Chapter 33

1.2K 18 0
                                    

[A/N: Warning spg coming ahead.
This chapter contains mature content. Read at your own risk. ]

In the Car

Cassandrea Kendall

Ang bilis ng panahon parang kailan lang january pa lang ngayon december na. 3 months na rin kami ni Drix sa relasyon namin, so far wala pa naman kaming malalang away kung meron man agad din kaming nagbabati. Hindi rin naman namin matiis ang isa't isa na magkagalit eh.

Oh, last month pala birthday ni Kelsey. Nagpahanda si kuya Axel sa Dreamchaser, syempre invited sila Drix lalo na ang crush ni Kelsey ahaha. Halos lahat naman ng kaibigan at kaklase ni Kelsey pumunta. Si kuya todo bantay sa anak niya lalo pag may lumalapit na lalaking kaklase ni Kelsey, sinasaway naman ni ate Addison ang asawa niya. Oa raw si kuya kaniya pa ahaha. Siguradong yun ang pinakamasayang birthday ni Kelsey, hindi naman sa hindi masaya mga past birthday niya, sadyang double lang ang saya niya lalo na umattend si Rogue ahaha.



Anyway andito ako ngayon sa supermarket, namimili ng stocks atsaka panghanda para sa gagawin kong surprise para sa birthday ni Drix sa 21. Sa tuesday na yun kaya bumibili na ako ng ingredients ng babalakin kong iluto. Join forces kami ng gang and nina Kelsey at Kath. Balak namin is magyayaya silang inuman sa condo ni Rogue 'tapos kami nina Kelsey at Kath mag aayos sa unit ni Drix. Syempre hindi ako magpaparamdam sakanya, kunwari busy si ateng niyo ehehe pwera biro busy talaga kami next week. Rush hour para sa mga order ng cake and pastries eh.

"Hhmm ano kaya magandang iluto?." Tanong ko sa sarili habang naglalakad at nagtitingin tingin sa mga shelf sa dinadaanan ko. Tapos ko nang kunin lahat ng stocks para sa bahay ko kaya yung handa na lang para sa birthday ni Drix.
"Beef broccoli favorite ni Drix and carbonara rin" kumuha ako ng mga kailangan sa beef broccoli at carbonara.

"Fish fillet, oh tempura rin" sambit ko habang nakadungaw sa seafood station.

"Magbebake na lang ako sa cafe para sa cake niya at cupcakes. Hhhmm" napahinto ako sa pagtulak ng cart ko. At nilibot ng tingin ang paligid habang nagiisip ng idadagdag na lulutuin.

"Cass?" Tawag sakin ng nasa likod ko kaya napalingon ako at nagulat sa nakita.

"Tj?" Di makapaniwalang sambit ko paano ba naman may kasamang batang babae na kamukhang-kamukha niya.
"Anak mo?" Tanong ko at lumapit sakanila. Ang cute ng bata, namumula ang mga pisngi at blue gray ang mga mata. Katulad ng kanila Tayler at Tanner. Nakapigtail pa ang buhok ng bata, ang cute cute ehehe.

"Kapatid ko Cass" natatawang tugon niya

"Really? Didn't know tita Rebecca was pregnant. How old is she?" Tanong ko habang nilalaro ang kamay ng bata.

"Sa US siya nagbuntis atsaka nanganak kasama si dad, nagstay sila do'n for almost 4 years bago sila umuwi dito sa pinas para sa birthday niya" aniya
"4 years old na siya"dagdag niya
"Say hi to tita Cass baby Sam" malambing na sambit niya sa bata. Nahihiya naman kumaway sakin ang bata. Nakakagigil parang si Bryson lang ehehe.

"Bagay sayong may anak na ahh" biro ko sakanya na pabirong inirapan lang ako kaya natawa ako. Tinignan niya ang laman ng cart ko
"Anong meron?" Curious na Tanong niya

"Ahh birthday ni Drix sa tuesday eh" tugon ko na nakangiti.

"Musta ka na pala? Kayo?" Pangangamusta niya.

She's The One [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon