Chapter 14

1.6K 31 0
                                    

A/N: WARNING!!! R18
this chapter contains mature content. Read at your own risk.

Caress

Cassandrea Kendall

It's been two months since I met Drix, simula no'n lagi na siyang tambay dito sa Dreamchaser. Kung 'di ako ginugulo hinihintay naman niya akong matapos sa trabaho para ihatid sa bahay, after niya makipagsuntukan no'n naghintay na lang siya sa office ko at hindi na pumasok ng klase niya sa hapon. Kumain lang kami sa labas nun pagkatapos hinatid ako sa bahay kaya simula no'n hatid sundo na niya ako minsan, lalo na pag wala siyang pasok na maaga. Lagi rin siyang may dalang bulaklak kasi nga raw nanliligaw siya, napupuno na nga bahay ko ng bulaklak ehh yung iba tinatanim ko na lang sayang eh yung iba nilalagay ko dito sa cafe.

Ngayon nga 'to nakatambay na naman sa office ko, monday na monday andito na agad.

"Drix wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ko habang nirireview ang idadagdag na pagkain at inumin sa menu sa susunod na buwan. Minsan pinapalitan din namin ang ibang pagkain o inumin sa menu lalo na kung 'di masyadong naoorder though madalang lang yun.
Bakit walang sumasagot sa tanong ko? Kaya napakunot ako ng noo at tinignan kung anong ginagawa niya. Ayun nakahiga sa sofa tulog na naman at meron din mga papel na nakapatong sa coffee table.

"Haaayy" I sighed
Magdamagan na raw kasi practice nila sa basketball. Lalo na pag weekends daw simula umaga hanggang gabi na. Tumayo ako at kinuha ang kumot na madalas na niyang gamitin pag andito siya. Linapitan ko na siya at pinatong sa ibabaw niya ang kumot, tinignan ko naman ang mga papel na nasa mesa. Hhmm research papers medyo busy na rin pala siya sa school nila pero tignan mo nagagawa pang tumambay dito sa opisina ko. Sabay tingin sa kaniya na mahimbing ang tulog, mukhang angel pag tulog pero pag gising pilyo pa sa pilyo pero pagtinamaan ng kaseryosohan o kasungitan sa buhay mangangalambot na lang tuhod mo sa kaba. 

Hinawi ko ang buhok niya sa noo, humahaba na rin pala buhok niya. May eyebags na rin siya kakapuyat pero yung lips niya ganun pa rin reddish lips pa rin siya ehehe. Kainggit naman lips mo kuya ahaha.

"Stress na stress lang itsura ng bata oh ehehe." Mahinang hagikhik ko at hinaplos ang pisngi niya. He suddenly stirred kaya tinigil ko ang paghaplos buti na lang hindi siya tuluyan nagising. Huwag mong istorbohin sa pagtulog ang bata suway ko sa sarili. Tinignan ko muna siya bago hinalikan sa noo't tumayo para lumabas tutulong muna ako sa kusina marami kaming ibabake na cupcake dahil may nagorder sa amin. Nagustuhan daw kasi ng asawa niya noong kumain sila dito, nakakataba ng puso pag may napapasaya ka sa binabake or niluluto mo malaking achievement na rin yun ahh.

Inayos ko muna mesa ko bago tignan ulit si Drix, nang makitang mahimbing na mahimbing ang tulog niya dumiretso na ako sa kusina para tumulong.

After two hours natapos din kami, dalawang box yung inorder tig 12 pieces per box. Medyo natagalan sa pagdidesign, sana magustuhan nila. Lalo na requested din yung design mismong asawa niya nagrequest nito. Ang sweet, sana maging ganun kasweet sa akin ang magiging asawa ko, pero 'wag naman masyadong sweet nakakaumay din yun eh. Sana katulad nila mommy at daddy na makikita pa rin sa mga mata nila na mahal na mahal nila ang isa't isa, na walang nagbago kahit ang haba na ng panahong lumipas. Gusto mo ganun din kayo ni Drix nohh oyy hindi ahh wala pa sa isip ko magasawa sa ngayon.

Napatingin ako sa wall clock dito sa kusina at nakitang malapit ng magtanghalian. Past 8 ako pumunta dito kanina. Hindi pa kaya gising si Drix? tanong ko sa isip ko sabay tanggal na ng apron at lumabas ng kusina para tignan kung gising na siya.

Pagbukas ko ng pinto hindi ko siya nakitang nakahiga kaya tinignan ko ang buong office ko baka nagtatago na naman para gulatin ako, gawain din niya yun na minsan muntik muntikan na akong atakihin sa puso sa gulat. Hmm mukha hindi naman siya nagtatago ngayon, kaya pumasok na ko at lumapit sa sofa para matupi ang kumot niya. Nang marinig ko ang lagusgos ng tubig sa banyo, naghilamos siguro sabay kibit balikat ko. Tinabi ko na lang ulit sa dating pwesto ang kumot niya. At umupo sa upuan para ituloy ang nirireview kanina.

She's The One [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon