Enjoy reading~<3
What's happening
Cassandrea Kendall
"What's going on Drix?" Mahinang tanong ko sa gilid niya.
"Why do you have that?" Nanginginig kong tinuro ang isang high caliber rifle na nakalapag sa trunk ng kotse niya.
"Why do you have a fucking rifle Drix?!" Naluluhang sabi ko pero hindi siya natinag sa pagkakayuko niya.
"Are you doing something illegal?" Dagdag ko pero wala pa rin siyang tugon.Sabay kaming lumingon nang may nagring sa loob ng sasakyan. Kumunot ang noo ko nang ibang ringtone ang naririnig, hindi siya normal lang na ringtone. Lumingon ako kay Drix nang mabilis siyang naglakad palapit sa driver seat, naguguluhang naglakad ako palapit sa pinto at pinili na lang maupo sa loob. Nagkakabit ako ng seatbelt nang marinig siyang magmura at mabilis na lumapit ulit sa car trunk. Nakatingin ako sa side mirror at sinusubukan tignan kung anong ginagawa niya kaso hindi ko siya makita.
Nakita ko na lang na bumababa ang trunk lid at mabilis na sumakay si Drix habang hawak ang handgun niya. Agad niyang pinasibat ang sasakyan at mabilis na nagmaneho.
"Bakit hawak mo iyan baby?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko.
Umangat ang tingin ko sa mukha niya at nakitang mariin na nagiigting ang panga niya habang mabilis na nagmamaneho.
"Drix""You're scaring me" naluluha at mahinang sambit na ikinalingon niya sakin pero mabilis din binalik ang tingin sa daan.
"Tell me what's going on Drix?!" Lumuluhang sabi ko at mahigpit na kumapit sa seatbelt dahil sa lalong pagbilis ng pagmaneho niya."Fuck those assh-les" he muttered
Ring ring
Napatingin ako sa phone niya na tumunog katabi lang ng handgun niya, ayon na naman ang ringtone. Sino ba ang tumutawag sakanya? Na kailangan iba pa ang ringtone para sakanya. Tinignan ko ang caller at napakunot ang noo ng dalawang letra lang ang nakalagay. AC? Sinong AC?
Napakislot ako nang kinuha niya ang phone niya at sinagot ang tawag habang nagmamaneho pa rin.
"Yeah, saw them." Lumingon siya sa side mirror kaya ginaya ko siya at nakitang may dalawang nakamotor na nakasunod samin. May mga angkas sila at may hawak na kung ano, tinignan ko nang maigi at nanlaki ang mga mata nang mapagtantong mga baril ang hawak nila at nakatutok sa sinasakyan namin.
"Almost there." Aniya sa kausap bago binaba ang tawag at mas binilisan ang pagmamaneho. Natanaw ko na ang mansion at nakita sina kuya Axel na nakaabang sa harap ng malaking gate ng mansion."Drix" bulong ko nang makitang mag-angat ng kamay sina kuya na may hawak-hawak na baril. Baril na naman? Ano bang nangyayari? Bakit sila may mga baril? Ang dami ng mga tanong sa isip ko na nagpapagulo sakin.
Mabilis na nagpreno si Drix sa harapan nina kuya at bumaba ng sasakyan. Natataranta ko naman tinanggal ang seatbelt ko nang may nagbukas ng pinto sa side ko. Bumungad sakin si Ryker na nakangisi, inalalayan ako palabas ng kotse. Mabilis ko naman nilibot ang paligid at napansin halos lahat ng lalaki sa pamilya namin ay nasa labas at may hawak na baril. Ano bang pinaggagagawa ng mga 'to?! Hinanap ko sina daddy at nakitang nakatayo sila sa likod habang seryosong pinapanuod ang nangyayari.
"Baby" nilingon ko si Drix na seryosong nakatingin sakin, bumaba ang mga mata ko sa kamay niya at kumabog ang dibdib ko nang makitang hawak niya ang handgun niya.
"Get inside, I'll explain everything later baby" marahan niya akong hinalikan sa noo bago niya tignan si Ryker sa tabi ko.
"Please bring your sister inside Ryker""Sure, ako na bahala kay ate." Nakangisi pa rin na sabi ni Ryker bago ako alalayan papasok ng gate. Bago pa tumalikod si Drix mabilis ko ng hinawakan ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
She's The One [Completed]
General FictionR18 Age Gap Series #1 An 18 years old Grade 12 student and a 25 years old Cafe owner. What will happen if their path crosses? Is their age gap will remain just a number for them? Or it will be the reason for them to be not able to meet in the middl...