Chapter 3

2.7K 52 0
                                    

A/N: Umabot ng 2k plus words itong chapter 3 ehehe, though wala naman akong sinusunod na limit. Anyway enjoy reading po...
Grammatical and typographical errors coming ahead. Please bear with me while reading..

Small Interaction

Cassandrea Kendall
Myggoosshh nakakahiya bakit ba kasi natulala ako dun sa lalaki na yun sa stage baka isipin nun may gusto ako sa kaniya tas may matching blush-blush pa kong nalalaman kaloka atsaka 'tong puso ko bigla biglang tumitibok ng mabilis.

Buti na lang nakaalis na ko doon baka nahimatay na ako sa sobrang kahihiyan.

Pagkaraan ng ilang minuto nakarating na din ako sa Dreamchaser. 9 am na din pala ilang oras din pala ako doon.

Pagkapasok na pagpasok ko binati ako ng mga staff ko na binati ko din pabalik.

Halos kaclose ko na silang lahat dahil ilang years na din etong Dreamchaser. Hanggang ngayon marami-rami pa rin pumupunta dito.

"Miss Cake good morning po" bati ng manager/friend ko dito sa Dreamchaser na si Chloe. Cake tawag nila sakin dito cute di ba ehehe.

"Good morning din Chloe" bati ko sabay ngiti sakanya.

"Miss Cake sabi ko wag niyo akong nginingitian nang ganyan eh nasisilaw ako sa ngiti niyo" biglang sabi ni Chloe.

"Oy grabe ka naman sakin ahahah" lokoloko talaga 'to kahit kailan.

"Musta naman kaninang opening? Pasensya na aahh nalate ako hinatid ko pa kasi si Kelsey sa school niya tas nagpasama pa sakin doon."
Naalala ko na naman tuloy yung nangyari 'di ko maiwasan mamula ulit myggooshh naloloka ka na Cass sabay iling ng ulo ko para mawala sa isip ko yung kanina.

"Ehem..." napalingon ako bigla kay Chloe na nakalimutan kong andito pala sa harap goosshh kakahiya ka Cass.

"May problema ba miss Cake? Bakit namumula po kayo?" Takang tanong niya sakin.

"A-ahh ano wala wala, sige na Chloe pwede ka na lumabas. Mamaya lalabas ako para tumulong sa cashier aahh." Sagot ko na hindi makatingin ng daretso sakanya, kahiya ka talaga Cass para kang teenager.

"Sige po miss Cake." Sabi niya at lumabas na ng office ko.

"Haaaayyy..."" napabuntong hininga na lang tuloy ako.

"Okaaayyy let's start working Cass, dami pang kailangan tapusin hmm"

Ilang oras na din akong nakatutok sa mga binabasa kong mga importanteng papel nang biglang may kumatok sa pinto't pumasok sa loob, Kala ko nung una si Chloe.

"Bakit Chloe?"tanong ko habang nagbabasa pa rin.

"Tita Andi"ohh si Kelsey pala.

"Bakit Kelsey? Tapos na welcome program niyo?"tanong ko sakanya sabay tingin sa wall clock ko dito sa office ohh lapit na pa lang maglunch break.

"Opo tita Andi saya nga po ehh ehehe" masaya niyang sabi. Halata naman nagenjoy siya eh ahaha.

"Sabay ka na maglunch sakin Kelsey. Dito na lang tayo maglunch sa office"yaya ko sakanya.

"Tita kasama ko po si Kath, naghihintay po siya sa labas ehh" sabi niya.

"Ganoon ba, sige hanap na kayo ng mesa natin sa labas sabay sabay na tayong maglunch." Hindi lang puro coffee atska cake binebenta namin dito meron din kami mga pagkain pangbreakfast, lunch, dinner atska mga finger food. Kaya dinadayo din kami dito.

"Sige po tita" sabi niya't lumabas na.

Inaayos ko muna mga binabasa ko bago ako mag ayos ng mukha at lumabas na din pagkatapos.

She's The One [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon