Chapter 32

1.3K 17 0
                                    

A/N: short update, nalate na me sa pagpublish ng chapter 32 hehe.... nakatulog ako kaninang hapon kaya ngayon lang natapos 'tong chapter.
Kung may typos or what pagpasensya niyo na me ehehe hindi ko na masyadong chineck
Anyway,
Enjoy reading~

Surprise

Cassandrea Kendall
Ilang araw na ang nakalipas pagkatapos kong malaman ang tungkol sa kuya ni Drix. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman.

Tsaka ko na siya kakausapin about do'n, ayaw ko rin naman siyang pangunahan tungkol sa bagay na yun. Napailing na lang ako ng ulo.

Makaalis na nga ng bahay. Tumayo na ako sa harapan ng vanity mirror ko at naghanda ng umalis. Nakasuot nga pala ako ngayon ng halter white shirt, gray pleaded short skirt at gray blazer, sa sapatos naman naka ankle boots lang ako with 2inches heel. Wanna dress up for today, though magkukulong lang ako sa office ko ngayon.


Hindi rin nagpaparamdam si Drix, ano siya multo? Ahaha sabi ko sa sarili. Well, busy siya since monday so hindi ko na binulabog need din niyang magpahinga after ng practice nila. Ngayon nga pala game nila para sa intrams nila. Hindi ako makakapunta dahil busy din kami sa Dreamchaser. Sad life, hirap pag parehas kayong busy. Huwag ka na ngang magdrama Cass.

Pababa na ako ng hagdan ng tumunog ang phone ko sa bag. Dali-dali ko naman kinuha baka si Chloe na, dahil past 8 na wala pa ko sa cafe.

Ring ring

Nakita kong si Kelsey ang caller, ano kayang kailangan nitong batang 'to.

"Hello" bati ko at nagpatuloy sa pagbaba

"Hi tita Andi" masayang bati niya

"Why did you call, Kelsey?" Tanong ko palabas na ako sa front door at isasara na ng nagmamadaling nagsalita sa kabilang linya si Kelsey.

"Tita wait, paalis ka pa lang sa bahay mo?" Napahinto ako sa tapat ng sasakyan ko dahil sa tanong niya.

"Bakit?" Nakakunot-noo kong tanong

"Pasuyo naman ako tita ko, naiwan ko po kasi dyan sa guestroom yung folder para sa booth namin. Eh kailangang-kailangan namin siya ngayon. Hindi ko napansing hindi ko nasama sa gamit ko kahapon. Padaan naman po dito sa school ehehe" mabilis na sambit niya

Napabuntong hininga ako bago sumagot.
"Okay, saan ba nakalagay?" Tanong ko habang naglalakad pabalik sa loob.

"Nakapatong lang sa bedside table tita" tugon niya. Pagkapasok ko sa loob ng guestroom kung saan madalas matulog si Kelsey, agad kong nakita ang folder na sinasabi niya.

"Ok, got it" sambit ko pagkakuha at lumabas na ulit.
"Abot ko na lang sa guard niyo ah, tapos kunin mo na lang do'n" bilin ko sakanya

"A-ahmm tita pwedeng abot mo dito mismo sa booth namin?" Napahinto ako sa pagpasok sa sasakyan sa sinabi niya
"Please tita, halos busy kasi kami sa booth." Nagmamakaawang aniya sa kabilang linya. Napairap ako at pumasok na sa kotse.

"Ay naku Kelsey ahhh, alam mo namang busy din ako eh" bahagyang nakakunot ang ulo ko. Marami ang mga nagorder ng cakes, cupcakes at cookies sa Dreamchaser ngayon week na 'to kaya nagdodouble time kami sa pagbebake.

"Pretty please tita" napabuntong hininga na lang tuloy ako.

"Ok sigesige" sumusukong sabi ko

"Thank you tita ehehe see you later" sambit niya bago binaba ang tawag.  Napailing ako bago nagsimulang magdrive.

Pagkalipas ang ilang minuto, nakarating na ako sa Del Montez Uni. Nahihiya akong naglalakad palapit sa gate dahil pinagtitinginan ako ng mga studyante at minsan magbubulungan pa.

She's The One [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon