1 An 18 years old Grade 12 student and a 25 years old Cafe owner. What will happen if their path crosses? Is their age gap will remain just a number for them? Or it will be the reason for them to be not able to meet in the middl...