Chapter 37

1.1K 23 0
                                    

Ex

Cassandrea Kendall

Lumipas ang tatlong buwan na nasa mansion lang ako. Sa unang buwan lagi kaming pumupunta sa counselling nina Kelsey at Kath. After naming maclear sa doctor, hindi pa rin muna kami nagsisilabas dahil takot pa sila mommy na maulit iyon. Pinaghomeschool muna yung dalawa pero sa darating na pasukan sa june babalik na sila sa school.

Everyday dumadalaw si Drix dito sa mansion, minsan dito na pinapatulog ni mommy lalo na paggabi na dahil malayo ang byahe pabalik sa city.

Pinilit ko siya noong new year na puntahan ang lola niya at ang kapatid niya. Ayaw pa noong una pero napilit ko lalo na hindi na siya pumunta nung pasko. Kahit mabait yung lola niya, nakakahiya pa rin kung hindi ko pauuwiin si Drix. Tumawag siya kay Drix noong pasko para mangamusta at pinakilala na rin ako ni Drix sakanya. His grandma is very kind and understanding, nagkasundo nga kami agad na kinaselos ni Drix dahil ang lola na lang daw niya ang pinapansin ko noon. Napailing ako nang maalala ang pagtatampo niya.

Minsan sinasamahan niya ako pag pupunta akong counselling. Paglalabas ako ng office ng doctor, andoon siya nakangiti nang marahan sakin at hahagkan ako nang mahigpit. He's always there for me, pinapagaan niya ang loob ko at lalo akong pinapasaya sa piling niya.

Isa siya sa dahilan kaya unti-unti umayos ang pakiramdam ko. Siya yung nagpapakalma sakin pag nagkakaroon ako nang masamang panaginip. Sa loob ng isang buwan na yun, hindi siya umalis sa tabi ko. Aalis man siya pero babalik din at sinisigurado niyang may kasama ako.

Noong valentine's day, dito lang kami sa likod ng mansion nagcelebrate. Nagpicnic kami sa harap ng dagat, simple lang pero ang importante kasama ko si Drix. We ended that day with a passionate kiss under the moonlight.

Kinikilig pa rin ako kaya hindi ko maiwasang ngumiti mag isa. Pinilig ko ang ulo baka akalain ng mga staff ko nababaliw na ko. Nga pala kababalik ko lang dito sa city at ngayon nasa Dreamchaser ako. Kahapon lang ako bumalik dahil paghahandaan ko pa ang graduation ni Drix next week. College na sa pasukan si Drix kaya siguradong lalo siyang magiging busy sa school. Sa Del Montez Uni pa rin daw silang limang magbabarkada mag-aaral.

"Hi, welcome to Dreamchaser. Ano pong order nila?" Nakangiting sambit ko sa mga babae sa harapan ko. Apat silang naggagandahan kaya yung mga lalaking customer grabe makalingon dito.

Unang nagsabi ng order niya ay yung may maikling buhok. Sumunod yung may kulot at mahabang buhok. 'Tapos yung straight ang buhok. Ang huli ay ang may light ash blonde medium length beachy wave hair, gray eyes at nakamatte dark red lipstick. Morena ang balat niya na bumagay sakanya. Hindi ko tuloy maiwasan titigan siya lalo na ang mata niya. Nakatingin lang din siya sakin at bahagyang tumaas ang kilay niya kaya napaiwas ako ng tingin. Kung makatitig ka naman kasi Cass eh. Sita ko sa sarili

"Oh! You're Kendall, right? I saw your latest magazine. You look good together with your boyfriend. I'm jealous 'cause I have a huge crush on Nigel" Biglang sabi nang may mahabang kulot na buhok. Napatingin ako sakanya at maikling umiling sa sinabi niya.

"Nigel is not my boyfriend." Maikling tugon ko.

"Oh, sorry haha" fake niyang tawa. Hindi ko na lang pinansin at pinagtuunan na lang ng pansin ang ginagawa.

"Ano ka ba, you didn't know kung sinong boyfriend niya? Are you kidding me?! Trending kaya sila noon." Sambit nang may maikling buhok at umirap sa kausap.
Napahinto ako sa ginagawa at tinignan sila. Nakatingin silang apat sakin na parang kinikilatis ako.

"Oh right. DV ah" nakangising aniya bago bumaling sa babaeng may beachy wave hair. Nakahalukipkip lang siya habang mariin na nakatingin sakin. Naiilang na ko sa tingin nilang apat. Kaschoolmate o kaklase ba nina Drix 'tong mga 'to?

She's The One [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon